Chapter 43

9 2 0
                                    

Levi's POV

Tama ba ang naririnig ko? Wala sa oras ko'ng tanong sa sarili.

"Hindi ko alam kung ano yung tawag sa lugar na yun. Pero ang tanda ko, merong kalsada sa gitna ng isa pang gubat. May nadaanan kaming sobrang lawak na palayan, tapos flowers field na puno ng makukulay na bulaklak. Pagkatapos ay may inakyat kaming mapunong bundok. Sa totoo lang, sinubukan kong i-search ang lugar na yun ng ilang beses pero hindi ko yun nakita sa internet." Pagde-describe ni Eve sa lugar na tinutukoy niya.

Kung hindi ako niloloko ng babaeng 'to, mga lupain ng Semper-Veridis ang dinaanan nila.  Minsan ko nang napuntahan ang lugar na yun nang sundan namin ang Leviathan sa pugad nito sa Mediteranya. Hindi yun naging madali dahil pinapahina ng lupain ng Veridis  ang mga kapangyarihan namin.
Kaya nga walang demonyong dumadaan sa lugar na yun dahil malaki ang posibilidad na hindi na sila makalabas.
Nung araw na natawid namin ang Veridis ay lima na lang ang natira sa isang-daang mga demonyo na kasama ko.

"Siguradong...sobrang ganda ng lugar na yun." Nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Oo, sobra. Mas maganda pa sa garden mo." Dinig kong sabi ni Eve. Narinig niya pala ako.

Talagang tuso si Hemesis. Siniguro niyang hindi mapapahamak ang anak niya sa kamay ko. Siniguro din niyang walang iiiwan na bilin kay Eve para magkaroon ako ng dahilan na hanapin siya. Pero para mahanap siya, kailangan kong ipasok ang sarili sa literal na lason para sa'ming mga demonyo.

Ang Semper-Veridis ang puso ng mismong mundo ng mga mortal, kapag nawala yun tuluyan nang mamatay ang mundong 'to, hindi lang yun, dahil middle world din ang Earth, hindi na makakalabas pa kaming mga demonyo sa Infernos, at hindi na rin makakalabas ang mga anghel mula sa Ethearium.

Pero malaki ang Ethearium kaya hindi nila yun problema, pero ang Infernos, malaki yun ngunit madilim, mainit, at puno ng napakatutulis na bato at nangangain ng laman na lupa, isa pa nakakaburyong din ang lugar na yun.

Matalino si Ama. Siniguro niyang hindi namin magugustuhang wasakin ang regalo niya sa mga bagong mortal na ginawa niya, pero siniguro din niya na buhay namin ang kabayaran kapag tinangka naming wasakin ang puso ng mundo.

Kaya pala, kaya pala hindi namin makita-kita si Hemesis dahil nagtatago siya sa lugar na hindi namin kayang puntahan. Napakatuso, gaya din talaga siya ni Ama.

"Kung gano'n...pupunta tayo sa lugar na yun." Agad na namilog ang bibig ni Eve sa sinabi kong yun.
"T-Teka, pero hindi ko na tanda yung daan, baka maligaw—"
"May makakatulong sa'ten." Sabi ko kay Eve na mas nagpalaki pa ng mata nito.

Ang pintuan ni Sire. Kung may matatandaan lang si Eve na landmark na malapit sa Veridis, malaking tulong yun.

"Dadaan tayo sa Gate ni Sire, pero kailangan mong makatanda ng lugar bago kayo pumasok doon sa sinasabi mong gubat."
Ang gubat ng Semperium ang unang proteksyon ng Veridis, kung malalaman namin kung sa'n yun, naiisip ko nabaka pwede kaming dumaan sa palibot nun para iwasan ang lason nung lugar.

Matagal na natahimik si Eve, siguro ay binabalikan niya ang mga ala-ala niya nung araw na nagpunta sila sa Veridis

"M-May natatandaan ako pero...bago  ko sabihin yun, mangako ka muna." Aniya.
At ano naman ba ang gusto niya ngayon?

"Sige, ano yun?"
"Mangako ka na kapag nakarating tayo kay papa...hindi ka gagawa ng masama sa kaniya." Aniya. Kung gano'n, napansin niya palang mainit ang dugo ko sa Hemesis na yun.

"Sige, pero mangako ka din na kapag nalaman na natin kung pa'no mo maibabalik ang pakpak ko, ibabalik mo na yun sa'ken agad-agad din."
"Sige. Tuparin mo ang pangako mo dahil tutuparin ko ang akin." Inilahad nito ang kamay para sa isang shake hands. Agad ko yung tinanggap.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon