1 message received.
Carl
"Musta na?"
Musta?? Pagkatapos mo akong paasahin e kukumustahin mo ako? Anong kalukuhan toh ha??
Yan sana gusto kong ireply sa kanya kaso naisip ko, anong karapatan ko magalit e hindi naman naging kami. Tinago q na lang ang feelings ko para sa kanya, nagkunyareng okay lang ako kahit hindi naman talaga.
"Okay lang, balita?" Reply ko
"Ayos naman, sobrang saya nag iipon at magpapagawa ako ng bahay."
Anong gusto nya ipamukha sakin? Na simula nung nawala ako e mas guminhawa ang buhay nya?? Mas masaya sya nung nawala ako? Kailangan pa bang ipamuka sakin yun? Oo na, hindi ako pinili mo, pero kailangan pa ba isampal mo sa mukha q na hindi ako kawalan??
"Good for you..."
Ayaw ko lang talaga magsimula ng away kaya ganyan lang sinagot ko...
"Sayo ano balita?"
"Eto nagttrabaho na din"
"Ayos yan.. Musta lovelife?
Seryoso ka ba? Pagkatapos ng lahat ganyan ang tatanong mo sakin?? Mukha ba akong madaling makaget over pag sinaktan??
Wala akong magawa kundi magalit sakanya, pero sa isip ko lang. Ayokong mahalata nya na affected ako...
"Wala, kaw?"
"Ayun yung gf ko umuwi pinas, ewan ko ba ang gulo nga eh, lage na lang kaming away.."
Ano ba ako sayo??
Taga pakinig ng problema??
kaya pala naman nakaalala ka kasi may problema kayo! e utang na loob wag mo na akong idamay dyan!
"Mag usap kayo, kung kayang ayusin e di ayusin nyo."
"Sinusubukan ko naman intindihin sya kaso ewan ko..."
"Kausapin mo na lang ng ayos.. Kung mahal mo e mAgagawan ng paraan."
"Susubukan ko..."
"Mahal mo ba?"
"Oo naman!"
"Hindi ba valid reason yun para ayusin?"
"Tama ka! Salamat! :)"
"Sige sleep na ako, maaga pa bukas."
"Goodnight. Salamat uli :)"
Ang sakit pala magpayo sa taong mahal mo tungkol sa taong mahal nya...
Musta naman puso ko? Wasak na naman!
So di talaga nya ako minahal?
Yung I love you nya sakin nuon puro kasinungalingan lang?? ;(
Ang tanong ko, BAKIT??
Bakit kailangan mong magparamdam uli!??
Para saan pa? Para mang asar?
Sa diname dami ng tao sa mundo, sakin mo pa talaga gusto mag open ng problema mo?
Bakit??
Kahit kelan talaga hindi kita maiintindihan Carl!
Laro lang ba sayo lahat ng toh?
Tinetest mo ba kung gano kahaba pasensya ko o kung gaano ako katanga?? Tanga na kung tanga! Pero ano magagawa ko kung mahal ko ang gagong katulad mo??!
Simula nung nareceive ko yung text na yun, naging bitter na naman ako, yung konteng oras na magkakachat kami ni Mike e nababawasan na kasi madalas di na ako sumasagot sa msg nya.
At kung sumasagot naman ako e tinatarayan ko lang sya...
Bakit ganon? Apektado pa rin ako? Bakit ang sakit sakit pa din? Gusto ko na talagang makalimutan si Carl! Pero tuwing susubukan ko, magpaparamdam naman sya...
Pagkagising ko..
Nagtext na naman sya..
"Ui..goodmorning. :)"
Wow naman!
Dati may tawagan pa tayo tapos ngayon ui na lang?
May goodmorning pa nalalaman?
Bakit ba ako ang tinetext mo??? Dun ka magtext sa gf mo!
Bakit kailangan mo pang magparamdam??
Bakit kailangan mo pang bumalik sa buhay ko at guluhin ito??
Ano ba talagang gusto mo Carl? Ganyan ka ba talaga kamanhid? Di mo ba pansin na nasasaktan ako sa mga ginawa mo??!
I wish one day masabi ko din sayo lahat ng toh..
Sana maramdaman mo din tong sakit na nararamdaman ko kasi hindi madali,
hindi madaling mag move on sa taong di naman naging sakin...
![](https://img.wattpad.com/cover/1697986-288-k746578.jpg)
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomansaAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...