Chapter 17

17 2 0
                                    

Eve's POV

ATLAS! He turned his head towards my direction.

Upon seeing his face, all of my excitement and nervousness vaporized from my body, like the whole world decides to put up a prank for me.
I was left with questions and I don't know... disappointment?

Hindi, it's not because of his face. Hindi dahil hindi siya gwapo or hindi siya gaya ng ine-expect ko, in fact! May itsura siya, pero ang itsura ng mukha niya ay ilang beses ko nang nakita.
At sa hindi malamang dahilan, sa tuwing nakikita ko ang mukha niya bigla-bigla na lang akong...naiinis. Na para bang naiirita ako sa pagmumukha niya at ayoko siyang makita at gusto ko siyang layuan!

"Ikaw?!"  Maski ako ay dinig na dinig ang pagka-dismaya na may halong inis sa boses ko.
Hindi parin ako makapaniwalang siya yun, si Levi.
Base sa kalmadong ngiti sa mukha niya...alam niya na ako ang dadating ngayon.

Ayos. So plano niya ba 'to para mas inisin ako?

"Hi," naka-ngiti pa nitong bati, dahilan para mas mainis lang ako. Kung umarte siya, para bang wala lang ang ginawa niya sa'ken!

Hindi siya marunong ngumiti sa totoo lang. Halatang-halatang pilit na nagmumukha nang creepy kapag tinitigan mo nang matagal.

In fairness, mas lumakas pa ang dating niya dahil sa suot niya ngayon, naka-suklay pa palikod ang buhok niya na parang pinuno ng wax.

"Grabe..." I breath out. Luckily, I don't feel nervous now, but still...dapat na akong umalis.

"Umorder na ako—" agad kong tinaas ang kamay ko para putulin na ang anomang sasabihin niya.
"Hindi na, salamat na lang sa kape." Sabi ko sabay talikod.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang nakakabaliw na bigat ng nararamdaman ko ngayon. Is it the fact na kilala niya ako? The disappointment na siya yung kakatagpuin ko? Yung nakakabanas na kalmadong ngiti sa mukha niya? O yung hindi ko man lang siya nasampal sa panloloko niya?

"Hey!"
Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko.
Sa dami ng taong pwede kong makita ng paulit-ulit, bakit mukha niya pa? Hanggang ngayon nga may bad vibes parin akong nararamdaman sa kaniya eh, isama mo na din ang mukha niya!

"Pwede bang hintayin mo naman ako?"
Bahala siya! Hintayin niya ang sarili niya. Kainis. Sinayang ko lang ang oras ko para dito. Nag-ayos pa man din ako, and for the first time I feel confidently beautiful in this dress!
ತ_ʖತ

"Hoy, ano ba?!" Patuloy kong hindi pinansin ang pagtawag ni Levi sa'ken. Pero mahaba ang mga binti niya kaya agad niya akong naabutan.
Halos lumipad na ako sa lakas ng pagkakahigit niya sa braso ko palapit sa kaniya, buti na lang at agad kong nahatak ang sleeves ng coat niya dahil kung hindi baka tumalipon ako sa nang wala sa oras!

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat yung pinapahabol ako." Singhal nito habang direktang nakatitig sa mga mata ko. Gaya ko ay hinahabol niya din ang kaniyang hininga.
Sa bilis ng pangyayare ay hindi ko man lang magawang makapag-salita o higitin ang braso ko na hawak-hawak niya parin. Maski ang pagtitig sa mga mata niya ay hindi ko maalis

Hindi ito yung kulay ng mga mata niya nun sa school clinic. It's hazel brown and still got my very attention to just look at it.

Aaminin ko na hanggang ngayon ay iniisip ko parin na baka hindi lang panaginip yun nangyare sa clinic, lalo pa't ang pagsulpot ni Levi sa buhay ko ay... kwestyonable para saken, isama mo na din yung mabigat na pakiramdam na nakabalot sa buong aura niya.

Matapos ang ilang segundo ng pagtititigan ay nauna nang nag-iwas ng tingin si Levi, binitiwan na din niya ang braso ko na nananakit na ngayon, ni hindi ko man lang ramdam kung gaano kahigpit ang hawak niya sa'ken kanina sa sobrang toon ko sa mga mata niya.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon