XXIV

278 8 0
                                    

This is it!

Araw na ng pagpunta ko sa Florence.

Magkatext kami ni Vincent nun,

"Goodmorning dude.."

"Morning din tol.. Ano oras mo ako susunduin sa station?"

"Ano ba oras ng dating mo dito?"

"Siguro mga 9:30 am."

"Sige maliligo muna ako, kita kits sa stasyon..."

"Sige, sama mo din si Ma.."

"Tulog pa si ate Veronica ngaun.."

"Gisingin mo na dali! :)"

"Sige mamaya na lang ha.. "

Kabadong kabado ako nun, sasakay na ako sa treno nun...

Ewan, first time ko kasi makipag EB sa taong nakilala ko lang sa text. Pero sa bagay, kasama naman nya si Veronica, matagal ko na syang kilala, magtatatlo taon na.

After an hour, Florence na!

Nagtext si Vincent,

"Ei, may problema kami, baka malate kami, nag aayos pa kasi si Ate eh.."

"Gano ba kayo katagal?"

"Baka isang oras kasi malayo ng 30minutes yung bahay namin sa station"

"Sige hintayin ko na lang kayo..."

Haiist!

Badtrip naman, tagal ko pa maghihintay dito...

After 20 minutes na paglalakad...

Nakakita ako ng bakanteng upuan..

Ayun, cp na naman ang hawak, naghihintay ng oras... Soundtripping as usual..

Tingin tingin lang sa paligid,

Dami din palang pilipino sa station pag ganitong oras.

Napatingin aq sa malayo, nakatitig ako, di ko masyado kita ang mukha kasi nakaside view. Pamilyar talaga sakin ang mukha....

Parang si Carl... Napatayo ako nun...

Nakatitig pa din sa kanya pero di nya ako kita kasi sa ibang direksyon sya nakatingin...

Lalakad na sana ako papunta sa kanya...

Nakatigil ako, nakatayo lang, isang minuto na siguro nagriring ang cellphone ko, di ko agad namalayan..

"Hello Tamii! bakit di sumasagot sa twag? Asan ka na?"

"Ahmm andito lang sa madaming upuan malapit sa bilihan ng ticket.. "

"Ikaw ba yung nakatshirt na batman at cap na grey?.."

"Oo, di ko kayo kita..."

"Tumingin ka sa kanan mo..."

At yun.

Nakita ko na sila.

I admit, cute si Vincent.

Hindi sya photogenic. Pero may tsura sya sa personal.

Almost ka height ko lang..

Moreno, matangos ang ilong...

Ganon din si Veronica, mas maganda sya sa personal kesa sa pictures.

Kami una nagbatian ni Ma, beso beso poi tumingin aq kay Vincent.

Nag hello ako, tapos hiyang hiya sya nag Hi sakin.

Chikahan dito, chikahan dun.

Iniwan muna kami ni Vincent at nagpunta sya sa bahay ng tito kasi may idadaan syang mga gamit.

Habang ala sya nagseselfie lang kami sa stasyon ni Ma, tas mamaya tinanong nya sa akin...

"Sya nga pala bunso, may balita ka ba ke Carl?"

Sa pagkakaalam ko di alam ni Ma na naging parang M.u. Kami...

"May gf na sya ngayon eh, di ko na masyado nakakatext.. Pero parang nakita q sya kanina.."

"Talaga? Saan? Alam mo never ko pa yun nakita dito sa Florence."

"Kanina nung hinihintay ko kayo nakita q sya.."

"Nakausap mo ba sya?"

"Hindi eh ma. Di q nga din sigurado kung sya talaga yung nakita ko.."

"Namiss ko yung mga commentan natin sa FB, 1 to sawa lagi :) "

"Oo nga ma, minsan nakakamiss..."

Biglang dating uli ni Vincent...

"Tol ano na?"

Nakangiti lang sya...

"Bakit di ka naimik? Wala ka pa charge??"

"Wala pa eh... :)"

Biglang nagring cp ni Ma..

"Hello beh,

Oo, sige puntahan na lang kita jan...

Yap, tinagpo namin si Bunso..

Sige sige po pupunta na ako! Babye!"

"Nako bunso got to go na, hinihintay na ako ni bf, may pupuntahan kasi kami."

"Aww! Agad na ma? Magkikita ba tayo mamaya?"

"Susubukan ko, bakit di kayo punta sa park mamaya, maghahanda sina tita, bday ng pinsan namin. Dun na lang tayo kita later..."

"Sige ma, see you later!"

"Enjoy your date! Hehehe"

"Baliw! Bye!"

Ayun, umalis na si Ma, kami na lang ni Vincent.. Pangiti ngiti lang sya.

"San tayo mamamasyal tol?"

"Ewan, san mo ba gusto?"

"Di ko lam mga places dito, ngayon lang kaya ako nakapunta..."

Ang tahimik nya, nakakabingi..

"Di ka pa din nakakapagcharge?"

"Nagcharged na :)"

"San mo ba ako dadalhin?"

"Ewan, sa mall gusto mo? Nag almusal ka na ba?"

"Hindi pa eh, kaw?

"Hnd pa din, tara mag almusal sa cafe.."

"Leggoooo! Libre mo? :)"

"Oo, today lang ha :p"

Pagkapasok sa Coffee shop, naupo kami, omorder kami ng cappuccino at croissant na may chocolate sa luob..

"Ang sarap ng croissant nila dito" sabi ko habang puno yung bibig ko ng pagkain. So classy! XD

"Hahaha pansin ko nga!"

"Bakit mo ko tinatawanan ha?

Ngumuso sya..

"May amos ka oh..haha"

"Ahh ganon tinatawanan mo ako ha.. Eto sayo!" Pinahidan ko din sya ng chocolate sa mukha

Kwentuhan, tawanan..

Ang saya nya kasama pero I feel na medyo nahihiya pa din sya..

habang humihigop kami ng kape, napatingin ako sa labas, nasamid ako sa nakita ko...

Ano kaya ang nakita ni Tamii?

Madevelop kaya sila ni Vincent?

ABANGAN! :)

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon