Sino si Liz??
Bakit naka-tag sya sa kantang sinabi nya na pakinggan ko??
Medyo, nabadtrip ako nun.
at mas lalo pa akong nabadtrip!
Nakita kong nag online na sya...
Ichinat ko sya, sabi ko..
"Oi.."
Bigla syang nag-offline.
Shit.
May masamang hinala na ako.
at pag nagkakahinala ako, kadalasan tumpak.
Di sya nagreply sa msg ko sa fb tapos nag offline sya nung nagchat ako sa kanya???
Anong ibig sabihin nito???
NGANGA na naman ako??
Sabi na nga ba, too good to be true.
Kinabukasan,
nakatambay kami ng pinsan malapit sa kalsada,
may dumaan na jeep at biruin mo nga naman kung sino nakasakay, si Jerome.
Namutla sya, nabigla nung nakita ako.
Wala syang alam na uuwi ako.
"Umuwi ka pala.." - sabi nya
"Hindi, hindi. Anino ko lang toh."
"Hehe.. Chocolate ko?"
"Wala, ubos na."
"Ang damot mo naman! :) "
"Sino ba nagsabi na mabait ako?"
"Si Tamii talaga.. sige uwi muna ako..."
Sa totoo lang nung nakita ko uli si Jerome, nabad mood ako lalo.
Kasi nagtiwala na ako dati sakanya, akala ko seryoso sya dati nung niligawan nya ako, hindi pala.
Or siguro oo.
Seryoso sya sakin at sa isang katermang babaeng sabay sabay nyang dinidiskartehan!
Nung gabi,
nasa labas ako ng terrace, iniisip ko si Carl.
Naghihintay ako ng msg nya.
Wala talaga.
Nakita kong paparating sina Jerome, kasama si Alex, barkada nya na kakilala ko din.
"Tamii!" - sigaw ni Alex
"Gabi na ah.. anong gusto?"
"Ay kasuplada mo naman.. hehe"
"Malamang, alangan namang suplado."
"Lagi ka na lang namimilosopo ha.. sya ka.. haha. Usap kayo ni Jerome, alam ko madami kayo kailangan pag usapan. naksz! "
Nakita kong may hawak na bulaklak si Jerome.
"Pre, ibigay mo na." - sabi ni Alex
"Para sayo Tamii.. Musta ka na?"
"Ok naman, kaw ga? Para san toh?"
"Ayos naman din, para sayo."
"Alam ko, e bakit mo ako binigyan??"
"Gusto ko sana uling manligaw, pwede ko makuha ang number mo?"
"Sorry hindi ehh." binalik ko sa kanya ang bulaklak. "Sige pasok nako sa luob, tutulog na ko."
"Ganon ba, sige pahinga ka na.. Goodnight po."
"Tamii!" - sigaw na naman ni Alex
"Baket??" - medyo galit na ko nun, hay naku, badtrip na nga dahil kay Carl, sasabay pa tong si Alex at si Jerome..
"I love you daw sabi ni Jerome! hehe"
Di na ako nagreacct, pumasok na ako sa bahay.
Magdamag nakatingin sa cp, ang hirap ng signal sa kwarto, magkandangalay ako dito. Naghihintay pa din na mag text si Carl...
Asar naman.
Umaasa na siguro ako sa wala.
2 weeks na ako sa pinas, pero wala ni isang text, miss call, or message man lang sa fb.
Carl naman eh! Bakit mo ako ginaganito?? :(
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...
