Chapter 19

22 2 0
                                    

Eve's POV

BUONG weekend akong nag-kulong sa kwarto, at hanggang ngayon hindi parin maayos ang takbo ng utak ko.

May part sa'ken na natatakot. Hindi naman kase ako ganon ka-ganda para mag-karoon ng stalker. May part din sa'ken na nagsasabi na baka na-over-react ko lang yung bagay-bagay, OA din kase talaga akong kung minsan. Idagdag mo din yung disappointment ko nang makita si Levi dun.

Aish! Yung lalakeng yun.

Pagkauwing-pagka-uwi ko sa bahay nang araw ding yun ay agad kong binuksan ang laptop ko. I unfollow him and delete all the posts I made about him. I also make sure na na-block ko na siya at hindi ko na makikita ang pagmumukha niya.

Buong weekend kong hindi pinansin ang pangungulit ni Pia kaya for sure sa room niya ako kukulitin ng kwento.

Bagsak ang balikat akong nag-tungo sa bus stop. As expected, dahil late akong nagising ay halos wala na namang upuan na bakante. At dahil kalahating oras na lang at mali-late na ako ay napilitan akong sumakay na lang sa UV express.

Pag-dating sa school ay meron na lang natitirang sampung minuto kaya patakbo kong tinahak ang soccer field ng school para mabilis na marating ang building namin.

"Oh! Hoy! May utang ka na kwento sa'ken bakla ka." Agad na bungad ni Pia di pa man ako nakaka-upo.

"Maya kwento ko." Matamlay kong sagot sa kaniya kasabay ng pasimpleng pagdapo ng mga mata ko sa upuan sa likuran ng upuan ko.

Nang makita na wala si Levi do'n ay medyo nadismaya ako, at nakakainis dahil hindi ko alam bakit?! Dapat nga matuwa pa ako na wala yung mokong eh.

"Don't tell me hindi ka sinipot?" Pangungulit pa ni Pia kahit na sinabi ko nang mamaya ako magku-kwento.
Nakahinga naman agad ako dahil saktong pumasok na ang prof namin sa room, pero hindi yun nagtagal dahil nakabuntot sa likod ni ma'am ang bwiset na lalaking yun.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa pintuan at baka mapako na naman ang mata ko sa nakakaakit na mata ni Levi.

Aish! Bakit ko ba sinasabing nakaka-akit ang mga mata niya? Nakakakilabot kaya! N-A-K-A-K-A-K-I-L-A-B-O-T!

Maya-maya pa ay unti-unti ko nang nararamdaman ang presensya niya papalapit sa likod ko, pero laking gulat ko na lang nang may ilapag itong bungkos ng dilaw na rosas sa lamesa ko.

Kunot-noo ko itong nilingon na siya namang sinuklian niya ng malawak at creepy niyang normal na ngiti. Hindi ko parin mawari ngayon kung yun na ba ang best and sincere smile niya o hindi lang talaga siya marunong ngumiti.

Tatalikod na sana ulit ako nang mapansin na nasa direksyon pala namin nakatuon ang tingin ng lahat.

Ano na namang paandar kase 'to? Animo'y sinasabi ko iyon kay Levi nang lingunin ko siya ulit.

Buong klase lang akong nakatitig dun sa mga rosas na binigay ni Levi, hanggang ngayon hindi ko magawang tignan siya nang hindi kumukunot ang noo ko eh. Well, wala din namang reason para ngitian ko siya.

Bakit naman kaya dilaw na rosas ang binigay niya—?

Bigla akong napa-upo ng tuwid nang maalala na nag-post nga pala ako sa blog ko kahapon patungkol sa meaning ng mga bulaklak.

Ini-stalk niya nga talaga ako? Grabe, mas naging creepy pa siya sa'ken ngayon.

Pasimple kong nilabas ang cellphone ko at tinago yun sa ilalim ng lamesa para tignan kung ano yung ibig-sabihin ng dilaw na rosas sa post ko.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon