Chapter 9 - Part 2 of 2

16K 351 12
                                    

CHAPTER 9 - Part 2 of 2

Kinabukasan ay maaga rin siyang nagising nang marinig ang kaluskos ni Minam sa banyo. Taka pa siyang tumingin sa kanyang relo at napag-alamang six o'clock nang umaga pa lang noon. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas si Minam na nakabalot ang buhok ng tuwalya.

"Good morning!" bungad pa ni Minam nang makitang gising na ito.

"You're up early? Nakaka-istorbo ka sa tulog nang iba." panunungit pa niya.

"M-maingay ba? Sorry..." ngumiwi ito at nagpeace sign. "Hindi na kasi ako makatulog. Nanibago yata ako sa higaan. Tapos kasama pa kita..." pagdadahilan pa nito. Sa totoo lang ay hindi nito maiwasang matensyon lalo na nga't unang pagkakataong may nakasama siyang lalaki sa kwarto bukod sa kanyang kapatid.

"Hey, iniisip mo bang may gagawin akong masama?" kunot-noo pa siyang tumitig dito. "Hindi kita type." nakasimangot pang sabi niya sabay nag-iwas nang tingin.

"Sabi ko nga," ngumuso ito at nagkunwaring wala lang kahit na hindi na naman niya maiwasan ang madismaya sa sinabi nito.

Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo at sinuklay ang basang buhok.

Agad namang nanuot sa ilong ni Tae Kyung ang amoy nito at hindi niya naiwasan ang mapalunok lalo na nga't ngayon lang din nangyari na may nakasama siyang babae sa kwarto. Ang amoy nito ay nakagising nang husto sa kanya.

"Pagkatapos mo, ha, lumabas ka muna ng kwarto nang makatulog pa ako!" nagsusungit pa niyang sabi sabay tumalikod nang higa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit na iwinaksi ang naglalarong imahe sa kanyang isip.

"Oo na!" umirap pa ito.

"Buti nang alam mo!" masungit pa rin niyang sagot sabay talukbong ng kumot. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at pinilit bumalik sa pagtulog.

Mag-aalas nueve na noon nang maisipan na ni Tae Kyung na lumabas ng kwarto. Pakiramdam niya'y mas sumakit lang ang ulo sa ginawa niyang paghirit nang tulog.

"Lolo George," bungad pa niya sa matanda na noo'y abalang-abala sa pagbubungkal ng lupa sa garden.

"Tae Kyung, hijo," masayang bati rin naman nito at tumigil muna sa ginagawa. Tumayo siya at hinarap ang lalaki.

"Have you seen Minam?" kunot-noo pa nitong iginala ang mga mata sa paligid.

"Namasyal sa burol. Hindi naman maliligaw 'yun at maganda ang daan doon." Tumingin pa ito sa malayo at itinuro ang daan. "Oo nga pala, nagluto si Minam ng umagahan, ipinagtira ka raw niya. Nand'un sa mesa."

"Oh," tumangu-tango lamang ito. "I don't eat breakfast." Marahan pa siyang umiling sa matanda.

"Oo nga pala," nagkamot ito ng ulo nang maalalang hindi nga pala ito kumakain ng umagahan.

"Nawala sa loob kong sabihin kay Minam."

"She-" ngumiwi pa siya at muntik na naman siyang madulas. "I mean, he knows it too. Siguro nawala lang sa isip niya sa sobrang atat maggala." Umiling-iling pa siya at ibig yata niyang mainis. Hindi nito hinintay na magising siya at gumawa na lang nang lakad basta-basta.

"Sundan mo na lang siya. Maganda d'un. Hindi ka naman nakakaakyat pa sa burol. Wala ka namang ginagawa kundi ang magbahay lang."

"Sige po," tumango siya at saglit ulit pumasok sa bahay para kuhanin ang bull cap niya.

Agad din naman siyang unalis at tinunton ang daan na itinuro ng matanda.

Matapos ang halos beinte minutos na paglalakad ay agad niyang natanawan si Minam na nakaupo sa malaking bato sa tabi ng batis.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon