Chapter 58

13 1 0
                                    

Eve's POV

NAGISING ako na nakahiga na sa malambot na kama sa....maliwanag at malawak na kwarto.
Agad akong napa-upo nang maging pamilyar ang painting sa kisame. Hindi nga ako nagkamali nang makita nasa kwarto ako ng walang iba kundi si Levi!

Bakit ako nandito? Teka...
Sinuyod ko ang suot ko at hindi na yun yung suot ko kanina, kundi malambot na black shirt and pajama na.

Tama, kanina nasa labyrinth pa ako at may humahabol sa'ken na babae.
Tapos may nakasalubong ako na apat na naka-black na nilalang.
Agad na bumagsak ang balikat ko nang maalala ko kung ano ang sinabi nila sa'ken.

"Tulungan mo siya." Sabi nung isa sa dulo sa may kaliwa ko.
"Dapat mo siyang tulungan." Singit naman nung kasunod niya.
"Hindi, mamamatay ka!" Sabi pa nung kasunod.
"Dapat mamatay ka!" Sabay-sabay pa nilang inulit-ulit ang mga salitang yun. Hanggang sa mawalan ako ng malay.

Nang mawalan ako ng malay ay nanaginip  ako. Muli akong bumalik dun sa mala-paraisong lugar. Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan. At doon nga, nakita ko yung babae na humahabol sa'ken. Puno ng buhay ang mapula-pula niyang labi at pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinigay iyon sa isang napaka-gandag lalake, si Azrai. Pero agad ding may humatak sa'ken palayo sa kanila, nang lingunin ko kung sino yun ay bumungad sa'ken ang makisig na si Levi.

Pagkatapos, nagising ako at heto, andito na ako sa kwarto ni Levi.
Hindi ko maipaliwanag ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa awanko para dun sa babaeng humahabol sa'ken? Pakiramdam ko kase, gaya ni Levi, ay kilala ko na siya noon pa.

Pero ang talagang bumabagabag sa isip ko ay yung mga sinabi nung apat na lalake, o kung lalake nga ba sila.
Isa lang naman ang dapat kong tulungan sa mga oras na 'to, si Levi. At hindi na rin naman bago sa'ken yung mamamatay ako, ilang beses na din yung sinabi sa'ken nung babae na sinaksak ko nung kutsilyo. Tapos isama mo pa na maski si Kamatayan ay may interes din sa'ken.

Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Dahil ba mamamatay ako? Hindi pa naman yun sigurado eh. Dahil ba nasa panganib parin ang mama at kaibigan ko, at si Sebastian? Ewan, basta may kung anong bumabagabag sa puso ko.

Tumayo na ako sa kama bago pa pumasok si Levi dun at makita niya akong nakahiga. Teka, sino ba ang nagdala sa'ken dito? Imposibleng si Levi, eh ayaw na ayaw nga nung na pumasok ako dito eh.

Nang makalabas ako ay kita ko sa labas ng bintana na papalubog na ang araw. Pinaghalong shade ng blue, pink, and orange ang langit.
Isang araw na naman ang lumipas.

Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang may maamoy akong napaka-bango sa direksyon nung kusina.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, mas tumapang pa ang amoy ng ulam, bigla ko tuloy naalala yung uhaw at gutom ko. Nang silipin ko yung kusina ay hindi si Gary ang nakita kong nagluluto kundi si...Levi?

"Oh, gising ka na." Gulat pa nitong saad sabay ngiti sa'ken.
Ang weird niya talaga. Sino bang anghel ang napilitang sumapi sa kaniya? Hindi ako sanay na makita siyang ngumingiti kahit pa...mas gumagwapo siya.

"Tara, kain na tayo." Aniya nang ilapag nito sa mesa yung bagong lutong ulam, kasama ang ilan pang pagkain gaya ng lobster, ham, chicken, at pasta.

Una, hindi ko alam na marunong siyang mag-luto. Ikalawa, pano naman namin uubusin lahat 'to? Eh pang pitong tao na ata ang dami nitong pagkain. Staka, si Gary?

"T-Teka...asan si Gary?" Tanong ko pa kay Levi bago ako umupo.
"Ah, may pina-asikaso lang ako sa kaniya. Baka maya-maya lang umakyat na siya." Agad nitong sagot saken.

Akala ko ba hindi necessary ang pagkain sa kanila? Eh kung kumain siya parang mandirigma.
Maski ako ay hindi rin inasahan na marami ang makakain ko. Isang araw lang naman ata ang tinagal namin dun sa mga pasilyong yun, pero yung pagod at gutom parang pang-tatlong araw.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon