Chapter 18 - Part 1 of 2

10.5K 249 12
                                    

CHAPTER  18 - Part 1 of 2

Tulad nang inaasahan, ilang araw ding naglagi ang tatlo sa Baguio.  At sa ilang araw ding iyon ay madalas na kinakain nang selos si Tae Kyung.  Papaano naman kasi ay parang pinagtataon na palaging nakabuntot ang Mama ni Shin Woo sa kanila at kung anu-anong kasweetan ang pinapagawa sa dalawa.  Bagay na sumasagad sa pagpipigil ni Tae Kyung.  Alam niyang hindi magtatagal ay sasabog na talaga siya.

                "Tae Kyung, hijo, no chances na ba talaga kayong magkatotohanan ni Heini?"  maintrigang tanong pa ng Mama ni Shin Woo.  Kasalukuyan sila noong nagdi-dinner kasama ang ilang kaanak nito.

                "Oo nga. Sayang kaya. Bagay kayong dalawa!"  Nakisawsaw rin ang kapatid nito.

                "I think that will never happen."  Pinilit pa niyang ngumiti kahit na hilaw na hilaw iyon.

                "Talaga?  Sayang naman. Idol ko pa naman si Heini."  Ang nakababatang pinsan naman nito.

                Hindi na lamang sumagot si Tae Kyung at isang tipid na ngiti lang ang pinawalan niya.  He was starting to get pissed off again.

                "Buti pa itong anak ko..."  Baling pa nito sa tahimik lang din na si Shin Woo.  "Ang ganda ng girlfriend. Bagay na bagay talaga."

                "Ma,"  nahihiya namang saway lang ni Shin Woo sa ina.

                "Kaya lang masyado kang guarded.  Kung hindi pa sabihin sa'yo, ni hindi mo man lang aakbayan o yayakapin si Gemma."  Umismid pa ito sa anak.

                Hindi na lamang kumibo si Shin Woo sa ina lalo na nga't halata niyang unti-unti na namang nababago ang mood ni Tae Kyung.

                "Ni hindi ko pa nga yata kayo nakikitang nagki-kiss,"  iiling-iling pa nitong sabi.

                "Ang Tita naman, baka naman nahihiya lang ang Kuya Shin Woo,"  tukso pa ng isa nitong pinsang babae.

                "Hay naku, wala dapat hiya-hiya lalo na't mahal mo naman, 'di ba?"  nakairap pang sabi nito.  "Tutal naman ilang days na lang ay Christmas na, baka naman puwedeng mag-request ng kiss d'yan!"  tukso pa nito sa dalawa.

                "Po?!"  sabay-sabay pa ang tatlo, sina Tae Kyung, Minam at Shin Woo.  Di nila inaasahan ang request na 'yun.

                "Ano ba kayo! Kiss lang naman 'yun!  Gusto ko lang makita ang anak ko!"  excited pang sabi nito.

                "No, Mama, nakakahiya naman."  Si Shin Woo na agad pang napatingin kay Minam na nakatingin naman sa nobyo nito.

                "Ay naku, Shin Woo!  It's time na itayo mo ang bandera natin!  Ipakita mo rito sa mga dalahira mong pinsan na lalaki ka!"  pagpipilit pa nito.

                "I don't need to prove anything, Mama," tiim-bagang pa nitong sabi. Agad na nakaramdam nang panliliit sa sarili lalo na nga't wala naman talaga siyang dapat patunayan sa pagkalalaki niya.  Nagkataon lang na taken na ang babaeng minamahal niya.

                "Lumapit ka na kay Gemma!"  Halos ipinagtulakan pa nito ang anak para lang mapalapit nang husto sa tahimik pa ring babae.

                "Okay, okay..."  Napabuntong-hininga pa ito habang pilit na tinatantiya ang babae.  "Sorry,"  pabulong pang sabi na lang niya kay Minam na tumango lang.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon