Since wala kaming lakad ngayon, sa net shop kami tumambay. Nag online na lang ako sa facebook.

Nagdadalwang isip kong bibisita ba ako sa wall ni Carl..

Natatakot ako, baka kung ano mabasa ko.

Sino ba kasi si Liz?? :/

- Carl Hernandez is in a Relationship with Liz Martinez. - (2 days ago)

Ang sakit sa mata. Totoo ba tong nabasa ko? Sila na? Agad agad? 2 weeks pa lang ako nakakauwi...

Ang dating Tamii na HARD TO GET,

naging EASY TO FORGET na..

grabe! di ako makapaniwala!

Ano ba masasabi ko? well, now alam ko na kung sino si Liz,, sya lang naman ang gf ni Carl.

MASAKIT!

Di ko naman pwedeng sumbatan si Carl kasi hindi naman kami.

Hindi naging kami kaya wala akong karapatang magalit. Sino ba naman ako??

"I love You." Yan ang huling tatlong salita na sinabi nya sakin bago ako umuwi. bullsh*t! Inuman na!

Kala ko nung sinabi ko na mahal ko din sya, automatic na may babalikan ako sa Italy.

Hindi pala. Siguro nga masyado akong assuming... Pati yung kantang "What if" akala ko kaya nya sinabi sakin kasi para sakin yun... hindi pala. Tanga ko kasi, masyadong feeler.

Hindi dapat ako nasasaktan pero, ito lang nararamdaman ko ngayon.

"Oi Tamii, napano ka??" - tanong ng pinsan kong si Rey

"Si Carl, may gf na."

"Ay g*go pala yun eh! Susuyuin ka tapos magggf ng iba?? PAASA! Wag lang sya makapuntang Roma pag balik natin dun, magugulpi yon!"

"Yaan mo na yun Tamii, di sya kawalan."

"Oo nga, di sya bagay sayo, makakahanap ka din ng iba, dami pang iba dyan."

Chinicheer up ako ng mga pinsan at kaibigan ko pero mas lalo lang akong naiiyak..

Yumuko na lang ako nun, ayokong makita nila tumutulo ang luha ko.

Simula nun, gumawa ako ng bagong account sa facebook at idineactivate ko yung isa.

Masyado kasing masakit, masyadong madaming alaala ang iniwan nya: yung mga wall to wall namin, messages, tag. Hindi kasi kaya pag i-block ko lang sya..

Carl, bakit mo ako pinaasa!???

Senti mode.. NP. Pinaasa by Espada.

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon