Pag kadating namin ng railway station, papunta na kami sa platform 14, ksama ko si Erica.. nagbye lang kami sa mga clanmates namin at kay Vincent.
"Sa muling pagkikita natin Tamii😊"
"Sige babye! Next time uli"
Ilang minuto na lang aalis na yung treno namin pauwe sa Rome, sumakay na kami. Buti na lang madami pang bakanteng pwesto. Dun kami umupo sa harap nila, sa harap ng bintana.. Umaandar na yung treno, tumakbo si Vincent na para bang hinahabol ang treno. May sinasabi sya, di ko maintindihan kaya binuksan q ang bintana..
"Liligawan kita Tamii! Tandaan mo yan! "
At yun nakalayo na nga kami..
"Kiliiiiig!!! Sana may lalake din na kayang maghabol sakin! 😊"sabi ni Erica
Sabay text ni Vincent
"Ingat kayo pauwe.. See you next week ppuntahan kita jan ha 😊"
Di na ko nagreply..
"Bakit di ka nagsasalita jan?" Tanong ni Erica
"Di ba parang ang bilis ng mga pangyayare, I mean.. Sya? Manliligaw sakin? Pagkatapos ng lahat ng pagtataray ko.. Ano purpose nya?"
"Grabe ka naman Tamii! Ang nega mo grabe! Malay mo sya na!! 😁"
"Imposible naman yun.. Loka ka!"
"Sa bagay may Mike pa kaso malayo naman yun.."
"Ha??"
"Oh baka naman si Carl na naman! 😂"
"Shungaa!"
"Ano ba text nya sayo?"
"Ewan, pupunta daw sya sa Rome, next week!"
"Pakilala mo na sa parents mo! 😁"
"Bakit? Di naman kami!"
"E di sagutin mo na!"
"Grabe ka naman!"
"Bagay kayo! Lamang naman yun kay Carl na hilaw, si Mike naman malayo kasi, si Vincent na lang kasi! 😂"
"Haii nako,ewan ko sayo, baliw!"
Nagtatalo isip at puso ko. Sa totoo lang gusto ko din sya bigyan ng chance, pero yung utak ko sabi hinay hinay lang. Madalas ko man ideny nararamdaman ko pero this time gusto ko na din lumabas sa lungga ko. Kinikilig na pero deny padin, ayoko kasi magpadala sa kilig ko, dahil dun din nagsimula nun kung pano ako naging broken hearted.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomansaAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...