Masakit man pero kinailangan ko makipaghiwalay kay Vincent.
Di ko kayang nakikitang nasasaktan sya ng dahil sakin.
Gusto ko muna talaga maayos sarili ko, maintindihan ang feelings ko.
Tinanggap nya din sa huli at nirespeto nya desisyon ko.
After a month ng break up, nagparamdam sakin si Carl. Friendly naman lagi, halos araw araw nangungumusta.
Di ko nalang nilalagyan ng malisya yung mga pagtetext nya, yung pagbibigay nya ng time sakin.
Pero di pa din sapat mga messages, kailangan ko na syang makita at makausap ng personal.
4 months na nakalipas.. Ayan madadagdagan na naman ang kandila sa birthday cake ko. May kailangan ba akong icelebrate? After ng break up at broken heart, parang wala. Pero pinilit ako ng mga kaibigan ko, mas lalo ko daw need magparty kasi masyado akong nadedepress kaya yan, nagkayayaan sa bahay, dun na lang ipagdiriwang ang aking kaarawan. 😂
Ay guess what? May ininvite ako para dumalo sa birthday ko;
Si Carl.
Alam ko, isang malaking katangahan na naman to. Kinukulit ko sya lagi magpunta lang sya. Pero sa huli? Wala.
Di daw sya makakapunta. Kakalungkot. Akala ko pagkakataon ko na para makausap sya. Hay nako.
Pano ba ako magmomove on kung lagi ko namang hinahanap at naaalala ang taong dapat matagal ko ng kinalimutan?Chibugan at inuman, sponsored by the birthday girl. Kasama ko na ibang mga kaibigan ko. Akala ko complete na ang mga pupunta ng biglang may nagdoorbell. Yung kapatid ni Eric, si Max and boom.
Pati si Carl.
Nagulat ako kasi di ko naman alam na pupunta sya.
Iniwan ng parents ko sakin ang bahay for a night. Medyo magulo na din sa bahay, maiingay na mga tao.Di pa din kami nag uusap ni Carl, bumati lang sya sakin.
Habang yung iba nasa salas, lumabas muna aq, nagpapahangin, nag iisip.
Kasama ko si Carl sa iisang bahay at never pa kami nakapag usap ng masinsinan. Yung closure na matagal ko ng hinahangad. Pano at san ko sisimulan?
Pano namin pag uusapan ang dating relasyon namin? Yung relasyon na hindi pa nagsisimula e nganga na.
Pano ko sasabihin yung mga hinaing ko sa kanya e wala naman akong karapatan?Biglang lumabas din sa terrace si Carl.
"Hinahanap kita kanina pa, andito ka lang pala sa labas" sabi nya sakin.
"Oo nagpapahangin lang, bakit mo naman ako hinahanap?"
"Baka kasi napapano ka.. May amats na ba? 😁"
"Wala to no! Kayang kaya ko sarili ko."
"Salamat nga pala sa pag invite mo sakin"
"Wala yun, pasabi sabi ka pang hindi pupunta e dadating din pala 😂"
"Pinilit nila ako! Haha! Tsaka na lang ang regalo pag mabait ka na! 😂"
"Napilitan ka lang pala, ay sya uwi na.. 😂Ang bait ko kaya, maglabas ka na ng regalo jan"
"Next year na lang"
"Ewan ko lang kung buhay pa ako nun.. 😂"
"Sira! Wag ka ngang magsalita ng ganyan"
"Never say never, you'll never know 😂"
"Baliw ka pa din mula nuon hanggang ngayon noh?"
"Baliw ba ako nun?"
"Oo tapos sobrang kulit mo"
"Ano PA?"
"Ewan, ano pa nga ba?"
"Martir tsaka tanga PA haha!"
"Bakit?"
"Wala PA! haha..
"Pa ka jan.. Baliw"
"Ay anong tatawag ko sayo? Ui? Carl? Haha"
"Lasing ka na yata"
"Hindi kaya no! Ay may nalimutan pala ako, dito ka lang, may kukunin lang ako.. "
Nagpunta ako sa kwarto at kinuha ko yung dapat matagal ko ng ibinigay sa kanya.
"Oh" sabay abot ng mga dogtags. Ibinigay ko na din yung dogtag na dapat ay akin.
Di sya nagsasalita
"Matagal mo na yan pinapabili sakin di ba? Buti di pa nagkakaamag 😂"
"Tamii"
"Bakit?"
"Binili mo talaga?"
"Hindi hindi, isinuka ko lang ngayon!"
"Salamat. Bakit nga pala dalawa to?"
"Dalawa yan, kasi yung isa akin sana para parehas tau kaso mukhang hindi ata para sakin yan, keep it na, baka may iba ka gustong bigyan nyan."
Nakasmile kong sinabi sa kanya kahit na deep inside nasasaktan ako kasi gusto ko na kami na lang dalwa ang magka-terno.
Matagal syang di nagsalita..
"Sorry Tamii.."
"Saan?"
"Kung nasaktan kita nuon.. Sana mapatawad mo ako."
"Alam mo, di ako matahimik nun kasi wala akong narinig na paliwanag sayo, kung bakit nagka-girlfriend ka agad, kung kailan naman alam mong nahulog na ako sayo.. Tanga siguro ako kasi umasa ako.. At nagtiwala sayo. Kasi naging kaibigan kita bago mo pa sabihin na gusto mo ako, bago ka pa magsabi ng mahal mo ako... Pinanghawakan ko yung friendship natin kaya naniwala ako... At nung sinabi ko na mahal din kita, akala ko automatic na maghihintay ka sakin... Mali pala ako."
Di padin sya makapagsalita..
"May isang bagay lang akong gusto malaman... I know it's too late or nonsense na tong tanong ko pero kailangan ko lang malaman...
Seryoso ka ba non nung sinabi mo sakin na mahal mo ako? O ako na naman yung bobong naniwalang tunay yun?"Ano kayang isasagot ni Carl kay Tamii?
ABANGAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/1697986-288-k746578.jpg)
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...