Everly's POVI'M standing at the edge of the cliff, the strong cold wind blowing my here as if telling me to step back cause what I'm about to do will cause no good to me.
But I don't care anymore, I'm tired with the same shits I'm dealing with my whole life, I hate the family I grew up with and I wish to never been born in this mad world!I step forward, I can't see the bottom due to the thick fog, but no matter what's waiting for me down there, its doesn't matter for the impact will surely break my bones.
I'm gonna do it.
One more step and everything will be over, this pain, these thousands of thoughts per minute, they'll end finally!
Finally.... I'm—
"What the—!"
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" gigil kong sigaw sa taong humigit saken pabalik sa mundo.
Isang hakbang na lang at tapos na ako, pero may bigla na lamang humawak sa bewang ko at hinila ako palayo sa bangin na kanina lang ay kinatatayuan ko pa! Sa sobrang bilis ng pagkaka-hila niya saken ay tumilapon pa kaming dalawa sa maalikabok na lupa.
"Nababaliw ka na ba?!" Asik nito saken, nanlalaki pa ang mga mata niya, dahilan para biglang umurong ang dila ko, bukod din sa hindi ko alam kung paanong hindi ko man lang naramdaman o narinig ang paglapit niya saken.
Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang uniporme at bag ko, saka ko hinarap ang taong humila saken. Lalaki, matangkad at...kung may ipuputla pa ang kulay puti, ganon ang kulay ng balat niya.
"O-Oo! Nababaliw na nga ako! Eh ano naman sayo? Tingin mo ba tama lang na humila ka ng tao basta-basta?"
Konti na lang eh! Kung hindi siya nangealam sa balak ko kanina, wala na dapat ako sa bwiset na lugar na 'to!
"Ikaw? Tingin mo ba tama yang gagawin mo?!" agad naman nitong sagot saken na may masama pang tingin.
"Eh ano naman? As if naman alam mo kung ano ang pinagdadaanan ko?" Asik ko pa dito.
Matagal na dumapo ang mga naniningkit niyang mata saken, dahilan para ang takot ko ay mahaluan ng pagkailang.Ang kanina ko pang pinagtataka, kahit anong pilit ko hindi ko ma-describe sa sarili ko ang itsura niya, ang tanging nakikita ko lang ay isang matangkad at may maputlang balat na lalake.
Hindi kaya...mul—"Mas palalalain mo lang ang tadhana mo kung tatalon ka diyan. Bumaba ka na habang hindi pa madilim ang daan." Putol nito sa kaninang iniisip ko. Wala sa oras akong napa-angat ng tingin sa langit, tama yung lalake, malapit na ngang lumubog ang araw.
Siyang gulat ko naman nang pagbaba ng tingin ko ay wala na yung lalaki sa harap ko, ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo sa braso ko.
Hindi kaya isa yun sa mga multo na nagpakamatay sa bangin na 'to?
Kainis naman, bakit sa dami ng pagkakataong umakyat ako dito, ngayon pa siya nagpakita. Sana sinalubong na lang niya ako sa kabilang buhay.
Natatawa na lamang akong napailing sa mga naiisip ko, saka ako dali-daling bumaba ng bundok.Madilim na ang daan nang makababa ako, malayo pa ang sakayan ng bus pauwi kaya kinailangan kong bilisan ang naging paglakad ko. Delikado na, mamaya makakita na naman ako ng lalake, yun nga lang baka imbes na iligtas ako ay kunin pa ang buhay ko.
Nang makarating ako sa bus stop ay agad kong kinuha ang phone sa bag ko saka iyon in-on. Doon ko nakita ang tadtad na message saken ng kaibigan ko, si Sophia. Puno ng pag-aalala at mga tanong kung nasan na ako o kung buhay pa ako, ang mga message niya.
Dahil sa konsensya ay mabilis kong nag-type ng sa kaniya na buhay pa ako at nag-aantay na lang ng bus.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...