Yung yakap nya na yun, dun ako may narealize. Wala na. Wala na talaga! Ang gaan na sa pakiramdam. Nailabas ko na yung galit, yung sakit. Nakalaya na ako finally. Kaya ko ng magpatawad.
Yung feeling na di ka na bitter.
Tagal ko hinintay nung panahon na yun.
"I forgive you na."
"Talaga?"
"Oo."
"Hindi ka na galit sakin?"
"Hindi na, tanggap ko na kung anong nangyare satin. That's life, right? Nadadaan naman talaga lahat sa pag uusap. Sana lang matagal na tayo nakapag usap noon pa lang para hindi na nagkasakitan. Pero okay na din, better late than never."
"Sana pwede pa din maibalik yung dati.."
"Past is past na."
"Di pa din ba tayo okay?"
"I mean.. Bagong memories naman. Starting as friend na uli, no harsh feelings na."
"Tamii.. gusto ko itama mga pagkakamali ko sayo."
"Wala na yun Carl, basta wag mo na uulitin, sakin man o kahit sa ibang babae."
"Hindi na. Sorry talaga kung ako naging dahilan kung bakit nasakan ka."
"Wala na yun. Tara na sa loob, may party pa ako di ba? 😁"
"Thank you Tamii."
At yun. Okay na kami. Kung ano mang sakit na naramdaman ko noon, di ko nararamdaman ngayon.
Days after nung party nagkukumustahan pa din kami minsan pero yun, as friends na lang talaga.
Yung mga chances to be with him, naibigay ko na yon sa kanya nuon. It's about time na ako naman ang bigyan ko ng chances. Chance para maging masaya, para maging malaya, para mas mahalin muna sarili ko. Time para sa love? Dadating din yun sa tamang panahon, di na kailangan madaliin. Madami din akong napagdaanan at na encounter na tao, dadating yung mamahalin mo pero sasaktan ka lang, o kaya yung tao na mahal na mahal ka pero di mo kayang mahalin at yung tao na mamahalin nyo isa't isa pero wrong timing. But what I know for sure, kung anong para sayo, yun talaga ang dadating at hindi na mawawala sayo.
Swerte ko din sa relationship status na M.U. Natutunan ko na "masamang umasa", at kung anong pakiramdam ng "mag-isang umibig".. Pero kahit madami pa akong sakit na naranasan, may mga nasaktan pang tao unintentionally, may masasaya pa ding moments, yung kilig, yung pag appreciate sayo ng taong nagmamahal sayo, mga efforts. Lahat ng sakit ay worth it dahil talagang "masarap umibig".
Malaya na ako!
Well not totally.
May mga kailangan pa pala akong gawin. I know may mga nasaktan akong tao at kailangan ko din makabawi sa kanila.
Si Mike.
Chinat ko sya, nung simula kwentuhan, barahan. Makwento pa din sya sakin hanggang ngayon, nakakatuwa yung fact na kahit alam ko nasaktan ko sya kasi nagkabf ako nuon, wala pa din syang pinagbago.
"Mike, sorry ha."
"Bakit?"
"Sorry kung nasaktan man kita nuon."
"May lagnat ka ba? Hahaha!"
"Di nga Mike. Seryoso."
"Apologies accepted. Sya tama na at masyado ka ng seryoso, kakapanibago. 😂"Hindi lang sya yung taong kailangan ko makausap, kulang pa ng isa. Si Vincent.
Sobrang special sakin ni Vincent. Hindi lang dahil sa sya ang una kong naging boyfriend, kundi dahil din sa hindi nya pag iwan sakin nung mga panahong ako na ang nagbibigay ng motibo para sumuko sya sakin.
Nagkita kami. Nagsorry ako kasi nasaktan ko sya at nagpasalamat ako sa oras at pagmamahal nya sakin. Pinatawad nya ako. We're good naman. Starting again as friends. Yung respeto sa isa't isa ay hindi naman nawala. Sa ngayon di namin napag uusapan na magbalikan. Siguro kailangan ko muna ng oras para sa sarili ko, makapag isip, pero di ko sinasara yung posibilidad na maging kami uli. Who knows? Maybe pag right na ang timing at we're both ready.
Focus muna sa mga tropa, sa pag aaral, sa paghahanap ng hidden talent. 😂
Ayaw kong i-rush ang lovelife. Kung dumating e di tatanggapin, kung hindi e di i-eenjoy muna kung anong meron ako ngayon.Ang pagpapatawad at paghingi ng kapatawaran ang sagot para matahimik ang pusong nasaktan. Laging nagsisimula sa sarili natin. Di mo kailangan ng kahit na sino para makamove on. Sapat na ang panahon at tanggapin ang fact na may mga bagay na hindi talaga para sa atin.
Ang estado ko?
Masaya, malaya, kontento at patiently waiting sa panahon na ang puso ko ay handa na sa m.u... Handa ng..
"Magmahal Uli." ❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/1697986-288-k746578.jpg)
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...