VI

876 14 4
                                        

MOVE ON TAMiii!!! MOVE ON!!!

Dapat ko na talaga itong gawin!

Tama na!

Masyado ko ng binibigyan ng halaga si Carl, samantalang ako, ni isang paliwanag man lang di nya ako mabigyan..

Ay oo nga pala, wala nga pala akong karapatan humingi non, kasi ano nya ba ako?? Wala lang naman di ba??

TSK.

Ngayon alam ko na ang tunay na meaning ng M.U..

"Mag-isang Umibig."

Kahit nalulungkot ako, kailangan magsaya, ayoko naman masira ang bakasyon ko ng dahil lang sa kanya!

Isang araw habang nakatambay kaming magpipinsan, madami dumaan na nagsstroll sa motor.

"Tamii yan si Mike oh, yang nakagreen na t-shirt" - Sabi sakin ng pinsan ko na si Karen

(sa part 1, sya yung naging chatmate ni Tamii na taga France at parehas ang baranggay kung san sila nakatira, pero never pa sila nagkita before kundi sa net lang.)

"Mike!" - sigaw ko.

Tumigil sila lahat at tumingin sakin.

Wow naman mga pre! Mike ba lahat ang pangalan nyo?? Naisip ko. Agaw eksena pa tuloy..

Lumapit sakin si Mike at tinitigan nya ako, alam nyo yung tingin na..

-Who the hell are you?? - yung ganon.

"Di mo na ako tanda??? Si Tamii toh. -.-"

"Ikaw pala yan! Di mo sinabi na uuwi ka.."

"Ngayon alam mo na.."

"Haha. Ay sya may lakad lang kami ha, kita kits na lang!"

Nakachat ko uli si Mike.

Hiningi number ko at nagyaya magstroll.

Pumayag naman ako.

Komportable kasi ako sa kanya kasi alam ko wala naman malisya yun sa both sides namin.

Tsaka nakakabiruan ko na naman sya noon kaya hindi awkward.

Simula nun, lagi na kami magkatext.

Tinatawagan pa nya ako sa cp kahit na magkalapit lang bahay namin.

Niloloko na nga ako ng mga pinsan ko sa kanya.

Ang mga tito at tita ko nagtatanong kung nanliligaw ba si Mike sakin.

Pag ba ang babae at lalaki e naging close, may namumuo na agad na pag iibigan?? Di ba pwedeng friends muna?? Napakamalisyoso talaga ng mga tao nowadays, grabe.

Meanwhile, nagpaparamdam pa din si Jerome pero nabalitaan kong may gf na sya, at hindi yun chismis lang, nakita ko din sa fb, pero pinagtatakpan sya ni Alex.

Dinededma ko na lang pag nakikita ko sya.

May gf ka na tapos gusto mo pang manligaw sakin?? Wow, nahiya naman yung encyclopedia sa kapal ng mukha mo! NO THANKS. Mas lalo akong naturn off sa kanya. Sobra.

After a month na stay ko dito sa pinas, niyaya ako ni Mike, party party daw sa kanila, tsaka gusto nya daw ako pakilala sa mga kaibigan at pinsan nya. Gusto ko din naman para madaming kakwela.

Paparating palang ako sa kanila kasama ang pinsan kong si Rey, madami na agad nakatingin samin, mas lalo naman ako nahiya, yung pinsan ko nga ayaw na tumuloy.. Tapos ayon, si Mike sabi punta daw kami sa loob.

Pag pasok, pinakilala nya kami sa pamilya at mga kaibigan nya..

Aminadong naiilang ako nung mga panahong yun. Inilabas nya yung electric fan, bigla naman sabi nung kaibigan nya...

"Kaw ha Mike! Kanina pa mainit dito.. Ngayon mo lang inilabas yang electric fan nung dumating si Tamii.. Aruuuuy!"

"SWEEEEEEEEEEEEEEEEET!" sabay sabay pa sila ha.. pinag usapan nyo lang??

Ok. Titig nalang ako sa sahig. Kahiya naman.

Pati ba naman yung lolo nya, sabi ba naman aapuhin na daw ako.

Anong meron?? Bakit ganon sila sakin??

Kinabukasan, nakita ko na naman si Mike, nagyayaya daw, tatambay.. Kasama yung mga nakilala ko kahapon...

Tambay sa bahay kubo, nag iinom sila. Lagi parin may nanloloko saming 2..

"Ay Mike! Sya ga yung sabi mong gustong gusto mo?? Ay bagay nga eh!"

Halos matunaw ang lupa sa titig ko.. dedma na lang.. Pwede uwi na ako?? Kung pag usapan ba naman ako ng mga toh, parang di ko pakinig eh.. pang asar lang mga dre??

Pero natutuwa din ako..

Yung kilig, nararamdaman ko na uli, pero syempre, dapat patay malisya, di pwedeng ipahalata.

1 bwan na naman ang lumipas..

Si Jerome nandyan parin, nangungulit pa din sakin.. nalaman nya kasi ang number ko pero sinabihan ko sya na hanggang friends na lang kami..

Dun pa lang sya tumigil.

Nagsimula ng magparamdam ni Mike sakin. May gusto daw sya sakin at gusto nyang manligaw.

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon