VIII

754 11 1
                                        

"Tamii, I love you."

Sabi na nga ba! ang 3 salitang kinatatakutan ko. Di ako makapagreply.

"Hoy Tamii, ano? Magreply ka naman."

"Galit ka ba??"

"Sorry na."

"Oii Tamii, andyan ka pa??"

Wala pang 30minutes,

20 messages received at 20missed calls na mula kay Mike.

"Wag ka basta basta magbibitaw ng salita." - reply ko.

"Hindi naman talaga basta basta yung pagsasabi ko nun, wala akong intensyon na lukuhin ka. May respeto ako sayo."

Nung huling time na may nagsabi sakin na mahal nya ako, nasaktan lang ako kasi akala ko totoo. Kasi yun na din ang huling salita binitawan nya sakin.

Nakakaasar naman si Carl! Kaya ko kinamumuhian mga salitang yun dahil sa kanya! D:

Dahil sakanya nahihirapan na ako maniwala sa matatamis na salitang yun. Gusto ko man bigyan si Mike ng chance to prove me wrong, na di sya katulad ni Carl... di ko magawa.Pinipigilan ako ng utak ko kasi si Carl ang naaalala ko.

Todo iwas na ako kay Mike.

Para kasing ang talas ng dila nya. Nadadala ako sa mga sinasabi nya kahit wala pa naman talaga syang pinapatunayan.

Si Carl kasi ganun din. Parang too good to be true. Nadala ako sa matatamis na salita, sa mga pagsuyo nya kahit na thru text at fb lang.. Kahit na wala naman talaga syang ganon kalaking effort para sakin.

Yun ngang i-meet ako, di nya magawa eh.

"I Love you" : ano bang napala ko sa paniniwala sa mga salitang yan??

Nasaktan na nga, nagmukha pang tanga! At sa totoo lang ayoko ng maulit yun.

Nanlamig na ako kay Mike. Minsan di na ako nagrereply sa kanya. Di na din ako nagpapakita sa kanya.

Isang gabi, tatawid kami papunta sa bahay ng pinsan ko ng biglang may sumigaw ng..

"Huli ka!"

Si Mike.

Patay ako.

Wala na akong takas nito.

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon