XXVIII

204 7 0
                                    

"Ang gusto ko sanang tanungin sayo nun ay kung...

"Ano??"

"Ehm.. pwede ba kitang ligawan?.." Sabi ni Vincent

"Okay ka lang??"

"Oo bakit naman hindi??"

"E bakit mo naman akong gustong ligawan?"

"E basta gusto kita!"

"E bakit mo aq gusto??"

"E basta di ko alam basta ang alam ko e gusto kita, okay?"

"Okay okay.. Kalma ka lang! Haha"

"Seryoso nga Tamii, gusto kita kahit lage mo ako tinatarayan sa text, kahit lage kang nang aasar."

Tumahimik na lang ako nun...

"Ano Tamii? Pwede na ba akong manligaw?"

Nag iisip ako nun, di ko talaga alam.

"Kaw bahala..."

"Basta liligawan kita ha! 😊"

After that, medyo nailAng aq.. Di kami nag uusap. Bigla na lang ako tumingin sa relo ko.

"Ayy late na pala! Kailangan ko na umuwe!"

"Sige hatid na kita sa stasyon!"

"Tawagin ko lng yung iba at baka gusto nila sumabay satin..."

"Oyy! Ano pinag usapan nyo?? 😁"
Tanong ni Erica

"Sekreto. Walang clue! "

"Ehem! Ehem!"

"Ano ga? Tara na nga umuwe, malelate na tayo sa treno, patay ako sa nanay ko!"

"Haii nako, kung kelan gumaganda usapan dito,pinag uusapan namin kung gano kayo kabagay. ."

"Ano ga pinagsasabi mo Erica? Uwe na tayo lasing ka na!😂"

"Hindi ako lasing nuh, lahat kami dito agree na bagay kayo as in! 😄"

Lahat sila nakatingin samin.. Si Vincent medyo nahihiya na.. Halata namumula na naman sya...

At ayun.. Naglalakad kami lahat papunta ng stasyon ng train.

Kami lang ni Vincent ang nasa panghuli na naglalakad, gusto talaga ng mga clanmate ko na kami lang dalwa magkasama. Mga baliw! Kung alam lang nila kung gano ako naiilang.

"Tamii.."

"Bakit?"

"Tahimik ka na jan ahh.."

"May kailangan aba akong sabihin?"

"Yung tanong ko e di mo pa nasasagot.."

"Alin?"

"Kung pwedeng manligaw?"

"Ay ikaw nga bahala di ba sabi ko?"

"So ibig sabihin pwede?"

"Pwedeng oo pwedeng hindi 😂 "

"Ano ba talaga?"

Pumayag kaya si Tamii na magpaligaw kay Vincent? Madevelop kaya sila? Pano naman si Carl at Mike?

ABANGAN :)

p.s. Pasensya nalelate post ko, nadelete kasi lahat ng notes q, inulit ko yung story :(

Relationship Status: M.U.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon