XXXIV

232 7 2
                                        

Ilang araw na din nakalipas. Nagkakatext pa din kami ni Carl.

Every text from him is like a drug.

I should stop this.
I can't.

Masaya ako kay Vincent pero bakit parang may kulang?

Parang feeling ko ang dami kong gustong sabihin kay Carl.
Gusto kong sabihin sa kanya na nasaktan talaga ako sa ginawa nya. Gusto kong malaman bakit nya nagawa sakin yun. Parang every msg na galing sa kanya, masakit pa din sa puso. Pero di ko masabi sa kanya sa msg lang.

After a month.
Umuwe sya sa pinas para mag bakasyon.

Nawalan na kami ng komunikasyon.

Kami ni Vincent parang nagkakalayo din. Well ako. Ako yung napapalayo na sakanya. Okay naman ang trato nya sakin pero sa totoo lang, simula nung nagkakausap kami ni Carl, humina ang kapit ko sa relasyon namin.

Naging malamig ako sa kanya.

Pero ang bilis din ng isang bwan na yun.

Nagtitingin lang ako sa fb.
Napansin ko may post si Carl, nakabalik na pala sya dito sa Italy.

-Carl Hernandez is single.-

Lahat ng status nya pang broken-hearted.
Pinagpalit daw sya nung girl. Umuwe lang daw sya tapos ala na pala syang babalikan.

Kinda familiar situation. Karma?

Ano na daw gagawin nya sa mga pasalubong na binili nya para sa ex nyang si Liz? Pano na daw sya? Ang sakit daw makita na may iba na agad nahanap yung babae.

Mixed emotions ako.

Masaya na malungkot.

Aaminin ko deep inside, I feel like, finally! alam mo na ang pakiramdam ng masaktan gaya ng sakit na naramdaman ko nung pinaasa mo ako at pinili mo sya.

Nagpost ako ng mga status about karma. Walang katapusang status. Wala eh. Bitter.

Di ako makatulog ng ayos nung gabing yun. Nakakalungkot din pala.

Malungkot kasi nakakaawa din sya. I know how it feels na iwan ka sa ere at ipagpalit. Dapat dinadamayan ko sya imbis na patamaan sa mga status ko na alam kong di nya naman mababasa or if ever di nya iisipin na para sa kanya yun.

Gusto ko sya makausap talaga ng ayos.
Kami lang dalwa. Yung sakit na nararamdaman nya, parang nararamdaman ko din. Parang nagflashback lahat ng alaala nung nagkakagustuhan pa kami.

Closure?

May karapatan ba akong humingi ng closure?

Ang relasyon ko kay Vincent parang matatapos din sa salitang nganga.

Pero alam ko mas tama toh kesa naman masaktan ko sya ng dahil sa leche kong pusong lito.

Pano ko sya mamahalin kung unti unting nabibiak itong puso ko?

Pano titibok kung wasak na naman ito?

After a long week, hindi ako nagparamdam kay Vincent kahit na lagi syang tumatawag at nagtetext.

Pagkatapos ng isang linggo yun, tinawagan ko sya.

"Vincent..."

"Mahal! Isang linggo ka na di nagpaparamdam!ano bang problema?"

Gusto ko ng tapusin kasi yun ang tama para di ko na din sya masaktan. Umiiyak na ako nun, pero di ako makapagsalita. Di q alam pano makipaghiwalay. Ayaw ko syang saktan.

"Vincent, sorry. Di ako worth it. Makakahanap ka din ng magmamahal sayo."

"Mahal! Wag naman ganyan please! Mag usap tayo.. Please! Pupuntahan kita bukas, wag mo naman tapusin ng ganito..."

Binaba ko na yung tawag.
Di ko sinasagot yung tawag at msgs nya.

Iyak ako ng iyak. Iniwan ko yung nagmamahal sakin dahil sa sakit na naramdaman ko years and years ago! Ng dahil sa lalaking never maappreciate lahat ng efforts q sa kanya.

Kinabukasan, maaga umalis parents at kapatid ko may handaan kasi. Hindi ako sumama kasi wala sa mood.

Hanggang tanghali na yata ako nakahiga.

Biglang ring ng cp ko, akala q si Vincent. Hindi pala.

Si Erica yung tumatawag. Niyaya nya ako lumabas. Sabi ko sa kanya ala na kami ni Vincent. Lalo nya ako kinulit na lumabas. Ayun.

Nakalabas nga ng wala sa oras.

Magkita daw kami sa stasyon, may masarap kasi dun na kainan. Dun daw kami maglunch.

Naghihintay lang ako. Pag tingin ko sa likod ko, si Vincent.

Tumakbo sya sa akin at niyakap nya ako.

"Tamii, mag usap naman tayo please."

"May lakad pa kami ni Erica"

"Ako nagsabi sa kanya na pagkitain kayo."

Kinuha nya sa braso ko ang bag ko at sya ang nagdala nito sabay hawak sa kamay ko.

Naupo kami sa bench.

Matagal kami di nagsasalita.

"May nagawa ba akong mali?" Tanong nya.

"Wala Vincent. Ako yung may mali. Kasi nasasaktan kita kahit ayaw ko"

"Alam mo kung ano yung masakit? Yung mawawala ka sa buhay ko.
Sabihin mo naman sakin kung anong problema. Lahat naman ng problema may solusyon.."

"Nagkakatext kami ni Carl. At ang masakit don, parang bumalik yung sakit."

"Handa naman akong tanggalin ang sakit na yun wag ka lang mawala. Hindi kita sasaktan, Mahal na mahal kita Tamii. Ikaw palang ang minahal ko. Binago mo ako, I became a better person.. yung pagiging playboy ko at mga bisyo natanggal, dahil inspired ako sayo. Dahil gusto ko magtagal tayo. Dahil alam ko sa puso ko ikaw na ang gusto kong makatuluyan."

Di ako nagsasalita. Naiiyak lang ako.
Umakbay sya sakin, sabay halik sa nuo ko.

"Mahal na mahal kita Tamii." Umiiyak din sya.

Napayakap ako sa kanya.

"Ibibigay ko kung anong kailangan mo. Space? Time para mag isip? Ibibigay ko hanggang kailan mo kailangan pero wag mo lang ako tanggalin sa buhay mo.."

"Salamat kasi kahit nasasaktan kita, di mo ako iniiwan. Sorry kung nasasaktan kita"

"Wag ka lang mawala, ayos na sakin yun."

"Wag mo sana mamasamain, gusto ko talaga maayos tong sarili ko. Kasi bago pa uli magpakita si Carl okay naman tayo diba? Masaya ako sayo. Pero gusto ko sya makausap para mailabas tong sakit na to. Di ko pa sya npapatawad sa totoo lang kasi di ko alam kung pano magpatawad sa taong di naman sorry sa ginawa nya."

"Kung yan talaga ang kailangan mo, susuportahan kita. Sana lang pag natapos na eh maging okay na din tayo..."

Pano ako naging deserving magkaron ng lalakeng iintindihin at tatanggapin mga kahinaan ko?

Never ko inexpect na may taong magmamahal sakin ng ganito.

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon