Sa bagay di na ako dapat magtaka, maliit lang ang mundo. Barkada nya mga kasama ko eh. Hindi imposibleng makita namin ang isa't isa.
Nag uusap sila, di sya makatingin sakin. Tapos pinakilala ako ni Max sa kanya.
"Nga pala, friend ni Eric, si Tamii. Taga Roma sya"
Ngumiti na lang ako, sya din pero naiwas sya mgkameron kami ng eye contact.
Hindi pala alam ni Max na nging M.U ko si Carl. Sa bagay, ano ba nmn yun m.u? Di naman siguro importanteng bagay kaya di nya ako nakwekwento sa mga barkada nya.
Pinuntahan ko si Vincent kasi papasok na sa court. Si Max di muna pumasok kasi hihintayin daw gf nya.
Next game na kasi sina Mark. Nakaupo na kami ni Vincent. Sabay sabay dumating sina Max at pinakilala kami sa gf nya na si Camille. Sa tabi namin sila umupo, kokonte na lang bakanteng upuan sa row na yun. sina Carl at Eric sa likod nina Max.
Napatingin si Vincent kay Eric at Carl.
Nung naglalaro na, 2minutes concentrate sa game tapos mamaya nagseselfie na kami. 😂
Napansin ko madalas tumitingin sa likod si Vincent.
Pagkatingin nya bigla syang aakbay.
"Mahal okay ka lang? "
"Oo naman."
"Bakit ka tingin ng tingin sa likod? Ano meron?"
Pag tingin ko sa likod, nahuli ko nakatingin sakin si Carl. Nag kunyari nalang akong may ibang tinitingnan.
Nabigla din sya.
"Kanina pa yan nakatingin sayo ah, nakakainis na. Sino ba yan?"
Bulong sakin ni Vincent.
"Si carl yan."
"Yan ba yung gago?? Teka nga!"
Hinalikan q sya sa pisngi..
"Selos ka?" Sabay kurit sa pisngi nya.
Sabay hawak sa kamay ko at hinalikan ang nuo ko.
"Iloveyou."
Di ako nakapagsalita.
Hindi kami nag iiloveyou-han kasi sabi ko sakanya, gusto ko yung mga salitang yun tsaka lang namin sasabihin pag ramdam na namin. Ayoko na kasi maulit yung sasabihan ako ng mahal ako yun pala hindi totoo.
Ang sarap sa tenga.
But the sad part, well I know it's unfair. I like him, I can't say na mahal ko na sya, coz alam ko it's not love yet.
Natapos na yung laro, nauna na kami umalis kasi mamamasyal pa kami.
Tapos ayun, ang bilis matapos ng oras. Inihatid nya na ako sa stasyon ng treno.
"Ingat sa byahe mahal ko, may papabaon pala ako sayo."
Sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Mahal na kita"
Sabi nya.
Speechless pa din ako. Nalungkot ako kasi di ko sya masabihan ng mahal ko din sya.
"Sorry ah. Di ko pa maibalik sayo yang mga salitang yan"
"Wag ka mag alala, it's okay. Sinabi ko lang sayo para alam mo, wag ka ng sad jan ha.."
At yun. Back to Rome.
Guilty and happy at the same time.
Nagtext si Carl.
Haiist. Ano na naman kayang sasabihin nito?
"Tamii.."
"Carl.."
"Sensya di kita kinausap kanina ah. Nahihiya kasi ako sayo."
"Bakit naman?"
"Shy talaga ako 😂"
"Yang mukhang yan shy? Sus!"
"Oo nga ehh, natatakot kasi ako na baka di mo ako pansinin"
"Nakakatakot ba ako?Ikaw nga di namamansin."
"Ang cute mo nga eh. Nice to meet you pala"
"Uloool, wala ako panlibre wag ka na mambola!"
"Totoo kaya."
Di na ako nagreply.
Nakakabadtrip. Bakit ganon? Ang saya ko na kanina ehh. Eepal ka na naman ba Carl Hernandez!?
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...