Chapter 22 - Part 1 of 2 (Finale)

15.7K 304 5
                                        

CHAPTER 22 - Part 1 of 2 (FINALE)

Hindi magkandatuto nang araw na iyon si Tae Kyung. Halos dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nang magkahiwalay sila ni Gemma. Nagpasya kasi itong ituloy ang paga-abroad para umano sa mission nang kinalakihan nitong kumbento. Nagturo ito sa Africa bilang volunteer teacher at pansamantalang kinalimutan ang mundo ng showbiz. At ngayon nga, ang araw nang pagdating nito. Sobra ang pagka-miss niya rito. At kahit na alam niya ang dami ng mga tao sa airport ay nagdecide pa rin siyang sunduin ito. Hindi na talaga siya makapaghintay na muling makita ito.

"Hey, Bro, easy ka lang!" Si Minam na iiling-iling pang nakatingin dito.

"Ang tagal naman niya..." Talaga namang hindi siya mapakali nang nakaupo lang.

"For sure, nasa powder room 'yun at nagpapaganda nang husto para sa'yo!" nakangising sabi pa nito sabay kumindat.

"Hindi naman niya kailangan 'yun!" Umismid pa siya rito. Si Gemma ang pinakamagandang babae para sa kanya.

"Ano ka ba? Almost everyday na nga kayo magka-text, 'di ba?"

"Magka-text lang!" nakasimangot pang sagot niya. "Sa susunod, wala ng mga ganyang lakad! Dito na lang siya!"

"Pasaway!" Malakas pa itong humalakhak bago bigay-todong sumandal sa isa sa upuan sa waiting area.

Hindi na lamang pinansin ni Tae Kyung ang lalaki at sa halip ay nagpatuloy pa rin sa pagmamasid sa paligid hanggang sa tuluyan na nga niya itong matanawan! Pinigilan niya ang mangiti nang maluwag at sa halip ay ipinirmi ang seryosong mukha bago marahang lumapit dito.

"Tae Kyung!" Si Gemma na para namang nawala sa sarili at ipinagsigawan pa talaga ang pangalan nito. Dahilan upang mapatingin ang mga nasa paligid nila sa naka-Aviator lang na lalaki. "Tae Kyung!!" Halos magtatakbo pa ito palapit sa nobyo.

"Hey..." Pasimple namang bati niya kahit pa sobra ang pagka-miss niya rito. Mabilis niyang ikinulong sa kanyang mga bisig ang nobya na sobrang higpit din nang yakap sa kanya.

At dahil parehas na celebrity ay agad silang namataan ng mga paparazzi sa paligid.

"Let's go. Ang dami ng mga tao." Mabilis na kumilos si Tae Kyung at agad na naghood upang mas itago ang sarili.

Ganoon din ang ginawa ni Gemma na pasimpleng kumindat sa kapatid na si Minam na mabilis ding naghood at itinago ang sarili sa mga mata ng paparazzi. Nang tuluyan na silang makalabas ay agad din silang sumakay sa A.N.Jell van.

"Ang sweet mo naman. Talagang sinundo mo pa ako," kinikilig pang tukso ni Gemma sa nobyo sabay kurot sa pisngi nito.

"Feeling mo naman. Isinama lang ako ni Minam!" Palihim pa nitong dinilatan ang lalaking kapatid nito.

"Oh yeah, tama. Isinama ko na at nagpipilit!" Ngumisi lang ito at binalewala ang pagbabanta nang tingin ng kanilang leader.

"Kunwari pa 'to..." Inismiran pa niya ang nobyo pero hindi rin magawang ikubli ang ngiti. "Ang gwapo mo naman lalo ngayon. Namiss kita nang sobra." Muli niyang pinisil ang pisngi ng nobyo na bahagya pang napangiwi at hinaplos ang nasaktang pisngi.

"Matagal ko ng alam 'yun," nagyayabang pang himig nito kasunod ang matamis na ngiti. "Ikaw yata... medyo tumaba ka," puna pa niya rito.

"Oo nga, e, sarap kasi kumain," may panghihinayang pang himig nito.

"Pero okay lang, maganda ka pa rin." Bawi rin naman nito kaagad. "Namiss din kita... nang sobra." Ibinulong na lamang niya iyon sa nobya.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon