CHAPTER 14 - Part 1 of 2
Iyon na ang pinaka-malungkot na araw ni Minam. Ang album launching niya sa Grand Stadium.
"Hey, Minam..." si Shin Woo na matamis na matamis pa ang pagkakangiti sa kanya. Kasalukuyan silang nasa veranda noon at umiinom ng kape.
"Good morning..." Isa-isa pa niyang tinapunan nang tingin ang mga kasamahan. At pinakahuli niyang tinapunan nang tingin ang seryosong si Tae Kyung.
"Ayaw naming makagulo sa moment mo..." Si Shin Woo na mas lumapit pa. "But we'll be there, maybe after your performance para naman hindi kami makaagaw ng attention sa audience mo."
Sa halip na sumagot ay tumango na lamang siya dito. Nalulungkot siya sa possibleng maging reaksyon ng mga ito. Alam niyang mamumuhi ang mga ito sa panloloko niya.
"Galingan mo, Minam, ha!" Si Jeremy na tinapik pa siya sa balikat.
"I-I will..." pilit na pilit ang sagot niya habang pinipigilan ang pagragasa ng luha sa kanyang mga mata. "Mauna na ako sa inyo, ha." Pag-iwas na lang niya.
"Minam Go!" Si Tae Kyung na lumapit na rin. "'Wag na 'wag kang magkakalat on stage," pabiro pang banta niya.
Sa halip na sumagot ay isang mapait na ngiti lamang ang pinawalan niya sabay tahimik na umalis
Agad namang nag-alala si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon. Nararamdaman niyang may kakaiba rito ilang araw na. At sa halip na sabihin sa kabanda ang mga pangamba niya ay nagtuloy na lamang muna siya sa studio para tapusin ang areglo ng kanta ng kanyang Mama.
***
Samantala, tarantang-taranta na ang lahat dahil hindi pa rin dumarating si Minam sa Grand Stadium. Halos isang oras na lang kasi ay kailangan ng mag-perform ni Minam sa launching ng single niya sa A.N.Jell album.
"Hello, Tae Kyung!" Si Mr. Lin na talaga namang tarantang-taranta na.
"Mr. Lin?" pormal pang sagot ni Tae Kyung.
"Alam mo ba kung saan nagpunta si Minam? Wala pa rin siya rito!" taranta pang sabi nito. Hindi maikakaila sa boses nito ang sobrang pag-aalala.
"Maaga siyang umalis, ah..." Kumunot ang kanyang noo at hindi naiwasan ang biglang kutuban. "We'll be there! Wait for us!" putol agad niya sa tawag at mabilis na tinawag ang mga kasama para pagayakin. Masama ang kutob niya. Hiling na lang niya ay hindi pa sila huli.
At kahit wala man sa oras ay dumating sina Tae Kyung, Shin Woo at Jeremy sa venue. Talaga namang nagkagulo nang husto ang mga tao sa pagkakita sa kanila.
"What are you doing here so early? Nasaan si Minam?" taka pang tanong ni Mr. Han.
"We'll explain to you later, Mr. Han." Si Tae Kyung ang sumagot. Agad na iginala ang tingin sa karamihan ng mga tao.
"Ano ba talagang nangyayari? Where's Mr. Lin?" natataranta na rin ito hindi pa man.
"Wait, Mr. Han..." Mabilis pa niyang kinayag ang mga kabanda papasok sa malawak na bulwagan ng Stadium.
"Hey, Tae Kyung, ano bang problema?" si Jeremy na takang-taka na talaga.
"We need to find Minam..." mahina ngunit matigas ang kanyang sagot. Kinakabahan na talaga siya lalo na nga't wala ang damit pambabae na ibinigay niya dito.
"Minam?" Si Shin Woo na nagtataka na rin.
"Naka-dress siya. White feathery top and skirt." Alanganin man ay wala siyang pagpipilian kundi sabihin sa dalawa.
"Excuse me?" Si Jeremy na nag-alangan sa narinig. Makahulugan pa itong tumingin kay Shin Woo na seryoso lang din ang mukha.
"Minam is a girl..." Tinapunan pa niya nang tingin ang dalawa bago ulit tarantang iginala ang tingin sa paligid.
"Babae si Minam?" Hindi pa makapaniwalang sabi ni Jeremy.
Si Shin Woo naman ay tahimik lang. Nag-aalala rin siya para kay Minam.
"P-paano nangyari 'yun?" si Jeremy pa rin.
"Jeremy, mamaya na tayo magtanong. Sundin na lang muna natin si Tae Kyung. Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap," sabi pa ni Shin Woo na mas kalmado.
"Much better..." Si Tae Kyung na muling lumabas para hanapin si Minam. At tulad nga nang napagkasunduan, hinanap nila si Minam sa karamihan ng mga fans. Agad din namang sumalubong si Heini nang makita sa lobby si Tae Kyung.
"Nawawala ba si Minam?" makahulugan pang tanong ni Heini rito.
Mataman namang tinitigan ni Tae Kyung ang babae. "How did you know she's missing?" kunot-noo pa siya dito.
"Huh?" Noon na lang natauhan si Heini.
"I'm pretty sure, you have something to do with this," sigurado pang sabi niya sa babae. Pigil na pigil ang galit niya lalo na nga't parami na nang parami ang mga tao.
"P-pero..." Nangangapa siya nang idadahilan sa lalaki. Hindi nito inaasahang may alam kaagad ito.
"I will never forgive you if something happened to her," galit na banta pa niya sabay talikod dito. Sa reaksyon pa lang ng babae ay alam na niyang may kinalaman ito sa gagawin ni Minam.
Halos maikot niya ang lahat nang puwedeng pagdaanan para makita lang si Minam. At gayon na lang din ang gulat niya nang mamataan nga si Minam na papasok na sa loob ng stadium na nakadamit pambabae! Halos takbuhin niya ang kalawakan na iyon ng lugar maabutan lang ang babae. Pero ganoon na lang din ang desperasyon niya nang pagpasok sa loob ay pinatay na ang mga ilaw. Nagsisimula nang magpakita sa stage ng slide show sa karera ng A.N.Jell. Halos mapamura na siya hindi pa man. Kailangan niyang mahanap si Minam bago mahuli ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/2147180-288-k610539.jpg)
BINABASA MO ANG
HE'S MY GIRL!
Teen FictionSi Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama sa grupo. Kakambal lamang siya... Nagkunwari siyang lalaki upang tulungan ang kapatid na hindi tuluy...