Chapter 22

17 2 0
                                    

Levi's POV

NAGISING ako sa mainit at mamasa-masang dila ng Cerberean sa mukha ko.
Hindi pawis kundi mucus ang nakabalot sa buong mukha ko paggising.

"Buti naman at gising ka na."
Nasa paanan ko naka-upo si Sebastian at hinihimas-himas pa ang malahiganteng aso sa kwarto ko. Mabuti na lang at two storey ang katumbas na taas ng kisame.

Nang subukan kong umupo ay naramdaman ko agad ang bigat ng kaliwang braso ko na puno parin ng benda. Kainis.

"Ilang araw ako natulog?"
"Magi-isang linggo na ngayon."
Isang linggo?

Kaagad kong inulan ng tanong si Sebastian patungkol sa mga nangyare sa mga araw na tulog ako. Kinwento ko naman ang nakita ko doon sa kwarto ni Eve, ang naging labanan namin ni Azrai, kung pa'no ko nakuha ang sugat ko.

"Like an Astral projection?" Ani Sebastian. Agad akong umiling.
"Hindi ko alam. Never ko pang naranasan ang gano'ng klaseng bagay."
"Unless na lang....tao ka." Agad akong napatigil nang marinig ang sinabing yun ni Sebastian.

"H-Hindi...tingin ko dahil 'to sa Scythian na yun."  Dalawang beses na akong natatamaan nun, at mula nung unang beses ay nanghina na ang kapangyarihan ko.
At dahil ikalawang beses na 'to at nasobrahan din ang gamit ko sa kapangyarihan nang gamitin ko ang anino ko para lang lagpasan si Azrai....mas lalo pa akong nanghina.

"Wala tayong masyadong alam sa sandatang yun. Mabuti pa, tutungo ako sa Tartarus para tanungin ang kadiliman. Dumito ka muna habang hindi ka pa gumagaling." Utos sa'ken ni Sebastian, na agad kong inilingan.

"Hindi pwede. Kailangan kong magtungo sa bahay ni Eve. Tingin ko malalampasan ko ang proteksyon na meron ang lugar na yun."

"Pero hindi ka sigurado. Pa'no kung nandun si Azrai at binabantayan din si Eve? Pano kung tapusin ka talaga niya?" Tinitigan ko direkta sa mata si Sebastian nang sabihin niya yun.

"Ako parin si Lucifer, kung may makakapatay man sa'ken....tanging ang mabuting ama lang natin ang makagagawa nun at hindi ang kamatayan na para lamang sa mga mortal."
Kahit pa nasusugatan ako ng Scythian niya, para sa'ken isa parin siyang mortal na laruan lamang ang hawak.

"At sa oras na bumalik na ang mga pakpak ko...ako ang tatapos sa kamatayan na yan, at ... hahanapin ko si Eeve." Dagdag ko pa.
Hindi si Eve sa panahon na 'to, kundi ang mortal na si Eeve bago pa man mag-simulang tumakbo ang kamay ng orasan.

Ni isa sa'men walang alam kung ano na ang nangyare sa kaniya. Tanging si Addam, na Azrai na ang pangalan ngayon, ang alam naming binigyan ng kapangyarihan nang mamatay ito. Kaya naman, maituturing na din siyang imortal gaya namin.
Yun nga lang...hanggang ngayon walang may alam sa'men kung ano ginawa ni ama kay Eeve.

" Pero pa'no kung...hindi mo na siya kailangang hanapin?" Ani Sebastian, na siya namang pinagtakhan ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tipid itong ngumiti sa'ken.
"Hindi ko alam Lu. Hindi ako sigurado...lahat naman tayo sa Infernos hindi sigurado sa lahat." Paliwanag nito. May itatanong pa sana ako ngunit naglaho na ito sa harap ko, ganun din ang Cerberean.

Tama siya. Hanggang ngayon, pakiramdam namin kontrolado parin ni ama ang lahat. Wala kaming siguradong desisyon liban sa pagpapahirap at pagkuha ng kaluluwa ng mga mortal. Pagdating sa bagay na labas sa kanilang mundo...hindi na kami sigurado.

Masakit parin ang braso ko pero hindi na yun napapaso sa sobrang lamig. Alam kong kailangan ko pa ng pahinga ngunit habang pinapatagal ko ang misyon na 'to ay mas magiging madalas lang ang pagkikita namin ni Azrai, na maaring mauwi sa labanan gaya nung gabing yun.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon