Chapter 51

8 2 0
                                    

Levi's POV

GUSTUHIN ko mang magpahinga, hindi naman ako pinapatulog ng isip ko. Alam kong dapat na akong mag-desisyon sa lalong madaling panahon, at habang tumatagal ang pananatili namin ni Eve dito sa bundok, mas lalo ko lang binibigyan ng panahon sina Azrai na paghandaan ang magiging plano nila.

Nang makabalik ako sa bahay ni Hemesis ay mahimbing nang natutulog si Eve sa maliit na kama. Hindi ko naman gustong paurungin siya para bigyan ako ng space na tutulugan. Hindi rin naman ako komportableng matulog sa sahig ulit kaya nag-desisyon na lang akong bumalik sa may dalampasigan at doon magpalipas ng gabi.

Ilang minuto pa akong tumingala sa kalangitan. Iniisip ko kung nakatingin din ba sa direksyon ko ngayon si ama.

Kung hihingi ba ako ng tawad sayo ngayon, ibibigay mo na ba si Eve sa'ken?

Mali si Hemesis nang sabihin niya sa'ken na tadhana ko ang hindi siya makasama, yun ang tinadhana mo parin saken ama kahit na alam mong ako ang nauna bago ang paborito mong mortal.
Masyado mong kinagigiliwan si Addam na hanggang ngayon...hindi mo siya magawang saktan, kaya ako ang ginagamit mo.

Himala na matiwasay akong nakatulog. Nang magising ako ay papasikat na ang araw, kalmado na din alon sa dagat, at...may kung sinong naliligo doon.

Muli akong humiga at pilit na pinikit ang aking mata bago pa man ako matuksong panoorin siya.
Hindi niya ba ako napansin? Gano ba siya kamanhid para hindi maramdaman ang presensya ko? Tsk! Pa'no na lang pala kung ibang nilalang ang nandito?

Nang marinig ko ang pag-ahon nito ay pinakiramdaman kong mabuti kung sa'n siya tutungo. Papalapit sa direksyon ko ang presensya niya. May narinig pa akong ilang patak ng tubig at pagpa-pagpag ng damit, bago ko napag-desisyonang magdilat na.

Sakto namang kakatapos lang nitong isuot ang tshirt niya nang malingunan ko ang direksyon nito.
Don't tell me naghubad siya sa tabi ko at hindi man lang ako nakita? Napakamanhid niya. (ب_ب)

Minabuti kong kunin ang atensyon nito bago pa man niya ako makita at mag-iba ang takbo ng isip niya.

"Ahem!"

"Oh! B-Bat nandiya ka?!" Turo pa nito sa kinalalagyan ko. Sabi na eh, wala pa man akong sinasabi pero hinusgahan na niya agad ako.

"Tsk! Kagabi pa ako nandito." Maikling paliwanag ko sa kaniya.

"P-Pinapanood mo ba ako ha? Magsabi ka ng totoo!" Pansin ko ang pag-akyat ng dugo sa mapuputlang pisngi nito.

Gustuhin ko man, hindi parin dapat. Ang gusto sanang sabihin sa kaniya.

"Pwede ba? Kagigising ko lang." Pilit na pagsusungit pa ng tono ko. Bago pa man siya makapag-salita ulit ay mabilis akong bumaba sa bato at tinahak ang daan pabalik sa bahay ni Hemesis.

Maya-maya pa ay muli ko na namang narinig ang boses ni Eve. Nang lingunin ko ito ay tumatakbo na siya palapit saken.
Masarap siguro ang tulog niya at gusto niyang sumabay sa'ken.

"Kailan pala tayo aalis?" Ah kaya naman pala.
Gusto kong sabihin sa kaniya na kung hihilingin niya sa'keng manatili kami dito, ipagkakaloob ko agad-agad yun.

"Don't tell me gusto mo nang manatili dito?" Panunukso pa nito sa'ken.
Sa halip na sabihing ‘oo’ ay pasimple ko na lang na sinakyan ang panunukso niya.
"Gusto mo ba?"

"Kung walang kaibigan na naghihintay sa'ten?....siguro hindi na ako aalis dito." Sagot nito sa'ken.

"Kaibigan? Si Sebastian?" Hindi makapaniwala kong tanong dito.
"O-Oo! Bakit masaba ba? Staka...di hamak naman na mas mabait siya kumpara sa'yo."
Mabait? Kung alam niya lang kung ano ang mga bagay na nagawa na ni Sebastian sa mga mortal na gaya niya, sigurado akong matatakot siya.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon