XXXI

213 7 0
                                        

"Ano ba kasi yun Vincent?"

"Kasi Tamii, di ako yung lalaking inaakala mo."

"Bakla ka ba?"

"Bakla?? Ano?? Hindi!"

"Silahis?"

"Hindi din!"

"Eh ano? sabihin mo na lang kasi"

"Siguro mababago pagtingin mo pag nalaman mo pagkatao ko.."

"Transgender ka?"

"Hindi Tamii! Ang kulit mo! Kagatin kita jan eh!"

"Bampira ka??!" 😂

"Kaya kita lalo nagugustuhan eh..."

"K."

"Na-Kzoned pa ako."

"E ano ba kasi yung sinasabi mo?"

"Kulit mo kasi kaya di q maituloy. Gusto ko 100% totoo ako sayo, e mas mabuti talaga yung kilala natin isat isa"

"Sabihin mo na.."

"Aaminin ko sayo, noon di ako matinong lalake.
Sabi ko sayo di ba first time ko manligaw, kasi yung mga naging gf ko sila yung naghabol skin. Parang sila yung nanligaw.
Ako yung tipo na madalas ng nag two time, one night stand... Not an ideal bf for short. I'm not proud of that kung iisipin ko ngayon. Bata pa ako nun,careless. Mahilig sa chicks. Di ko naman sasabihin sayo toh kung wala ka lang sakin. Nung time na yun, ang dami ko gusto, hindi ako kontento sa isa. Laro laro lang, pag nagsawa, e di bye. Pero sayo, yung mga pagsusungit mo sakin, sarcastic, yung sense of humor mo, napapasaya mo talaga ako, simula nung nagkakatext tayo at unang nagkita lalo ko napatunayan sa sarili ko na gusto talaga kita. Before pa kita nakilala, madami ako mga textmates na taga Florence din, pero kahit nakasama q sila, wala. Ewan. Alam mo ba yung feeling na gusto mo yung tao? Di mo alam pano, bigla na lang.. Yung nagustuhan mo sya kahit sa text lang kayo nagkakilala?"

-Alam na this! Sa facebook, text... Danas q na yan! Graduated na! 😂

"Oo alam ko din yang feeling na yan."

"Natatakot ako na baka after this talk, e ayaw mo na ako kausapin."

"Wala naman akong karapatang husgahan ka. Lahat naman ng tao nagkakamali eh.. Ang importante ay di na natin uulitin mga maling bagay na nagawa natin nuon. Na may natutunan na tayo sa mga pagkakamaling yun.."

"Pwede pa rin ba ako manligaw sayo?"

"E gusto mo ba?"

"Syempre naman!"

"Eh di, okay."

"Talaga Tamii?"

"Ako nga magpapasalamat sayo eh. Alam mo nowadays naman e konte na lang mga taong kayang magpakatotoo. Na appreciate ko talaga yun."

"Talaga? As in pwede pa din kitang ligawan?"

"Oo nga, gusto mo bawiin ko?"

"Hindi hindi! Salamat Tamii!"

"Basta ahh. Let's be fair. Magpakatotoo na lang tayo sa isat isa. Iwas sakit.
Alam ko din feeling ng bigla ka na lang mafo-fall sa isang tao thru txt at fb.. Niloko lang ako. Sumama sa iba. Kaya kung no good intentions ka, malaya ka ng makakahanap ng ibang lligawan."

"Don't worry Tamii. Gusto talaga kita. At kung sino man yung lalakeng gumawa nun sayo... Sana pag sisihan nya pag nakita nyang tayo na"

"Ano??"

"Este pag nakita nya palang masaya ka na sa piling ng iba.."

"Ahh, okay."

"Sana yung iba na yun, ako yun" 😄

"Bugok!"

Pagkatapos nun, nag iba ang pagtingin ko sa kanya. Imbis na maturnoff, mas turn on pa ako sa mokong na yun.

Yung mga taong paasa, manloloko..
I don't need them in my life!

Kung kaya nya baguhin yung past, okay ako dun.

Gusto ko pa yung mga taong kayang magsabi sakin ng totoo kahit gano man kapanget o kasakit.

Sumakay na sya ng treno pauwe sa Florence.

Magkausap pa kami sa phone as if di kami nagkasama magdamag.

Ilang bwan din nakalipas mas lalo pa napalapit ang loob ko kay Vincent. Gusto ko talaga sya. As in!

Naging close na din sya ng mga barkada ko at gusto nila sya para sakin.

Pumunta uli ako ng Florence kasama mga barkada ko, nag invite kasi si Vincent dahil may bday party uli. Malaking pamilya, puro party napupuntahan namin pag ppunta dun.

Dun ulit sila naghanda sa park kung san kami nagkasama.

Bonding, foodtrip, kwentuhan.

Nag aya si Vincent maglakad lakad.

At ng makalayo na kami, may nakita kami upuan..
"Upo tayo dito Tamii?"
"Sige tol"
"May gusto akong gawin matagal na..."
"Ano yun??"

-sabay kurit sa pisngi ko
"Pakurit nga! Ang cute cute mo naman!"
"Nang aasar ka ba?"
"Bati na tayo!"
"Tse!"
"Cute ka pa din kahit galit ka.. Lalo na ako nainlove sayo..."
Sabay hinawakan nya mga kamay ko..

"Miss Hershey Tamii Gutierez, pwede bang akin ka na lang?"

Bilis ng tibok ng puso ko.
nakatingin ako sa kanya.. Gusto ko sya ehh. Gustong gusto. Wala akong dahilan para humindi.

"Yes."

"Yes? As in Oo?"

"Ano ba ibig sabihin ng yes? Hindi ba?"

"Tayo na talaga?"

"Ayaw mo ata?"

Sabay sigaw..
"Kami na ni Tamii! Woooooo! Tayo na! Thank you!"
Sabay yakap sakin.

Sarap sa pakiramdam.

"Trust at Honesty.
Sana jan lagi natin ibase relasyon natin. Sana ang salitang -iloveyou- tsaka lang natin sasabihin kung talaga mahal na natin isa't isa." Sabi ko

"Di mo pa din ba ako mahal?"

"I like you a lot."

"Ikaw kasi mahal ko na, a lot."

"Gaya gaya pa ng a lot, bugok!" 😂

-Ano kayang mangyayare sa love story nina Tamii at Vincent? May forever na ba? Or May mga sagabal pa din kaya?

ABANGAAAAAAAAAN. 😆

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon