Uminom ako ng kape habang nakatingin sa labas ng may makita ako..
Si Carl na naman??
Madami sya kasamang ibang lalake, hindi q kilala..
Sa harap pa talaga ng pinag aalmusalan naming coffee shop.
Nakakainis!
Patay malisya na lang...
Biglang tanong sakin ni Vincent..
"Okay ka lang? Grabe ka naman samidin.. "
"Napabilis kasi paghigop ko sa kape.."
"Nagbago din mukha mo, parang ang putla mo..."
"Hindi hindi, okay lang ako..."
Pagkatapos namin mag almusal, umalis na kami at namasyal, naglakad lakad kung san kami dalhin ng mga paa namin..
"Di ka ba napapagod Tamii?"
"Hindi pa, kaw ba?"
"Tibay mo din!"
"Ako pa! :)
San ba lakad natin mamaya?"
"Kung gusto mo punta tayo sa bdayan, para magkita uli kayo ni ate.. "
"Ano oras tayo pupunta?"
"Tanghalian, para hindi tayo maunahan sa pagkain"
"Sige! Pero di ba nakakahiya?"
"Hindi! Bday kasi pinsan at tito ko tsaka kailangan nila ng magtutusok at mag iihaw ng bbq, pde ka dun! Hahaha"
"Ansabe?? So kaya mo lang ako papapuntahin para mag tuhog ng bbq? Sama mo din! " sabay hampas ko sa kanya
Di ko alam pero sobrang gaan ng loob ko, nakilala ko lang sya 4 months ago...
Ewan ko ba!
Nagpahinga muna kami sa may stairs, umupo kami..
May lumapit samin na inchik, inchikin ba naman ako, tapos yun pala gusto lang magpapicture, turista.
Alam ko chinita ako pero hindi ako inchik!
Pag ka alis ng turista niloloko pa ako ni Vincent, chin chun law , kung ano ano salitang inchik iniimbento nya, ayun hinampas ko uli! Haha medyo harsh!
Picturan session, napilit ko sya makipagpicturan sakin, wala talaga syang hilig...
Puro wacky faces ginawa ko tapos sya parang nahihiya pa. Sus!
Ayun, walking session na uli..
Habang naglalakad kami, sabi nya..
"Mamayang gabi jan ka matulog jan sa may sahig, tapos yung cap lagay mo jan.. Dadaan ako tapos lalagyan q ng bariya yung cap mo.. Mga 5euro puro tig 1cent! Hahah"
"Mukha ba akong pulube? Lakas mo mang asar nuh? Halatang nagcharged ka na adik ka! "
"Peace!"
"Tse!"
"Kaya lang naman kita inaasar kasi natutuwa ako sayo.. :)"
"Ewan ko sayo!"
Tawanan, asaran.. Di na namin namalayan na mag aala 1 na ng hapon..
"Gutom na akooooo!" Sabi ko
" tara na sa bus stop ng makapunta na tayo sa bdayan"
"Sige! Leggoooo!"
Kulitan pa din sa bus, muntik pa nga kaming magkamali ng bababaan kasi di kami nagtitingin sa daan...
And then finally, bumaba na kami..
Habang naglalakad papunta sa park...
"Paborito mo si batman nuh?"
"Yung drawing lang.. Haha bakit?"
"Arborin ko na ang tshirt mo..:)"
"Paarburin mo din dapat ako ng tshirt! :)"
"Bute na lang maluwang yang tshirt mo, magkakasya sakin yan.. Hehe"
"Wala ehh, mahilig ako sa mga oversized na damit.. Di ako nagsusuot ng sobrang fitted na tshirt. Yuck!"
"Yuck agad? Hahaha"
"Mahahalata bilbil ko.. Tska pag mga handaan, dapat lage maluwang ang suot para di mahalata pag napasobra ng kain! Haha"
"Oo nga noh.. Matalino ka din pala minsan! Hahaha"
"Ah ganon!" Kiniti ko sya, kiniliti nya din ako, para kaming mga sira, naglalakad habang nagkikitian..
Napatigil kami nung di na sya nagsasalita..
Nakatingin sya sa mata ko, di ako makahinga.. Nakahawak sya sa bewang ko pero di na nya aq kinikiliti.. Bilis ng kabog ng dibdib ko... Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko...
Anong gagawin ko??
Ano kayang mangyayare kay Tamii at Vincent??
Abangan!

BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomansaAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...