Chapter 50

11 3 0
                                    

Levi's POV

MATAPOS maghapunan ay lumabas na muna ako para magpahangin.
Ilang minuto lang ay umupo na sa tabi ko si Eve.

"Nakausap ko na si Papa tungkol sa pakpak mo. Hindi naman pala mahirap ang gagawin," sabi pa nito. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha at ikumpara yun sa mukha ng naunang Eeve, ang kaso lang kapag inaalala ko ang mukha ni Eeve, mukha ng naka-upo sa tabi ko ang nakikita ko.

Everly...Everly Grein ang buong pangalan niya.
Paulit-ulit kong binabanggit yun sa isip ko kanina, hanggang sa na-realize ko na pinahabang Evergreen lang pala yun.

"Actually, bukas pwede ko na ibalik ang pakpak mo. Sabi ni Papa isaksak ko lang naman daw sa likod mo yun."
Bigla akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya, hindi dahil hindi ako sigurado kung sa tamang lugar ba niya mailalagay yung pakpak, kundi dahil sa oras na gawin niya yun...mawawala na siya.

Aaminin kong naiinis parin ako sa kaniya, pero ngayon, Naiinis ako sa kaniya dahil iiwanan na naman niya ako.

Pero hindi siya si Eeve, vessel lang niya siya! Sabi pa ng boses sa isip ko.
Kahit pa, nasa loob niya parin Eeve! Sagot ko naman.

Pwede kong piliing itago siya sa bahay ko, pero gaya ng sabi ni Hemesis, ako naman ang maaaring mamatay sa unti-unting paghina ng katawan ko. Kapag nangyare yun, hindi na siya magiging ligtas.

To choose or not to choose, we still can't be together. Parang gano'n ang mangyayare.

"H-Hoy...ayos ka lang ba?" Si Eve.
Agad ko nang iniwas ang tingin ko bago pa bumagsak ang mga luha ko.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero alam kong iisipin niya na nababaliw ako.

"Oo, okay lang ako. Maglalakad-lakad lang ako saglit." Tumayo ako bago pa man siya makapagtanong pa. 

Naglakad ako nang naglakad, bahala na sa kung saan man dadalhin ng mga paa ko.
Bago kami pumunta dito, wala akong ibang nasa isip kundi ang mailigtas agad si Sebastian, pero ngayon nakokonsensya ako dahil naiisip ko na magpalipas muna ng ilang araw sa tahimik na lugar na 'to.

Himala na hindi namimiss ng katawan ko ang init ng Infernos, o ang palasyo ko, ang trono ko. Wala akong namimiss sa mga yun. Ang gusto ko lang, bumalik sa araw na nasa bangin nakatayo si Eve, hindi parin ako magdadalawang-isip na hilahin siya mula doon, dahil ang bagay na gusto kong baguhin ay kung pa'no ko siya tinrato.

Sana pala naisipan ko na lang paibigin siya kesa kunin lang ang loob niya, para naman alam ko na mawawala siya sa'ken sa ikalawang pagkakataon...na ako parin ang gusto niya.

Habang bumababa sa bundok ay nakarinig ako ng kaluskos sa bandang gilid ko, pagkalingon ko ay nakita kong pababa rin ng bundok si Eve, pero patungo siya sa direksyon ng dagat.
Hindi ko napigilang palihim siyang sundan. Nakita ko itong umupo sa mabatong parte ng dalampasigan, kung sa'n ako umupo kanina.

Gustuhin ko man siyang samahan, ayokong istorbohin ang katahimikan ng gabi niya. Ang kaso lang, pagkatalikod ko ay di sinasadyang nakatapak ako ng sanga at mabali yun.
Paglingon ko ay namimilog na ang mga mata ni Eve sa direksyon ko.

"Sinusundan mo ba ako?" Sigaw nito mula sa kinauupuan niya. Wala na akong naging choice kundi ang lumapit sa kaniya.

"Hindi ba pwedeng dito lang talaga ako napadpad?" Sabi ko sa kaniya gamit ang usual kong sarkastikong tono.

"Tsk! Talaga lang ah." Sabi pa niya saka ito bahagyang umurong para bigyan ako ng space na mauupuan.
"Alam mo ba? Doon kami nangisda noon ni papa," sabi pa nito sabay turo sa harap namin.
"Ang sarap balikan ng mga ala-ala kapag isa kang masayahing bata. Kayo ba, naging bata ba kayo?"
Napaisip ako bigla sa tanong niyang yun. May mga nakikita akong batang anghel sa Ethearium kaya siguro, naging bata din ko? Pero....

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon