Chapter 46

9 0 0
                                    

Eve's POV

SA KAKAIYAK ko ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa mahihinang tapik ng kamay ni Levi sa balikat ko.

Maliwanag na ang langit pero madilim parin ang pakiramdam ko. Umagang-umaga pero lungkot na agad ang sumalubong saken. Hindi ko alam kung naiiyak ba ako dahil nagising ako o dahil may gumising sa'ken.

"Kailangan na nating magmadali," Sabi ni Levi habang inaayos sa pagbalot yung mga pagkain. Ni hindi ko man lang naalala kahapon kung natapos ko ba ang pagkain ko.

Agad na kong tumayo at inayos ang buhok ko saka sinukbit ang dala kong backpack.
Pero nang makita ang paligid namin ay agad akong napatigil.

"Makikita ba natin ang daan sa kapal niyan?" Mangiyak-ngiyak kong tanong kay Levi.
"Oo, Hamog lang yan." Aniya.

Sa sobrang kapal ng hamog sa paligid namin, ni hindi ko na malaman kung nasa'n ang direksyon ng dagat at yung palayan.

"Huwag kang lalayo at sundan mo lang ako." Bilin pa sa'ken ni Levi.

Hindi ko na natanong pa kung pa'no nalaman ni Levi ang direksyon na dapat naming tahakin dahil nag-umpisa na siyang mag-lakad.
Hindi nakatulong ang patuloy na pagpatak ng luha sa mata ko at ang hamog sa paligid. Goodluck na lang sa itsura ng mata ko sa oras na maka-uwi na kami.

Maka-uwi...
Kung makakauwi nga.

Masyadong makipot ang mga dinadaanan namin. Nang minsan madulas ang isang paa ko ay dumiretso yun sa putik.
Nang muli pa akong madulas ay hindi na ko sinwerte dahil dalawang paa ko na ang nalaglag at muntik pang maputikan ang puti kong damit.
Nang subukan kong tumayo ay hindi sinasadyang nakahawak ako ng palay na agad kong nabitawan dahil parang kasing-talas ng kutisilyo ang mga dahon nun, at nang tignan ko nga ang kamay ko ay may mga sugat na dun.

Nang maka-akyat na ako ay hindi ko na maaninag pa sa malapit si Levi, dahilan para magpanic at maiyak ako bigla ng sobra!

"L-Levi?" Tawag ko sa pangalan nito. Para akong bata na biglang nawalay sa mga magulang niya.
Nagpatuloy akong maglakad habang sinisigaw ang pangalan ni Levi pero wala akong marinig na boses niya sa paligid.

"LEVI!" Bwiset! Nasa'n ba siya?
Umupo ako at niyakap ang sarili saka umiyak nang umiyak!
Bwiset! Isa pa 'to!
Bakit ba ako umiiyak kase?

"Levi! Asan ka ba?"
(╥﹏╥)

"Eve!"
Agad akong napatayo nang marinig ang pamilyar na boses nito.
"Levi! Andito ako!"
"Sabi ko sa'yo sumunod ka diba?!" Sigaw pa nito pabalik. Gusto ko sanang sibihin na siya nga 'tong hindi lumilingon sa likod, pero bigla kong naisip na baka tuluyan niya akong iwan.

"Sundan mo ang boses ko!"
Ginawa ko ang sinabi niya pero bigla ko na lang naisip na...baka hindi si Levi yun.

"Levi?!"
"Ano? Asan ka na?"
Pero imposibleng hindi boses ni Levi yun kase katunog na katunog naman, maski ang lebel ng kasungitan parehas din.

"I-Ikaw ba talaga si Levi?!" Saglit na katahimikan bago ito ulit nag-salita.
"Nabaliw ka na bang tuluyan ha? Malamang ako 'to! Dalian mo na!" Sabi pa nito. Nasa bandang kaliwa ko naggagaling ang boses niya kaya dun ako nag-tungo.

Nag-uusap kami habang hinahanap ko siya. Natagalan din dahil panay ang pagkakadulas ko sa taniman.

Nang makita ko na siya ay magkasalubong na magkasalubong ang kilay niya. Pero balewala saken yun dahil nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa sa dibdib ko, pero naiiyak ako!

"Ang tagal mo—"tinignan nito ako mula ulo hanggang paa saka bigla na lang...tumawa. At ako naman na pinaglalaruan ng emosyon niya ay mas lalo lang naiyak!

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon