Eve's POV
MAGDAMAG akong nakatitig dun sa umiilaw-ilaw na balahibo.
Akala ko noon pansulat talaga 'to dahil plain gold lang ang kulay nun, pero ngayon umiilaw yun at para bang gumagalaw pa ang mga pabago-bagong kulay nito, parang 3D.Out of nowhere ay naisipan kong subukang baliin ito, pero mas matigas pa ata sa bakal ang tibay nun.
Pero pa'no ko naman kaya ibabalik ang pakpak ng mokong na yun gamit 'to? Isaksak ko ba? Pero saan? Sa likod niya? Sa puso? For sure may specific na part kung saan.Pero pa'no kung hindi dapat isaksak? Pa'no kung may ritual? May dapat bang sabihin? Teka...
Bigla akong napa-upo ng tuwid sa naisip ko. Bahala na, wala namang masama kung susubukan ko.Inilahad ko sa dalawa kong kamay yung balahibo sabay hinga ng malalim.
"O balahibo ni Le—Lucifer...sabihin sa'ken kung ano ang dapat kong gawin." Nag-hintay ako ng boses na sasagot saken. Pero wala.Baka kulang pa ang concentration ko...o baka mali ang sinabi ko?
"O-O pakpak ni Lucifer... sabihin sa—"
Tok! Tok! Tok!
Dali-dali kong ibinalik sa loob nung box yung balahibo bago ko binuksan yung pinto. Nang makitang Sebastian ang nasa labas ay agad akong nakahinga ng maluwag.
"Sabi ko na gising ka pa eh." Aniya.
"Ah, haha. May ginagawa kase ako kaya di pa ako tulog. Ikaw? B-Bakit ka pala andito?"
"Pwede ba tayong mag-usap?" Gusto ko sanang biruin siya na nag-uusap naman na kami nang bigla ulit siyang mag-salita.
" Sa may baba sana."Dinala ako ni Sebastian sa may hardin. May kutob ako na yung tungkol sa nangyare kanina ang pag-uusapan namin.
"Si Lu, hindi talaga gano'n ang ugali niya...maniwala ka." Umpisa ni Sebastian habang marahan kaming naglalakad.
"Hindi ba? Kulang na nga lang silaban niya ako nang buhay kanina eh." Sarkastiko kong tugon. Dinig ko ang bahagyang pagtawa ni Sebastian kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
"Mas mukha kang nakakatakot kanina kesa kay Lu, dapat nakita mo ang mukha mo." Ngingiti-ngiti pa nitong sabi.
"Yan lang ba ang pag-uusapan natin? May gagawin pa kase ako." Hindi ko gustong mag-tunog maldita pero kase may pakiramdam ako na hindi maganda dito labas...hindi ako mapalagay.
"Ah, pasensya na. Actually, gusto ko talagang humingi ng sorry para kay Lu. Maraming nakadagan sa balikat niya ngayon at importante talaga na mabalik na ang pakpak niya bago—"
"Teka nga, pakpak ba talaga niya yung nandun sa box?" Tumango si Sebastian sa'ken, kita ko din sa mukha niya na hindi talaga siya nagbibiro.Pinaliwanag sa'ken ni Sebastian kung pa'nong tinanggal ang mga pakpak nila matapos nilang matalo sa labanan noon sa langit. At sa oras na maibalik ang pakpak ni Levi sa kaniya ay magiging madali nang ibalik ang pakpak ng iba pa nilang kasama.
"Teka, teka," hinto ko kay Sebastian sabay taas pa ng aking mga palad.
"Bakit niyo ba gustong-gustong ibalik ang pakpak niyo? Staka, bakit kay Levi pa? Kung sa'yo lang yun baka tinulungan pa kita." Kita ko ang bahagyang pag-ngitin ni Sebastian sa huli kong sinabi, pero totoo na kung pakpak niya ang ibabalik ko baka tumulong pa ako, baka lang.
"Hindi ko pwede sabihin yung pinaka dahilan, sigurado akong hindi mo rin kami maiintindihan. Pero sa ngayon...nakadepende sa pakpak niya ang buhay niya." Aniya.
Hindi na pinaliwanag pa ni Sebastian ang ibig niyang sabihin, may pakiramdam din ako ayaw niya ring pangunahan pa si Levi. Sigurado din ako na ayaw ni Levi na ipaalam sa'ken yun, syempre! Mayabang siya at ayaw niyang nakikiusap, siya na nga ang may kailangan siya pa 'tong masama ang ugali. As if naman ginusto ko na nandito ako.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...