1 friend request.
Sino kaya ito?
Pag kaclick ko...
Carl Hernandez.
Accept o Ignore??
Natulala na lang ako, di ko kasi ineexpect ehh...
Biglang siko ni She sakin...
"Anyare sayo?" Tanong nya
Di ako sumagot..
"Ui Tamii!"
"Tingnan mo oh..."
"What the??"
"She inaadd ako ni Carl...bakit kaya?"
"Iaccept mo! Dali! Para makita nya mga upload natin na nakabikini.. Haha nganga yan!"
"Adik kang babae ka! Haha"
"Kita mo nahanap ka nya.."
"Gagawin na naman akong rebound nito, kakausapin lang pag di sila okay ni Liz..."
"Oh e di ipakita mo lalo na wala ka ng pakealam sa kanya, ipakita mo na masaya ka na, na di sya kawalan!"
"Sa bagay.."
"Oo tapos makikita mo, pag nakita nyang happy ka na, sya naman makakaalala lagi sayo.."
"Pag iisipan ko.. Baka mamaya eh masaktan na naman ako pag inaccept ko.. Syempre makikita ko na sweet sila ng gf nya di ba? Mga pictures nila.. Si Carl kasi, sobrang showy nun.."
"Ikaw bahala, payo lang, iaccept mo.. Dun mo din marerealize kung nakamove on ka na eh o hindi..."
"Pag hihintayin ko muna sya, di ko muna iaaccept. XD"
"Ay, oo ganon na lang gawin mo! Haha tapos bukas ng umaga, magpipictorial uli tayo, mga nakabikini uli.. Hahaha"
"Alam mo sira ulo ka She! Haha bute ikaw sexy, ako naman e piglet! Haha"
"Piglet daw! Digay ayus ang katawan mo, lake na napayat mo kakapunta sa gym haha, pakita mo kung ano nawala sa kanya!"
"Hahaha ala, ayoko naman ng ganon, stay humble, hahaha"
"Bahala ka nga ang gulo mo! Hahaha"
"Mas magulo ka luka ka kasi! Hahah"
Biglang nagtxt si Vincent
"Musta jan sa beach?"
"Okay naman.. Kaw musta?"
"Okay lang din.. May gusto sana akong itanong sayo..."
Di agad aq nagreply nun.. Alam mo yung feeling na kukutuban? 90% ng kababaihan e pag kinutuban, halos tumpak!
Well, sa tingin q tatanungin nya aq if pede manligaw.
Pero ayoko, so naghintay ako ng isa oras bago magreply...
Ayoko pa sa ngayon. Wrong timing.
"Ano yun?"
Di din sya agad nagreply...
At nung nagreply sya, ito ang sinabi nya..
"Kumain ka na?"
Like alas 12 ng gabi, ganun tatanong sayo? Haha basag!
"Kanina pang tapos..."
"Kailan tayo pwede magkita? Punta ka naman dito sa Florence minsan..."
Florence, Florence...
Pupunta ba ako?
What if makasalubong ko si Carl? Maari ko syang makita kasi taga dun din sya..
Pero maybe it's about time to face him..
Tetyempo na lang siguro ako..
"Di ko pa alam eh.. Sama din natin si ma, Veronica , di q pa din sya namemeet eh.."
"Sige ba.."
Matuloy nga kaya si Tamii? Makita nya kaya si Carl?
ABANGAN
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...