- KROO KROO KROO... AWKWARD MOMENT. -
Sanay ako makipagbiruan kay Mike ng walang halong malisya tapos ngayon manliligaw na sya??
Lumabas na naman si Ms HTG...
Pa-Hard to Get na naman to the highest level.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, pero natatakot lang ako kasi alam kong kaya kong mainlove sa kanya at nagugulo ang buhay ko pagdating sa mga love love na yan eh.
Minsan pag nakatambay kami ng mga pinsan ko sa labas at napansin naming paparating sina Mike, nagtatago kami. Parang tanga lang.
Naiilang na ako sa kanya nun.
One day tinext nya ako...
"Gusto kita ligawan Tamii."
"bakit naman?"
"E kasi gusto kita eh."
"E bakit mo ako gusto?"
"Basta."
"Wag na lang, mas masaya yung friends lang tayo, baka pa mailang ako sayo pag ginawa mo yun."
"Basted agad di pa ako nakakapanligaw?"
"Anong gusto mo? Payagan kitang manligaw sakin? Baka umasa ka lang sa wala, wag na, mapagod ka pa."
Makailang araw, nagkatext parin kami.
"Alam mo Tamii, hanga ako sayo..."
"Bakit naman??"
"Kasi mabait ka naman, maganda, palatawa,masayang kasama... "
"Ano naman dun? Hindi lang naman ako ang ganyang babae ehh, meron pa dyan sa tabi tabi..."
"At tsaka di ka natatakot ipakita yung mga flaws mo, di ka pakitang tao kumbaga... parang napakaimposible na di ka pa nagkakaboyfriend."
"Kasi nga ugaling ampalaya ako eh. haha"
"Masustansya naman ang ampalaya ah. Ako gusto ko nun. hehe.."
"Sus."
"Tsaka alam mo, nung binasted mo ako, mas lalo ako naging motivated, nakakachallenge yun, mas lalo mo ako binibigyan ng motibo na ipagpatuloy ang panliligaw ko sayo... "
"Ansavee? Ayaw nga kita umasa sa wala, friends na lang kasi tayo Mike!"
"E sa gustoko manligaw eh."
"Bahala ka, sinabihan na kita, mapapagod ka lang sa wala."
"Pano ko malalaman kung di ko susubukan??"
"Bakit pa susubukan, ako na mismo nagsabing wag na."
"Siguro mabibigla ka pag sinabi ko toh pero, alam ko sa sarili ko na ito na talaga yung nararamdaman ko."
Parang alam ko na, pero parang ayokong malaman. Hindi na ako nagreply.
"Tamii....
I love you."

BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...