"Anong tawagan natin?" Tanong ni Vincent sakin..
"Ewan ko ano ba maganda?"
"Syempre ikaw!"
"Ganun? Sya ikaw nalang tawagan natin!" 😂
"Seryoso nga..
Gusto mo babe na lang?""Yuck! Ang arte naman masyado"
"Hmmm, honey? Honeypie? Bukopie? Cherrypie! Tina-pie!" 😂
"Mahilig sa pie? Suntok ni Po-pie (Popeye) gusto mo??"
"Ayaw ko po mahal ko" 😊
"Mahal daw..."
"Mahal na lang.."
"Ay sya yan na lang para hindi nosebleed." 😂
"Hi mahal ko!" 😁
"Hello mahal ko!"
"Kinilig ako nung sinabi mong mahal, ang sarap sa tenga.."
"Bugok! Umayos ka nga!" 😂
"Opo napakaganda kong mahal"
Isang bwan na din nakalipas. Ang bilis! Naranasan na din ang mga tinatawag nilang monthsary. Sa mga social media di sya masyado showy pero sa personal oo.
Holding hands while walking, nakakatuwa kasi ramdam ko na proud na proud sya na ako yung kasama nya, kaholding hands... tapos biglang bitaw ko sa kanyang kamay nung nakita ko yung amiga ng nanay ko. Legal naman kami kaso ayoko ng mga chismis. Uso kasi yun ehh.
" oh bakit ka bumitaw?"
"Yun kasi ang amiga ng mama ko, kita nya tayo"
"Ano naman dun?"
"Chismosa kasi sya, mahilig magchika yan"
"Eh ano naman dun? Ala naman tayong ginagawang masama.. "
"Ewan ko."
"Akin na nga yang kamay mo, pag bumitaw ka pa, ipoposas na kita sakin"
"oh hindi na nga."
"Kinakahiya mo ba na tayo?"
"Hindi naman."
"Oh e di wag ka ng bibitaw ha.."
Sabay kurit sa pisngi ko at takbo"Ah ganon ah!"
Tapos ayun naghabulan kami, yung feeling na parang magbestfriend kayo jowa mo. Asaran, lambingan, pikunan, pero at the end of the day, masaya pa din kami sa isat isa.
One day nagkita kami ni Sheryl, topic si Mike. Nakita nya daw post ko na in a relationship.
"Uy Tamii. Nagpm sakin si Mike.."
"Ano sabi?"
"Nangumusta sya tapos ayun napapasok ka sa topic"
"Bakit?"
"Sana daw maging masaya ka.."
"Ouch! Parang nafefeel ko yung pain nya. Kasalanan ko. Eh kasi sobrang bait nya sakin, todo yung mga efforts nya nung nanliligaw pa sya. "
"Di mo naman kasalanan, atleast di mo sya pinaasa, katulad ng ibang mga lalakeng paasa jan."
Biglang naring ang cp ko, may nagtext.
"Hey Tamii, musta ka na?"
"Wow." Sabi ko kay She
"Oh sino nagtext?"
"Si Carl."
"Ohh. Speaking of the devil, right timing talaga ha. Alam ba ni Vincent tungkol kay Carl?"
"Oo, inis na inis nga sya kay Carl ehh."
"Ano ba text sayo?"
"Kumusta daw."
"Baka nakita nyang in a relationship ka!"
"Eh ano naman if makita nya? As if he cares.
"Alam mo naman yang si Carl, isang gago at kalahati din yan, mang aasar papansin kung kailan naman masaya ka na"
Makalipas ilang oras. Umuwe na ako. Nagreply ako kay Carl.
"Okay naman, kaw?"
Ako din naman, isang tanga at kalahati din! Dammit! Bakit pa ako nagreply?
"Ayos naman. Ano balita?"
"Wala naman, kaw?"
"Musta lovelife?"
Ano daw? Bakit lovelife ko ang tinatanong nito??
"Masaya naman. Kaw?"
"Ok dn haha"
"Good for you."
"Anong balita?"
Di na uli ako nagreply, di ko kasi alam kong ano sasabihin ko. Tinatamad na din kasi ako.
Tinawagan q si Vincent.
"Mahal, nagtext kanina si Carl"
"Anong kailangan nun sayo?"
"Nangumusta lang"
"Nga pala next week punta kayo dito sa Florence, may paliga ng basket e kasali si insan Mark"
"Sige ba sure!"
After a week. Ayan nga, going to Florence si inday.
Magkasama na kami ni Vincent. Nag almusal muna kami tapos sumakay ng bus papunta don.
Pagbaba namin..
HHWW. Sya kasi mahilig. Gusto lagi nakahawak sa kamay ko.Pagdating namin sa court dami na din manunuod. Yung iba mga nakatambay sa labas, may mga nagbebenta kasi ng mga pinoy foods. Tumambay muna kami kasama na din si Mark, nagtanghalian muna tutal di pa naman sila ang maglalaro.
Kasama din yung kaibigan nila, nakaupo lang kami at naghihintay ng oras.
Bigla ko na lang nakita si Eric, yung mutual friend namin ni Carl. Bumaba sya sa koche. Porma ah.
Niyaya ko si Vincent, gusto ko kasi sya ipakilala. Ayun. Nagshake hands naman ang dalwa, pero di ko lam bakit parang bitter ng mukha nya. Problema nun?
Papadating na din mga kaibigan nya, yung isa mabilis na tumakbo dun sa nagbebenta ng mga pagkain. Pamilyar. Di ko masyado nakita mukha kasi nakacap. Yung iba kaibigan ni Eric pinakilala nya din samin. Si Max lang yung makwento.
Tapos ayun nga, niyaya kami ni Max foodtrip. libre nya daw, mas mabaet pa toh kay Eric.
Si Vincent hindi sumama pagbili kasi pinuntahan nya muna si Mark. Ayun, asa harap na kami ni ate yung nagtitinda ng pagkain, may nakaupo isang babae at isang lalake sa tabe nya. Yung lalakeng nakacap, nakayuko sya.
"Oh Tamii anung gusto mo?"
"Siopao nalang."
"Ate magkano po ang siopao?"
"€2 ang isa, pag tatlo €5 lang."
"Ay sige po, 6 na siopao ate"
"Salamat sa libre 😁"
"Walang anu man, dinamihan ko na at sigurado mamaya hihingi sina Eric, sigurado gutom yun, di kasi nagtanghalian. Ako sana lalaro eh, kaso nabalian ako. yung pinsan nina Eric, sila ang lalaro"
"Ay sayang. May next time pa naman"
"Oo nga eh. Babawi na lang pag galing"
Nung ibibigay na samin ang siopao, napatingin din si Max dun sa lalakeng nakayuko.
Bigla nya itong kinausap..
"Pareng Carl! Gusto mo din ng siopao?"
CARL? Napaisip ako.
At yun, tumingin sya kay Max.
"Ay di na pre, salamat!"
What the! Si Carl nga!
Ano kayang mangyayari? Makakapag usap kaya sila ni Tamii??
ABANGAN!

BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...