Chapter 11 - Part 1 of 2

11.9K 304 5
                                    

CHAPTER 11 - Part 1 of 2

Dumating na nga ang araw ng major concert ng A.N.Jell. Gayak na gayak na ang lahat maliban kay Minam na hindi pa rin mapakali.

"Hey, get your make-up done!" puna pa ni Tae Kyung sa tila wala sa sariling si Minam.

"Oo, may hinihintay lang akong tawag," talaga namang hindi siya mapakali. Papaano kasi ay nakatanggap siya ng balita kay Mr. Lin na may nakakilala raw sa kapatid ng Mama nila.

"Hey, you can't be out of focus here," may panermong sabi pa nito. "First major concert mo 'to, remember?" Kunot-noo pa nitong sabi habang matamang pinapanood din ang reaksyon nito.

"Sorry," nahihiya pa niyang sabi sabay kagat-labing yumuko.

"Give me your phone. You don't need to be distracted. Not now..." Inilahad pa nito ang kamay.

"Pero," alanganin pa siya.

"I'll give it back to you once the concert is done, understand?" Mabilis pa niyang inagaw ang cellphone nito.

Tumango na lang si Minam at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi papayag ang lalaki na hawakan ang cellphone niya.

Nakukunsensya man si Tae Kyung sa mga pagkakataong iyon ay ayaw lang din naman niyang isugal ang magiging unang performance nito. Masyado na ring malaki ang hirap nila para lang mapanatili ang reputation ng banda nila.

Hindi naman din nagtagal ay nagsimula rin ang concert. Punung-puno ang Araneta Coliseum sa dami ng mga fans nilang nagsipanood. Saglit na nakalimutan ni Minam ang alalahanin tungkol sa kanilang ina.

Pero pagkatapos lang na pagkatapos ng concert ay agad na pinuntahan ni Minam si Tae Kyung sa dressing room para hingin ang cellphone dito. Pero sa halip na ibigay agad nito ang cellphone niya ay isang malungkot na mukha ang ibinungad ng lalaki.

"I'm sorry, Minam," malungkot pang sabi nito sabay abot ng cellphone dito. Aksidenteng nabasa niya ang mensahe ni Mr. Lin tungkol sa Mama nito.

Agad namang nanlamig ang buong katawan ni Minam nang mabasa ang message na iyon ni Mr. Lin. Mabilis na nanlabo ang kanyang paningin at halos hindi na siya makahinga nang maayos. Matagal nang panahong namayapa ang kanyang ina. Hindi na niya nagawang pigilan ang mga luhang nag-uunahang bumasa sa kanyang mukha.

"Minam..." Mahigpit pa niyang niyakap ang babae. Alam niyang nangungulila rin ito sa ina katulad niya.

Sakto naman ding dumating sina Shin Woo, Jeremy, Mr. Han at Mya. Hindi nila inaasahang makikita si Minam na umiiyak.

"What happened?" Taka pa si Mr. Han na lumapit sa kanila.

"Mr. Han, do you mind if paunahin na muna nating umuwi si Minam?" Si Tae Kyung na bahagya munang hinarangan ang mukha ng babae. Masyadong mahina sa paningin nila ang ganoong imahe ng babae. Possibleng mabuko lang ito kapag nakitang ganoon ito ka-emosyonal.

"Pero may mga reporters na naghihintay sa inyo." Alala pa itong nagpamaywang habang pilit na hinuhuli ang tingin ni Minam.

"Hayaan muna natin siyang makapagpahinga. I'll tell you later why."

Saglit na nanimbang si Mr. Han bago tuluyang tumango. "Sige, Shin Woo, Jeremy, tara muna kayo," kayag pa nito sa dalawa.

Napasunod naman din ang dalawa kahit na nga alalang-alala rin sila sa kasamahan.

"Mya, saan kaya puwedeng idaan si Minam?" Baling pa ni Tae Kyung sa assistant ni Minam na noo'y nakayakap na rin sa babae.

"I don't think makakalabas si Minam nang maayos dito. Kahit saan may reporters." Nagkamot pa ito ng ulo. Pero agad ding nagliwanag ang mukha nito nang may maisip na paraan. "Wait, I have an idea!" Mabilis pa niyang hinila si Minam palabas ng dressing room. Agad naman ding napasunod si Tae Kyung.

"Matagal pa ba 'yan?" Alala pang nagmamasid si Tae Kyung sa paligid. Kasalukuyan kasing tinutulungan ni Mya si Minam na magbihis. Humiram muna sila ng mga gamit at damit ni Heini na kasalukuyan ding nagpe-perform sa stage.

"We're done!" excited pang sabi ni Mya na dahan dahan pang binuksan ang pinto at pinapasok si Tae Kyung. "Presenting, the beautiful Gemma Go!"

Noon na lumabas si Minam na nakadamit pambabae. Nakamini-skirt din itong maikli at blouse na kulay itim. Tamang nakataas din ang buhok nito at may light make-up. Sa madaling salita, malayo sa boyish look nito.

Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan bago magsalita. "Are you ready?" Hindi niya maintindihan ang nararamdaman lalo na nga't ang ganda-ganda nito sa paningin niya kahit pa nga namumugto ang mga mata.

"Oo..." Siya man ay kinakabahan sa mga pagkakataong iyon lalo na nga't nag-aalala siyang may makakilala sa kanya.

"Mya, mauna ka na sa ibaba," instruct pa ni Tae Kyung dito.

"Roger," nakangiting sabi pa nito bago nagmamadaling magtatakbo palabas.

"Come..." Mahigpit pa niyang ginagap ang nanlalamig na kamay ang babae. "You'll be alright."

Tumango lang si Minam sa sinabing iyon ng lalaki. Sobrang lakas nang kalabog ng kanyang puso.

Ngunit sakto namang paglabas nila ay may reporter na nakakita na naman sa kanila. Ang batikang reporter!

"Tae Kyung! Pa-interview naman sa inyo ni Heini!" Agad pa itong humabol sa dalawa. At habang tumatakbo ay panay na rin ang kuha nito ng pictures!

"Run faster!" sabi na lang ni Tae Kyung sa babae na hirap na hirap ding tumakbo sa suot nitong de takong na sapatos. "Just run! Hawak kita!" Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ng babae. Hindi siya papayag na ngayon pa ito mabuking nang kahit na sino. Hindi niya hahayaang masira ang mga pangarap nito.

Napagtagumpayan naman nilang mapagtaguan ang reporter at nadala niya sa may lobby si Minam. Agad ring sumalubong si Mya na matamis na matamis din ang pagkakangiti sa kanila.

"Bye, Tae Kyung..." si Mya na ikinampay pa talaga nang husto ang balakang. Tagumpay sila sa mission nilang mailabas nang maayos si Minam!

Kaya naman nang makatapos lang ang presscon ay pinagpaliwanagan na ni Tae Kyung ang mga kasamahan tungkol sa pag-iyak ni Minam kani-kanina lang.

"Oh, that's a sad news..." Si Mr. Han na naunawaan naman din kaagad kung bakit naging ganoon ka-emosyonal si Minam.

"Kawawa naman pala si Minam..." Si Jeremy na bumuntong-hininga pa.

"Baka sakaling nasa mansion na ang kapatid ng Mom niya." Si Tae Kyung.

"Really?" Si Shin Woo na awang-awa rin sa kalagayan ng kabanda. "I hope he's okay..."

Hindi naman nakaligtas sa tainga ni Tae Kyung ang pag-aalala na 'yun ni Shin Woo. Alam niyang kikiligin nang husto si Minam kapag nalamang alalang-alala si Shin Woo dito.

HE'S MY GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon