XXXVI

163 5 0
                                    

Di sya nakasagot. Di sya makatingin sakin. Ang sakit sa puso. He never loved me.

Sabay ng patak ng luha ko, tumalikod ako sa kanya..
"Sabi na nga ba.. Siguro nga di mo din talaga ako gusto nun..." sabay pahid sa luha

"Gusto naman talaga kita nun Tamii, maniwala ka... kaso natempt ako, tapos uuwe ka pa sa pinas, nandun manliligaw mo, di ko lam pano i-handle yun."

"Carl, ganon ba talaga pagkakakilala mo sakin? Sa tingin mo magpapaligaw ako sa iba kung alam kong babalikan kita? Akala ko may babalikan ako... Wala e, tao lang, nagkakamali din."

"Kasi never ka pa nagkabf.. Si Liz, sya naman kasi andito lang sya. Alam nya na pano magkarelasyon."

"Anong nangyare ngayon? Di ba sumama naman sya sa iba? Ganyan ba ang marunong makipagrelasyon? Sa bagay..
Ano nga ba naman ang gagawin mo sa emosyon kung wala namang relasyon? Pero may silbi ba ang relasyon kung wala namang emosyon?
Ganyan talaga, kanya kanyang desisyon, sana lang sinabi mo sakin na hindi mo pala ako kayang hintayin. Umasa tuloy ako sa wala.."

"Di ko din kasi alam pano sasabihin sayo, nahihiya ako kasi trinato kita ng ganun."

"Tapos nung hindi pa kayo, tinag mo sya sa kantang sinabi mong pakinggan ko.. Tanda mo? Yung What If? Deep inside, akala ko para talaga sakin yun kahit na sinasabi ko sa sarili ko na wag masyadong umasa dahil di ka naman nagsasabing manligaw.. Nagmukha pa akong assuming.. Sa kanya mo pala talaga gustong idedicate yan... Nagpatay malisya na lang ako, nakita kitang online, chinat kita tapos bigla kang nag offline. Ang sakit eh, parang pinamukha mo sakin na yung nangyare satin, yung kung ano mang meron tayo nuon, wala lang yun sayo. After 2 weeks, kayo na agad? Alam ko hindi naging tayo pero tangina lang! Ang bilis mo naman akong kinalimutan.. Ilang taon din tayo naging magkaibigan Carl. At dumating yung time na nagkaaminan tayong may feelings sa isa't isa. Wala ba talagang halaga sayo yun? Yung mga pagsuyo at paglalambing mo sakin? Ako lang ba naglagay ng malisya nun? Pakisabi nga kasi di ko maintindihan."

"Di ko talaga alam pano sasabihin sayo nun, kung ano gagawin ko..."

"Tinetext mo din naman ako nun ah kahit kayo na. Itinext mo nalang sana kung di mo kayang sabihin!
- Tamii may gusto na akong iba, wag ka na umasa sakin. -
Okay na sakin yan e. Aminado masakit pa din pero atleast di mo na pinatagal. Atleast sayo na nanggaling."

"Nung break na kami, nakita ko sa facebook mga status mo about sa karma, alam ko naman na ako ang tinutukoy mo. Nakarma ako. I deserved it."

"Nabasa mo pala yun.."

"Oo. Ramdam ko naman na para sakin yung mga patama mo, di naman ako manhid.."

"Di ka manhid? Kung di pa ako nag open sayo, di mo magagawang magsorry.. Aminado ako. Para sayo nga mga patamang yun at alam mo nakakabilib din ha? di ko inakala na matatamaan ka dun kasi never mo pinakita na naguilty ka simula nung iniwan mo ko sa ere."

"sa mga nagawa at nasabi ko sayo noon, pasensya talaga Tamii. Di ko naman inakalang magkakaganon... Sa totoo lang sobrang guilty ako sayo, hiyang hiya ako lumapit at makipag usap sayo dahil sa ginawa ko. May mukha pa ba ako ihaharap sayo nun?"

"Ganun? Pero pag may problema kayo tinetext mo ako at sakin ka naglalabas ng problema nyo? Na parang di ako nasasaktan.. Na magpapayo ako na mag ayos kayong dalawa.. Di ka man lang nakahalata?"

"Di ko din alam kung bakit ko ginawa yun"

"Alam mo for sure! Chinecheck mo siguro kung tanga pa ako nun! Congrats! Tamang tama ka!"

"Pero sa maniwala ka man o hindi seryoso ako sayo nun. Seryoso talaga ako pagdating sa babae"

"Ano yun? Sa simula lang? Ako lang talaga di mo kayang seryosohin hanggang huli?!Ako pa na nagmahal sayo kahit na di pa kita nakikita, na nagpapakaeffort ako mapasaya ka lang.. Na nilulunok ko pride ko sayo, nagpupuyat kakatext sayo. Na tanggap ang ugali mo, na kahit sinasaktan mo na ako nun, nagmamahal pa din ako.
Sabi nga nila, pag ang gago ang nagseryoso, swerte mo, pero pag ang seryoso ang nang gago, eh di wow! Palakpakan sa mukha!"

"Sampalin mo na ako kung yun ang kailangan mo..."

"Hindi ehh, hindi lang ganon yung sakit na naramdaman ko. Hindi matutumbasan ng isang daang sampal sa mukha. Sobrang sakit Carl! pinipilit ko lang ngumiti nun para walang makapansin na nasasaktan ako. Tapos kung kelan nakamove on at naging masaya na uli ako, e yan ka.. bumalik sa buhay ko, akala ko kaya ko, hindi pala! Wala akong magawa, may mga tao pang nasaktan ng dahil sa feelings ko para sayo."

"Sana mapatawad mo ako Tamii, sorry kung di ko napanindigan ang mga salitang binitawan ko sayo nuon."

"Nangyari na eh."

Bigla nya akong niyakap..

"Di ko alam na sobra sobra pala ang sakit na nararamdaman mo. I'm sorry talaga Tamii. Sorry. Sorry, sorry, sorry. Di kita dapat sinaktan.. Dapat ikaw na lang ang pinili ko..."

Magkaayos kaya sila ni Tamii?

ABANGAN.

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon