Everly's POV
"FOSSIL fuels include hydrocarbons such as coal, oil, and natural gas that..."
Unang klase palang namin ay inaantok na agad ako. Kung bakit ba naman kase physical science ang una naming subject ngayon eh.Hayss.
Natigil sa pagtuturo ang professor namin nang may kumatok sa may pinto, lahat kami ay napalingon doon.
Nang makita kung sino ang kumatok ay agad na kumabog ang dibdib ko."I'm late." Ani Levi. Sa tono niya ay hindi siya humihingi ng paumanhin dahil late siya kundi inaamin niya ito. Ibang klase.
"It's okay, take your seat now." Laking-gulat kong nilingon ang professor namin nang mahinahon nitong pinapasok si Levi.
Ano yun? Halos isang oras na siyang late pero hindi ko man lang makitaan ng inis ang mukha ni ma'am?Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha niya nang pumasok ito sa room.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nababagalan sa paglalakad ni Levi papunta sa upuan niya sa kung saan man, para kase siyang namamasyal sa mall sa bagal pero parang ayos lang yun sa lahat, maski kay Pia.Patuloy akong nag-take notes ng key terms sa lesson namin, bukod sa hindi ko na ramdam ang antok ko kanina ay pakiramdam ko may nakatingin din sa'ken sa may likod.
Iniisip ko na baka imagination ko lang yun pero... imposibleng mangilabot na lang ako nang walang dahilan diba?Nang matapos ang first two subjects namin ay nagtungo agad kami ni Pia sa Cafeteria. Habang hinihintay si Azrai ay sinamantala ko nang tanungin si siya.
"Nung first day of class ba... Classmate na ba natin nun si Levi?" Hindi ko pinahalatang curious ako sa lalaking yun.
4 weeks na kase since start ng klase at sa totoo lang.... Ikalawang beses ko pa lang nakitang pumasok sa klase si Levi, at ni isa sa mga professor namin para hindi man lang napansin yun o kaya sinabihan man lang siya, o itanong man lang sa'men kung okay ba siya?Pilit ko ding inalala kung nababanggit ba ang pangalan ni Levi sa attendance list, pero sumasakit na lang ulo ko di ko parin maalala.
"Hmm, di ko masyadong pansin. Pero..." Basa ko na maski si Pia ay hindi rin sigurado. "Pero marami naman tayong classmate na hindi ko ramdam eh. In fairness nga eh, may pambato na tayo for escort tapos ikaw yung muse!" Aniya sabay palakpak pa.
ರ╭╮ರ
Aish! Kahit kailan talaga 'tong babaeng to."Baliw! Aanhin ko yun? Staka... Di naman siya ganon k-kagwapo, ang weird rin kaya niya." Pahina nang pahina kong sagot.
"Anong hindi? Nakita mo ba yung jawline niya? Pak! Ang sharp!"
"Sharp? Hoy—""Anong sharp?" Sabay kaming napalingon sa likuran ni Pia. Si Azrai.
" Bat ngayon ka lang?" Agad na tanong ko sabay bukas sa baon ko.
Di ko masyadong narinig ang sagot niya dahil na-focus na ako sa pagkain, cons of not eating your breakfast.As usual, sina Azrai ang nag-uusap at ako naman ay nakikitango kapag kailangan. I'm more of a listener than a talker since most of the smooth and open conversation only happens inside my head.
Kabaliktaran ko naman si Pia, parang lahat ng uri ng tao kaya niyang kausapin, kahit pa bagong kilala niya lang.Matapos mag-lunch ay nauna nang humiwalay si Azrai sa'men.
" Sabay ako sa inyo pauwi ha!" Bilin pa nito bago tumakbo palayo.Nagpaalam naman muna ako kay Pia na magsi-cr lang at nabigla ata sikmura ko sa dami ng kinain ko kanina. Pinauna ko na siya since di ko alam kung gaano ako katagal aabutin.
I ran for the library. Ang cr sa library ang pinaka-tahimik at malinis sa lahat, you can't change my mind.
The four cubicles we're all empty nang marating ko iyon, kaya medyo nakahinga ako.
After I sit in my throne I plugged in my earphones and listened to some calming music, mahirap na at baka may marinig akong ibang boses kapag nag-hum pa ako."Tracksuits and red wine with movies for two
We take off our phones and turn off our shoes,
We'll play Nintendo though I always lose
Cos you watch the tv while I'm watching you..."Nang mailabas ko ang sama ng loob ko ay parang kayang-kaya ko nang sagutan ang midterm exam namin nang walang review. Sobrang nakakahinga na ako ng maayos.
"We drive through the woods rich neighborhoods to watch
We joked as we looked
That they were too good for us..."After I flushed the toilet, wala parin akong naririnig na pumapasok sa ibang cubicle, and I'm thankful for that, baka kase may maka-amoy pa dun liban sa'ken.
Bago lumabas ay naghilamos muna ako, sinamantala ko na din ang hand sanitizer and drier sa cr. Nang bigla na akong mapatalon sa gulat nang may malalim na boses ang nag-salita sa gilid ko.
"Oh faex!" (Oh, shit!)
"What the f— LEVI?!" Nanlalaki ang mata kong tanong sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan at takip-takip pa ang ilong.
"H-Hoy! B-Bat andito ka ha?!" Pilit tinatapangan kong tanong dito.
Nang makitang pina-paypay nito ang kamay sa ere ay naalala ko na medyo maamoy parin sa pala sa loob.Pero kahit pa! Bakit andito siya? S-Staka... P-Panong...
"ça schlingue." (That stinks!) Di ko naintindihan ang sinabi niya pero sa tono ng pananalita niya at pagtatakip sa ilong ay yung amoy ang tinutukoy niya.
"Hoy! B-Bakit ka andito ha? N-Namboboso ka ba ha?!"
Sa ngayon kung saan-saan na nakarating ang analysis ko sa nangyayare.
Either nandito siya para gawin ang masamang balak niya o naliligaw siya at dito siya nakapasok. Pero sa vibes niya sa'ken, wala akong tiwalang naligaw siya."You wish!" Mataray nitong sabi saken habang nagpa-paypay parin ng kamay niya sa ere.
"Ano bang kinain mo at napakabah—""Hoy! Sige ituloy mo yan, nakiki-amoy ka na nga lang eh." Putol ko sa dapat na sasabihan niya.
Pasimple kong nilingon ang paligid ko para humanap ng pwedeng ibato o ipalo incase may gawin siyang labag sa batas. Tanging trash bin sa may gilid ko ang naisip kong ipang-depensa.
"What? So dapat pa akong magpasalamat sa amoy na 'to?" Inis pa nitong sabi sabay turo sa ere.
Sa mga oras na 'to halo-halo na ang nararamdaman at naiisip ko, nahihiya ako dahil sa naabutan niyang amoy ng banyo at kinakabahan din dahil...kaming dalawa lang dito!
Mabuti na lang at medyo umaandar ang kakapalan ng mukha ko. Besides, hindi ko naman siya gusto para magpa-impress sa kaniya ano!"O-Oo!...Hoy! Wag mo nga ibahin ang u-usapan ... B-Bakit ka nandito ha?"
"Para mag-cr?" Sagot nito na para bang sinasabi sa'ken na obvious naman."T-Tingin mo maniniwala ako? C-Cr kaya tayo ng babae! Alam mo bang pwede kitang i-report ha?"
"Eh di gawin mo." Nanghahamon pa nitong sagot sabay irap sa'ken.Tsk! Ilang beses pa lang kaming nagkaka-usap pero nakikita ko na agad ang tunay niyang ugali, bastos na antipatiko na mayabang pa! Tsk! Himalang sa ugali niya wala parin siyang sungay sa ulo.
Sasagutin ko na sana siya nang bigla kong maalala na tapos na nga pala ang break! Bwiset!
"B-Bahala ka sa buhay mo, b-bastos!" Sinadya kong bungguin ang balikat niya nang malakas sa pagdaan ko. Nakahinga ako nang hindi niya ako pinigilan.
Pagkalabas ay kaagad akong tumakbo ng mabilis.
Mabuti na lang at 5 minutes late palang ako, automatic kase ang 15 minutes grace-period sa every subjects.Patakbo kong tinahak ang room namin mula sa library, pero maya-maya pa ay tumaktakbo na din sa gilid ko si Levi, naalala ko na kaklase ko nga pala siya. Tsk!
"Ang bagal mo." Panunukso pa nito bago naunang umakyat sa hagdan. Yabang! Porket mahaba ang binti niya? Tsk!
Pero aaminin ko na napaisip ako bigla na baka nga naligaw lang siya ng cr kanina.Stil, hindi ako dapat magpadala sa pinapakita at palusot niya sa'ken.
This time it'll not be bad of I listen to the voices in my head warning me of his presence.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...