Nakatingin sya sa mata ko, di ako makahinga.. Bilis ng tibok ng dibdib ko...
Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko...
Anong gagawin ko??
Ngayon ko lang uli naramdaman ang kabahan ng ganito...
Kinurot ko na lang sya sa pisngi!
"Aray!" Sabi nya
"Belat! Hahaha"
"Sakit mo naman mangurit.. Sakit nun ah.."
"E kasi gutom na ako.. Pahinge food!Haha"
"Malapit na tayo, ayun sila oh.."
Naglalakad kami papalapit sa handaan.
Yung mga matatanda nakaabang, nakatingin samin tapos ngiting ngiti..
Biglang nagring cp ko..
"Hello Tamii! "
"Erica! Ano yun?"
"Di mo ba nababasa msg namin sayo?"
"Hindi eh.. Ngayon q lang uli nahawakan ang cp ko.."
"Nag eb yung clan natin jan sa Florence, sama ka samin?
"What time?"
"Mga 4pm kasama ko na din sina Eloisa at Jake. Inuman teh, may dadating pang mga iba natin clanmates. :)"
"Update kita mamaya ha, kakain lang kami.."
"Uiii! Baka naiinlove ka na jan sa kapbb teens mo? :)"
"Umayos ka nga! Haha mamaya na lang Erica ha! Bbye!"
"Babye Tamii!"
"Sino yun?" Tanong ni Vincent
"Kaibigan ko na taga Rome din e asa Florence din sya ngayon.. May meet up kasi dapat kami ng mga kclan ko eh.."
"Papuntahin mo sila dito, shot kamo, tsaka pag tutuhugin ko din sila ng bbq para di ka mahirapan!"
"Adik ka! Haha"
At habang papalapit na kami, bumati ako sa mga nakatingin samin..
Bigla may nagtanong,
"Gf mo Vincent?"
Namula na ata ako sa hiya nun..
"Hindi pa po..:) joke kaibigan ni Ate"
Malayo ako ng konte nun sa nagtanong, pero I'm pretty sure na yun ang sinagot ni Vincent.
Pero di ko na lang pinansin..
Pinakilala nya ako sa pinsan nya.. Mark ang pangalan, mas bata samin ng 2 years.
Mabaet sila sakin, welcome na welcome ako nun kahit di nila ako kilala..
Niloloko pa kami.. Bagay daw kami..
Agad agad na?
Pagkatapos kumain..
"Twagan mo yung mga kclanmate mo, papuntahin mo dito.."
"Sure ka pwede?"
"Oo naman.. "
Sige teka..
"Hello Erica!
"Ei Tamii! Ano na asan ka na?"
"Andito pa din sa bdayan.. Punta daw kayo dito sa park, dito na lang daw sa park tumagay if gusto nyo.. May bbq dito.."
"San bang park yan?"
"Tetext ko na lang sayo, tatanong ko pa kay Vincent..
"Okidoki! Bye!"
Tinanong ko kay tol yung way papunta dito.. At tinext ko kay erica.
Sa totoo lang di ako yung tipo ng tao na nagtatanda ng lugar.
Yun ngang bus na sinakyan namin di ko na din tanda kung ano number. Fail!
Kami lang ang mga bagets dun, 19 yrs old kami ni Vincent at 17 si Mark.
Natagay kami tatlo ng beer, pero minsan natakas si Mark, nag iihaw kasi sya.
Di sya mahilig sa beer, nakakalaki daw ng tyan. Staying fit.
Naalala q tuloy, may 2 weeks na akong di nakakapag gym.
Tamang kwentuhan naman kami ni Vincent..
"Tamii.."
"Ano?"
"May tatanong ako ha..."
"Ano nga?"
"Anong tipo mo sa lalake?"
"Sigurado ka ba na lalake ang tipo ko? Muahaha"
"Ano nga?"
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang, gusto ko malaman.."
"Bakit nga?"
"Gusto ko nga malaman.."
"Bakit?"
"Basta.. Sabihin mo na lang.."
"Hmm.."
"Ano?"
"E bakit muna?
"E kasi... Ano.. Ahmm.. Hindi q alam pano sasabihin... Kasi.."
Tapos biglang nagring ang phone ko..
Sino kaya tumatawag kay Tamii? Ano kayang itatanong ni Vincent?
ABANGAN! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1697986-288-k746578.jpg)
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
Roman d'amourAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...