Chapter 31

17 0 0
                                    

Levi's POV

"SEBASTIAN," Muli kong sinipa nang bahagya ang bandang gilid ni Sebastian. Masyadong mahimbing ang pagkakatulog niya at ayokong istorbohin yun kaso... kailangan ko ng tulong niya dun sa mortal.

"Sebastian!" Inis na sigaw ko na ng pangalan nito dahilan para biglang magdilat ang kaniyang mga mata. Sa wakas.

"Bakit?" He sleepily groaned while scratching his hazel eyes. I can't help but roll my eyes at how tranquil his sleep while I'm here... suffering because of that mortal.
I knew from start that she'll be such a pain in the ass.

"Y-Yung mortal na si Eve...m-may problema tayo." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa liwanag ng lamp sa bedside table niya.

Matapos sabihin yun ay parang kidlat itong tumayo sa kama niya at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto. Hindi ko mabasa sa mata niya kung nag-aalala siya na baka wala na sa bahay si Eve o nag-aalala siya na baka patay na ito.
Either of that, nag-aalala siya.

"What happened?" Tanong nito nang makalabas ako sa kwarto, naghihintay pa pala siya labas akala ko kase ay lilibutin na niya ang buong lugar para hanapin yung mortal.

"Nasa kwarto niya." Simpleng sagot ko, at gaya ng inaasahan ay tinahak nito ang direksyon ng kwarto ni Eve nang hindi man lang ako hinihintay. Tsk! As if naman alam niya gagawin kapag nakita niya yung mortal.

After all, it's her fault. Napaka-baba ng IQ level niya at hindi niya ma-gets na hindi siya makakalabas ng lugar na 'to. At sino bang nag-sabing humiga siya dun sa damuhan at maligo sa ulan? Tsk! Kita namang napakaraming kwarto ng bahay, maski nga kwarto ko pinasok na niya eh!

Aish! Kapag namatay siya nang hindi ko pa nakukuha ang pakpak ko, lagot talaga siya sa'ken.

Nang marating ko ang kwarto ni Eve ay parin parin ang kalagayan niya mula nang iwan ko siya, nanginginig at parang may kung ano-ano pang binubulong. Hindi naman malamig ang katawan niya para manginig siya.

Tsk! Ang weirdo talaga ng katawan ng mga mortal.

Maya-maya pa ay siya namang pasok ni Gary. May hawak-hawak itong round-titanium container na may lamang tubig at mukhang may halo itong...yelo?

"Para saan yung tubig?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa.
Kinuha ni Sebastian yung container at nilapag yun sa bedside table ni Eve.
Pinanood ko siyang pigain yung puting tuwalya habang hinihintay na sagutin ng isa sa kanila ang tanong ko.
Pero para bang wala ako do'n.
ರ╭╮ರ

"Bakit may yelo? D-Diba nilalamig na siya?" Muli pa akong nag-salita, hoping na mapansin nilang na'ndon din ako, pero nalamangan ng mortal ang presensya ko.

Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nung dalawa. Na para bang mamamatay na ang mortal ay kung hindi nila siya paliliguan ng malamig na tubig kahit nangingig na siya ay ikamamatay niya.
Tsk! Bahala sila.

Tumalikod na ako patungong pinto bago pa ako maumay sa nakikita ko.
Kaso...saktong pagbukas ko ng pinto ay narinig ko ang pangalan ko.

"Lu," Si Sebastian.
Great, ramdam pa pala niya ako.

Walang kagana-gana ko itong nilingon, at hindi ko pa man binubuksan ang bibig ko ay nag-salita na ulit ito.
"Kailangan natin siyang tulungan." Aniya. Hindi ko siya maintindihan kaya agad na kumunot ang noo ko.

"Tinutulungan niyo na siya diba?"
"Hindi sapat ang ginawa namin, kailangan niya ng gamot." Paliwanag pa nito.

"Eh di gamutin niyo siya—"
"Lu," Sebastian looked at me dead in the eye, dahilan para umurong ang pamimilosopo ko.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon