X

775 15 1
                                    

"Mahal kita. Tamii, MAHAL KITA. Totoo at walang halong biro. Sana balang araw mapatunayan ko din sayo yun...

at di ko alam kung ano nangyari senyo nung Carl na yun, kung anong ginawa nya sayo.

Kung sinaktan at niloko ka man nya, wag mo naman sana idamay lahat ng lalaki sa mundo, tulad ko, basted ka ng basted sakin e magsisimula pa lang ako manligaw..

Di naman lahat ng lalaki ay parepareho eh. Bakit ba di mo subukan muna pumayag sa panliligaw ko?? ano bang mawawala sayo??? Di naman ako nag eexpect, alam kung pwedeng maging OO o maging HiNDi ang isasagot mo sa huli, alam ko na ang risk na yun at handa naman ako kung ano man mangyare eh.. ang sakin lang, wag kang tanggi ng tanggi agad, kasi hindi mo pa naman alam ang inooffer sayo.

Ibahin mo ako. Hindi ako si CARL! "

Biglang lumabas ng pinto ang lola ko..

"Tamii andyan ka lang pala, ikay pumasok na at maghahapunan na!"

"Sige po 'la.."

"Sige kain ka muna Tamii, sana pumunta ka sa sabado..."

"Titingnan ko.."

"Aww.. Wag masyadong magmatakaw.. hehe"

"Bakit ga, masarap kumain ah."

"Joke lang naman po boss, sige pasok ka na.. :) "

Pag pasok ko, naiisip ko ang mga sinabi ni Mike. Grabe, speechless. Di ko lam kung maniniwala ba ako. Bahala na si Batman.

Simula nung sinabi nya yon, lagi na sya dumadaan sa bahay namin, sa umaga nagdadala sya ng almusal, tumutulong sya sa lolo ko, nagsisibak ng kahoy, sa hapon samin natambay at may dala pang meryenda, sa gabi nangungulit at laging nag gogoodnight...

Sa halos isang linggong yun, parang nakukuha nya na ang loob ko.

Sa bahay lahat sila boto kay Mike. Mas kinikilig pa nga sila sakin eh.

Byernes ng gabi, hindi sya nagpunta. Nagtaka ako at ang mga pinsan ko, pati yung lola at mga tita ko. Nasanay kasi sila makita pag mumukha nya.

Alas 10 na ng gabi, wala pa din sya. Medyo nag aalala na ako nun. Yung mga pinsan ko niloloko na ako...

Pumasok na kami ni Karen at Rey sa luob ng bahay.

"Oi si Tamii, affected.. hehe"

"Siraa, nagtataka lang ako. Baka napagod na sya, ok lang, madami na namang sumuko sakin, sanay na ako ahaha"

"Lukaa! Kaw kasi pa-hard to get ka pa! Malay mo sya na yung soulmate mo!"

"Agad agad?? haha"

Biglang nag-ring ang cp ni Rey..

"Hello pre, napatawag ka? .....

Ha?? E kumusta na sya?? .....

E may angkas sya non?? .....

Nasa ospital pa din ga?? .....

Sya sige pre pupuntahan namin! "

Nagitla kami ni Karen.

"Rey sino yun??" tanong ko.

"Yung pinsan ni Mike."

"Bakit daw??" tanong ni Karen

"Naaksidente daw si Mike. Puntahan natin sa ospital, hiramin ko ang susi ng kotse sa daddy."

"HAA?? Dyos ko po! E tara na! "

"Kumusta naman yung hindi affected?? Haha kaloka ka Tamii!"

"Hoy kawawa kaya..."

"Sus.. Aruuuuy!!hehe"

"Kaw Karen, baka naman gusto mo ng pektos??"

"Tapang mo ever! Hehe sorry na favorite cousin! Haha"

Nagmamadali ako lumabas non. Paglabas ko, andun yung pinsan ni Mike, may kasamang 3 kabarkada nya. Nakabarong? Tapos lahat sila nakangiti. Nagtaka ako. Pagtingin ko kina Rey, napapatawa sila. Shit. Mukhang napagtripan ako ng mga loko. TSK

"Ang trip nyo bulok! Mga loko kayo! Dyan na nga kayo! Tse! At sabihin nyo kay Mike wag na sya magpapakita sakin!"

Papasok na ako nun, ng biglang....

"Uso pa ba, ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka...

sino ba 'tong mukhang gago?nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba

meron pang dalang mga rosas suot nama'y maong na kupas

at nariyan pa ang barkada, nakaporma nakabarong sa awiting daig pa minus one at sing along "

Shit, boses ni Mike yun ah. Pag harap ko, sya nga,may hawak na rose.. Kumakanta sya, nangangatal yung boses nya. Nag-gigitara naman ang barkada nya.

Totoo ba ito? May nanghaharana sakin? Si Mike ang nanghaharana sakin??

Biglang bumuhos ang ulan. Gusto kong sumilong pero di ako makaibo sa kinatatayuan ko. Kumakanta parin sya, papalapit sakin.

Nung malapit na sya, sinampal ko sya.

"Bakit Tamii?? Di mo ba nagustuhan ang kanta ko? Pasensya na, di naman talaga ako marunong... Kaya nga siguro umulan.. hehe :( "

"Gago ka! Naaksidente daw sus! "

"Nag alala ka pala sakin?? :)"

"Asa ka pa!"

Inabot nya sakin yung mga roses.

"Tamii, alam mo para kang rose..."

"Anong pakulo na naman toh??"

"Basta, tanong mo kung bakit.. :"> "

"Demanding ka pre. Tsk"

"Minsan lang naman magrequest.. Tamii.. tunay, para kang rosas."

"Bakit daw?"

"Kasi kahit matinik ka, maganda ka pa rin sa mga mata ko."

AYiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiE <3

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon