"Alam mo para kang rosas...
kasi kahit matinik ka maganda ka parin sa mga mata ko.."
Kilig na kilig ako. Pero kelangan kong itago. Grabee na toh. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking wagas kung mag effort at nakikita ko at nararamdaman ko din na talagang seryoso sya sakin.
Mike nahuhulog na ako sayo, di mo lang alam, di ko lang masabi..
"Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin.."
"Bakit kumakanta ka parin??" tanong ko kay Mike
"Lahat kasi ng sinisimulan ko, tinatapos ko. :) kaya hayaan mo na umulan, gusto lang naman kitang kantahan... :D "
nakatingin lang ako sakanya, di ko na namalayan pinapanuod kami nina lola.. TV lang? haha
"Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw...
at sa awitin kong ito sanay maibigan mo,
ibubuhos ko ang buong puso ko...
sa isang munting harana..
PARA SAYO.
Ahm.. Tamii..
"Bakit?"
"Tamii, pwede na ba ako manligaw?"
Wow naman so, hindi pa ba panliligaw tong ginagawa nya?? OMG.
Yung barkada nya at mga pinsan ko sumisigaw...
"SAY YES! SAY YES!"
"Ano Tamii?? :"> " tanong ni Mike..
"Makaka-hindi pa ba ako nito?? "
"Ano ibig sabihin oo?"
"Ano pa nga ba.. Haha"
"Salamat Tamii! :)) "
biglaan nya akong niyakap..
nabigla ako pero hinayaan ko lang syang nakayakap sakin. Ang sarap sa pakiramdam.. feeling ko safe na safe ako sakanya...
"Silong ka na Tamii..Sensya ka na ha, naulanan ka pa ng dahil sakin.. "
"OK lang yun.."
"Sya una na kami Tamii ha, basta bukas punta kayo sa padespidida ko.. Goodnight po.. :)"
"Sige, goodnight din.."
Pagkaalis nila..
"Ayieee! kakakilig grabe! kakainggit ka naman Tamii!" sabi ni Karen
Nakangiti lang ako.. di ako makapagsalita..
1 message received: Mike
"Sana nagustuhan mo Tamii, pasensya ka na kung sintunado, di talaga kaya ng boses ko.. :)) "
"Ok lang na umulan para malamig.. haha"
"Awts.. haha sabagay.. sya sleep ka na.. baka nga pala di ako makatambay dyan bukas.. bc sa paghahanda sa despidida.. basta asahan ko punta kayo ha.. :)) "
"Oo na.. haha sya sleep na ako.. night."
"Goodnight Tamii :)) "
"Bakit ka agad nag goodnight???" Tanong ni Karen
"Wow naman. echosera toh.. binasa pa text ko.. haha"
"E bakit nga?? haha e di ka pa nmn tutulog ehh"
"Alam mo pinsan, baka maoverdose na ako sa kilig.."
"Hahaha! ayun! inamin na kinikilig na nga sya.. ahaha arruuuuuuuuuuuuy!"
"Wag ka nga maingay dyan..loka ka!"
"Tamii and Mike!! Ayieeeeeeeeee... Sana kayo na pleaseee!!!"
"Hahaha excited..?? ewan bahala na si batman.. toinks"
ano kaya mangyayare bukas?? ABANGAN :))
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...
