Everly's POV
TAGAKTAK ang pawis sa buong katawan ko nang magising ako, nasa clinic parin ako hanggang ngayon pero imbes na yung weirdo at nakakatakot na lalake ay sina Pia at ang isa pa naming kaibigan na si Azrai ang nasa gilid ng higaan ko.
"Buti naman nagising ka na!" Agad na bulalas ni sa'ken Pia, animo'y nabunutan ito ng tinik, doon ko lang napansin ang pag-aalala sa mga mata nilang dalawa.
"Alam mo bang kanina pa kita ginigising ha? Kung hindi ko pa tinawagan si Azrai para pumunta dito hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!" Dagdag pa ni Pia.
Inabutan ako Azrai ng bote ngtubig na agad kong tinanggap, pakiramdam ko kase tuyong-tuyo ang lalamunan ko."S-Sobrang sama ng naging panaginip ko." Sabi ko sa kanila habang iniikot-ikot yung takip nung bote.
Sobrang linaw parin sa ala-ala ko yung naging panaginip ko. At sa totoo lang, never pa akong naging thankful na magising sa buong buhay ko, ngayon lang.Bago i-kwento kina Sophia ang naging panaginip ko ay niyaya ko na silang lumabas muna ng clinic, baka hindi na din ako bumalik pa dito hanggang grumaduate ako.
Dahil lunch time na din ay dumiretso na kami sa cafeteria para kumain. Matapos um-order at makahanap ng upuan ay saka ko lang naramdaman na buhay pa talaga ako at nakakahinga ng malamig na hangin.n
"So, ano ba yung naging panaginip mo ha? Alam mo bang para kang...nasasapian kanina? May mga sinasabi ka na hindi ko ma-gets tapos sumigaw ka pa." Ani Pia, samantalang si Azrai naman ay tahimik lang na naka-upo sa gilid ko, kita ko na inaantay niya din akong mag-kwento.
Matapos pakalmahin ang sarili ay sinabi ko sa kanila lahat, as in LAHAT ng naalala ko which is lahat ng nangyare.
Lord, ganon na ba ako kasama para ipakita mo saken ang impyerno? Tapos may demonyo pa!
At higit sa lahat... Talagang sobrang totoo nung nangyare. Hanggang ngayon nga iniisip ko parin kung guni-guni ko lang ba talaga na naramdaman ko yung init ng katawan nung weirdong lalaking yun eh, maski yung nakakasulasok na init nunh lugar. As in mainit."Naku be, dream lang yun! And besides, heaven knows kung ga'no ka kabait na tao, except to your mother." I took Pia's words as comfort.
"Or maybe that dream is also a sign," ani Azrai. Aaminin kong kinabahan ako sa sinabi niyang yun, lalo pa't yung lalaking nasa panaginip ko ay dalawang beses ko nang nakita, hindi ko kilala, at higit sa lahat nasa room namin!
Coincidence lang ba na classmate ko siya? O isa na naman 'tong ka-weirduha sa buhay ko?
"A sign of what?" Si Pia, sa'ming tatlo siya lang ang malapit nang maubos ang kinakain. Alam kong gutom ako pero dahil sa nangyarr, nawalan ako ng ganang kumain.
"Gaya ng sabi ni Eve saten, she saw that guys twice already. Maybe her dream is a sign na umiwas siya dun sa lalake?"
Sabagay, may point nga naman si Azrai. Maybe it's a sign na hindi mabait na tao yung lalaking yun, kahit pa niligtas niya ako nito lang."You know what Evy? I agree with Azrai, maybe your dream is a sign, atleast diba? Pag-nagkita kayo you know na dapat umiwas ka." Sang-ayon ni Pia.
Gusto ko sanang sabihin na classmate namin yung lalake na pinag-uusapan namin, pero naisip ko na next time ko na lang sabihin yun.
Nagpatuloy si Pia sa pagkain, habang panay naman ang payo saken ni Azrai ng kung ano ang gagawin kapag nagkita ulit kami nung lalake.
It might sound weird pero hindi ko matandaan kung pa'nong naging kaibigan namin si Azrai, parang out of nowhere bigla na lang siyang sumulpot sa buhay namin. And like other faces, may pakiramdam ako na no'ng bata pa ako ay nakita ko na ang mukha ni Azrai. But of course, I don't wanna blurt out any of this thoughts, baka tuluyan na nilang isipin na nababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...