Pasensya na po talaga at ang tagal ko ng di nakakapag update..

"Wala kang katulad.. Tamii."

Lahat sila kilig na kilig pagkatapos kumanta ni Mike.

Pagkatapos ng inuman, sinabi q kay Mike na uuwe na kami..

"Sige hahatid na kita.."

"Hindi na, kailangan ka pa ng mga bisita mo, kaya naman namin umuwe..."

"Hindi yan, hatid ko na kayo ha"

"May magagawa pa ba ako??"

"Wala! :) pwede ba kitang makausap Tamii? Yung tayo lang dalawa?"

Bigla namang ngiting ngiti lumayo samin si Karen.

"Ano yun?"

"Bago ako umalis gusto kong malaman mo na talagang naging mas masaya ang buhay ko nung dumating ka. alam ko na mahirap pa para sayo na magmahal uli, sana lang wag mo pigilan ha.. "

Di ako nagsalita...

"Mag iingat ka dito ha, may isang bwan ka pa naman, enjoy muna sarili mo bago ka bumalik sa Italy, you deserve to be happy at sana kahit papano e napasaya din kita."

"Ang drama mo! Lasing ka lang yata! Haha"

"Tamii talaga, mamimiss ko talaga yang pagmumukha mo yang tawa mo."

"Ewan ko sayo!"

"Tsaka yang pagiging suplada mo! :)"

"Alam mo ba, ngayon ko lang naramdaman yung ganito, yung kahit hindi tayo e makita lang kitang masaya e masaya na din ako. Alam mo naman, di ako nag eexpect ng kapalit, ang sa akin lang talaga ay gusto kong malaman mo na sobrang importante ka... "

Tapos bigla nya akong niyakap.

Nakakaguilty, kasi sya mahal nya ako, samantalang ako e nagmomove on parin sa lalaking hindi naman naging akin... Bakit di nalang pwede diktahan ang puso? Sana ikaw na lang minahal ko Mike! Sana ikaw na lang! :(

Kilig na kilig naman na sumigaw si Karen

"Ay parang movie! Kakakilig ih! "

Dumistansya ako ng konte kay Mike, grabe naman pinsan kong si Karen, nakakailang eh.

Naglalakad kami, matagal wala nagsasalita hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay...

"Pano ba yan? Ingat na lang sa byahe.."

"Sige boss :) chat na lang kita pag kadating ko sa bahay.."

"Bye bye na."

"Bye ka jan, walang goodbye goodbye nuh! Sa muling pagkikita na lang ha?"

"Oo na, kita kits pag nagkita. Uwe na! Happy trip na lang."

"Goodnight at see you soon! :)"

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon