Chapter 13 - Part 2 of 2

11.9K 297 9
                                    

CHAPTER 13 - Part 2 of 2

Kaya naman ng gabi ring iyon ay hindi niya malaman kung papaano babalik sa kwarto ni Tae Kyung.  Pakiwari niya'y galit ito sa kanya kaya nagawa nitong halikan siya.  Kaya naman naisipan niya itong i-text bago pumasok sa kwarto nito.

                "Tae Kyung, galit ka pa ba?  Okay lang ba 'yung lips ko?" Agad-agaran pa niya iyong nai-send. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga bago pasadahan ulit ang text niya pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang laman niyon.  "Oh my... tanga!" 

Halos liparin niya ang daan papuntang kwarto sa pag-aalalang mabasa agad nito ang text. Naging maingat pero mabilis ang kanyang kilos. Nagmasid siyang maigi sa paligid at laking pasalamat niya nang mapagtantong nasa banyo ang lalaki. Sa tingin niya ay hindi pa nito nababasa ang text niya. Hinalughog niya ang mga lugar na puwedeng paglagyan ng cellphone nito. At nagtagumpay naman siyang makita iyon sa ilalim ng unan nito!  

"Yes!" Napasuntok pa siya sa ere at mabilis na lumipad ang pag-aalala. Buburahin lang naman niya ang text niya dito. Pero ganoon na lang din ang panlulumo niya nang kakaiba bumungad sa screen ng cellphone nito.  "Password?  May password pa?" tarantang sabi pa niya sa sarili. Nagkamot siya ng ulo sa sobrang pagkadismaya. Pero halos mapatalon siya nang biglang maramdamang nagbukas ang pinto ng comfort room nito!  Agad siyang nahiga sa gilid ng bed nito at pilit na nanghula ng numero.

                "6 5 4 8 7 2"  Si Tae Kyung na idinikta pa ang password dito.

                "6 5 4 8 7 2"  Wala pa sa loob na inulit ni Minam ang numero.  Ni hindi agad na napansin na nasa likuran na pala niya ang lalaki.  "Ang galing nagbu-" Hindi na niya naituloy ang sana'y sasabihin nang ma-realize na nakita na pala siya ng lalaki!  Halos magkulay mansabas siya sa hiya habang dahan-dahang bumabangon mula sa pagkakahiga sa may gilid ng bed nito. Kinagat niya ang kanyang labi habang nakangiwing nakatitig dito.

                "What are you doing?"  Nagtataka pa nitong tinitigan ang babae.

                "A-ano k-kasi..."  Halos magkandautal siya.  "Nag-text ako... mali 'yung pagkakatext ko. Buburahin ko sana," nahihiya pa niyang sabi habang nagkakamot ng ulo.

                "Oh..." Nagtaas pa ito ng kilay sabay agaw sa cellphone niyang hawak nito.  "Which one?" Nagpipindot ito sa cellphone at agad na ipinakita ang text nito.  "Eto ba?" 

               Wala naman siya sa sariling tumangu-tango. "Y-yan nga..." Kulang na lang ay lumubog siya sa kanyang kinakatayuan sa sobrang kahihiyan. "What I meant there was kung okay ka lang ba?  Yeah, that's it!" palusot pa niya.

                "Really?" Pilyo pa siyang ngumiti dito sabay basa sa text nito. "Tae Kyung, galit ka pa ba?  Okay lang ba ang lips ko?" 

                "M-mali nga, hindi gan'un!  Pasensya na..." Yumuko siya at hindi magawang makipagtitigan dito.

                "What do you want me to do with your text?"

                "Pakibura na lang," nahihiya pang sabi niya sabay kagat sa kanyang ibabang labi.  "Thanks..."

                "Tumuloy ka pa rin ba?" nag-uusisa pang tanong nito.

                "H-hindi na... sabi mo kasi..."  Hindi pa rin niya magawang tingnan ito sa mukha.

                "O-okay..."  Nakahinga naman ito nang maluwag sa sagot ng babae. Hindi na rin ito nagkomento pa.  "I'm going to sleep..."  iwas pa nitong sabi habang pilit na itinatago ang nararamdaman pa ring kaba sa ginawa niyang paghalik dito.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon