Eve's POV
"H-HOY! L-Levi...Gising." Mahina ko pang tinapik ang balikat nito habang sinusubukan siyang gisingin. But it's not working, he's head's still pacing left and right, his chest is rapidly moving and he sounds like any minute babawian na siya ng buhay!
"Diyos ko, anong gagawin ko sayo?"
Pilit kong nilabanan ang inis, takot, at panic sa kawalan ng ideya na pwedeng gawin.Okay, kalma. Kalma Eve.
Sa itsura ni Levi mukhang nilalagnat siya pero...wala man lang pawis na lumalabas sa katawan niya at nakakapaso parin ang init nun.
Sa huli, sinunod ko ang sinasabi ng isip ko na pwede kong gawin. Nang mahanap ko ang pinto ng banyo sa kwartong yun ay kaagad akong kumuha ng tuwalya at binasa yun. Nang ilagay ko yun sa noo ni Levi ay...natuyo lang yun agad-agad.
Kaya naman tinakbo ko ang kusina para kumuha ng bowl o kahit anong lalagyan na pwedeng lagyan ng tubig.
Pero halos mapasigaw ako nang makakita ng talagang kakaibang nilalang sa kusina at...nagluluto iyon!Mukha siyang opossum pero...marami siyang galamay.
Napatigil ito sa pagluluto niya at gaya ko ay nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa'ken.
Diyos ko, sana panaginip lang 'to. Pakiusap, gusto ko nang magising!
"Uh...a-anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Mahinahon at aaminin kong maganda ang boses niya, yung pwede nang pang-audio book.
Pero, what the?...nagsasalita siya at....tama bang naiintindihan ko siya?
"A-Ano ka.... Ano'ng klaseng Alien ka?"
"Uh, hindi. Troglodytes ang tawag sa'men. Ako si Gary."
(‘◉⌓◉’)
Gary? At may pangalan siya? At...ano daw? Trog—what?Teka...si Levi!
I snapped back to reality nang maalala ko ang mukhang nag-aagaw buhay nang si Levi."T-Teka uhmm... S-Si Levi...ano," Shit! Di ko alam kung anong sasabihin ko. Pero kung nagtratrabaho siya dito at ganon ang itsura niya, posibleng alam niya ang gagawin.
" M-Mamamatay na ata siya." Ang tanging nasabi ko lang. Mukhang naintindihan naman yun ni Gary dahil sa isang kisap-mata lang ay wala na siya sa harap ko.
Muli akong tumakbo patungo sa kwarto ni Levi, at hindi nga ako nagkamali nang makita si Gary doon. Pero...gaya ko ay mukhang nagpapanic na din siya.
" Hindi 'to maaari." Dinig ko pang sabi niya habang sabay-sabay na gumagalaw ang mga galamay niya sa iba't-ibang direksyon.
"S-Sa init ng katawan niya baka...nilalagnat siya." Kung nararanasan man yun ng mga gaya niya.
"Pero, hindi siya gaya niyo." Oo yun nga din ang nasa isip ko.
"A-alam ko yun at salamat sa confirmation G-Gary, pero..." Tama bang nakikipag-usap ako sa isang Opossum ngayon? Nakakabaliw."Kung hindi natin mapapababa ang temperature niya, baka mamatay siya." Sabay-sabay na bumagsak ang anim na kamay ni Gary saka ito tumango na para bang na- gets niya ang sinabi ko.
"Anong gagawin ko?"
"O-Okay. Uhm, sa maleta ko—"
"Maleta." Ulit pa nito sa sinabi ko, maya-maya pa ay nawala ito na parang hangin sa gilid ko at pagbalik...dala na niya ang maleta ko.
Nakakamangha. Kasing tangkad niya lang ang maleta ko pero nagawa niya yung buhatin patungo sa kwarto na parang wala lang ang bigat nito sa kaniya."Ano na ang gagawin sa maleta?" Tanong pa nito sa'ken, dahilan para mabalik ako sa realidad.
Lumuhod ako para buksan yung maleta. Nang makita ang itim na pouch kung saan ko nilalagay ang mga gamot for headaches, body pain, allergies, at kung ano-ano pa. Nang makita ko ang capsule na hinahanap ko ay kaagad kong pinakuha si Gary ng tubig, at wala pang dalawang segundo ay nasa tabi ko na uli siya.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...