Chapter 66

74 2 0
                                    

Eve's POV

ISANG buwan na din mula nang magising ako sa hospital. Ang sabi ni Pia lumindol daw at gumuho ang tinitirhan namin ni mama.

Matagal daw bago nila ako nahukay sa mga guho. May punto pa daw na akala ni Pia ay wala na ako dahil napanaginipan niya daw na binisita ko siya sa panaginip niya, at nagpapaalam na.
¯\_(ツ)_/¯

Agad naman akong nakahabol sa mga lessons namin dahil sa mga notes ni Pia.
Lumipat na din kami ni mama malapit kina Pia kaya mas madalas na akong nakikitulog sa kanila.
Mula rin nang makalipat kami ay nag-bago na din ang pakikitungo ni mama sa'ken, bumait siya pero...may kung ano sa loob ko na nagsasabing hindi dapat ako magtiwala.

Ewan ko ba. Wala namang ginagawang masama si mama pero nakakaramdam ako ng takot tuwing tinitignan niya ako, kahit pa maamo naman ang mga mata niya.

Isa pa sa mga weird na bagay na nararansan ko ay tuwing gigising ako, nakasanayan ko nang sumilip sa bintana sa gilid ng kama ko tuwing gigising ako. Pero palagi akong nakakaramdam ng lungkot na para bang...may nawawala, at gusto kong makita sa labas ng bintana ko.

"Hayss! Gutom na ako!" Ani Pia habang binubuksan ang baunan niya. Nang susubo na ito ay bigla na lang dumapo ang kamay ko sa braso niya. Gulat nito akong tinitigan.

"B-Bakit?"
"A-Ano...wala naman." Sabi ko na lang. Itatanong ko sana kung wala ba kaming dapat hintayin bago kumain. Pero ilang beses ko na yung natanong sa kaniya, kapag tinanong ko pa ulit yun baka isipin niyang nababaliw na ako.

Pero ang weird talaga!
Parang may tao akong hinihintay, may tao akong gustong makita, may mga pangalan akong gusto kong maalala...pero hindi ko naman alam kung ano at sino!
Basta...hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Anong plano mo sa bakasyon?" Si Pia. Dalawang buwan na lang kase at matatapos na ang klase namin.

Tumango ako sabay sabing, " Gusto ko'ng mamundok." Namilog ang bibig ni Pia na para bang namamangha.
"Bigla ko'ng naisip si papa at yung bundok na pinuntahan namin ni-" Bigla akong natigil sa pagsasalita, para kaseng may dapat akong sasabihin pero nakalimutan ko agad.

"Nino?"
"N-Ni...Papa. May bundok kase k-kaming pinasyalan noon, gusto ko sanang balikan." Sabi ko na lang sa kaniya habang pilit paring inaalala kung ano yung dapat kong sasabihin kanina.

"Oooh! Gusto ko yan! Sama ako ha! Tapos camping tayo, mag-unwind ba!" Excited na excited na sabi pa ni Pia.

Nagpatuloy na kami sa pagkain nang may bigla na lang may nahagip ang mata ko sa may labas ng bintana. Sa di kalayuan ay may nakita akong lalake na naka-all black, kulot ang buhok at parang hindi naarawan ang balat. Magka-krus ang mga braso nito pero hindi ko sigurado kung sa'men ba nakatingin.

Ang weird lang dahil habang nakatingin ako do'n sa lalake ay bigla na lang akong nalungkot, yung tipong gusto kong...umiyak?

"H-Hoy! Eve, ayos ka lang?" Bigla kong nilingon si Pia.
"B-Bakit?" Taka kong tanong dito.
"Umiiyak ka kase eh." Aniya habang tinuturo pa ang pisngi ko. Nang kapain ko nga ang pisngi ko ay basa iyon.

Ang weird. May problema na ba tear ducts ko? Nung nakaraan lang ganito din ang nangyare.
Nagdahilan na lang ako kay Pia, as usual naniwala naman siya.
Nang lingunin ko naman yung pwesto nung lalake kanina, agad akong nalungkot at nanghinayang nang makitang wala na ito do'n.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko type ang mga kulot at maputlang lalake, pero kapag nakakakita ako ng gano'n ang itsura, hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan sila.

Though, what I hate about seeing them is that feeling of nostalgia.
I still don't know why I feel like yearning to someone I don't even know the name, the face, the sound of their voice.
I feel it inside my heart... That I've lost something.

I know and feel that, there's this...void.
An unascertained void... within me.

The end?

.
.
.
.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon