Levi's POV
Para akong nasampal sa mukha ng tanong na yun ni Eve.
Mula palang paggising ko kaninang umaga gusto ko nang bumaba sa Infernos at iligtas si Sebastian mula sa mga traydor na halimaw doon, matapos ko siyang mapanaginipang pinapahirapan ng mga demonyong tinuring kong pamilya...wala na akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang sunugin silang lahat sa apoy ng Infernos.Ang hindi ko mapaniwalaan sa lahat ay hindi si Seth ang naka-upo sa trono ko sa Infernos kundi ang walang-hiyang si Azrai.
Nakakainis lang dahil hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila kaya wala akong ideya sa mga plano nila." Walang kwenta kung puro taga-sunod lang ang meron ka pero wala kang... kaibigan. Sumusunod sila sa'ken dahil tingin nila mas malakas ako at mas kaya kong mamuno, pero ang gaya nila madali kang palitan."
Hindi ko alam kung ano ang sinabi o ginawa ng Azrai na yun para tumalikod sila sa'ken, pero hindi ko kailanman naisip na tatalikod sa'ken ang buong Principia."Sinasabi mo ba na...si Azrai na ang—"
"Hindi mo pa ba—" agad kong pinigilan ang sarili na magsungit na naman kay Eve. Wala na si Sebastian sa tabi ko ngayon at ang tanging paraan na lang para makaganti ako sa kanila ay ang makuha ang pakpak ko."O-Oo, siya na ang naka-upo sa trono ko. At pwede ba? Hindi Azrai ang pangalan niya, siya si Addam noon pero mas kilala na bilang kamatayan ngayon. Kaya huwag ka na ulit magtitiwala sa mukha niya." Pansin ko ang bahagyang paglaki ng mata ni Eve. Siguro nabigla siya sa sinabi ko at pinoproseso palang iyon ngayon.
Sumandal ako sa upuan para antaying ma-proseso niya ang impormasyon sa utak nito. Sa tabi ko naman ay tahimik parin na naka-upo si Gary. Inutusan ko siyang palihim na bumaba sa Infernos kanina. Malaki ang tiwala ko sa nilalang na gaya ni Gary dahil loyal talaga sila sa nag-bigay buhay sa kanila.
Pero nang bumalik siya ay bakas ang gulat at takot sa mga mata niya, hindi rin magkanda-ugaga ang mga kamay niya. At nalaman ko nga na bukod sa ikinulong at pinahihirapan nila si Sebastian sa Infernos ay mas pinabigat pa ang trabaho ng mga tapat sa'ken, lalo na ng mga gaya ni Gary.
Hindi ko rin malilimutan ang sinabi niya kanina, pinaki-usapan ko din siya na mag-tungo sa Tartarus para humingi ng tulong, pero ang sinabi ni Gary sa'ken nang makabalik ito ay:
"Huwag mag-tiwala sa dilim, ipapahamak ka niya." Mangiyak-ngiyak nitong sabi sa'ken.
Aaminin kong wala nang mas nakaka-dismaya sa balitang yun. Akala ko la man din hanggang huli tutulong ang kadiliman sa'ken lalo pa't ginawa ko ang lahat noong nag-aklas kami sa Ethearium, pero ang ang natanggap ko ngayon? Lahat sila pinagpalit ako para sa mortal na si Addam.
Magbabayad siya, sisiguraduhin kong hindi na siya makakakita pa ng liwanag sa oras na makuha ko ang pakpak ko.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang mababang tinig ni Eve.
"Kaya pala buong buhay ko nakikita ko na siya." Dinig ko pang sabi nito na siyang agad na nagpa-kunot sa noo ko."Anong ibig mong sabihin na buong buhay mo?"
Bigla kong naalala ang sinabi noon ni Sebastian sa'ken tungkol kay Eve, na ang mga mata nito ay nakakakita ng mga nilalang na nagtatago at nagbabantay. Ngunit bakit niya nasabing matagal na siyang binabantayan ni Azrai?Dinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito.
"Mula pa nung bata ako nakakakita na ako ng mga hindi nagbabagong mukha, mga hindi tumatanda, at kahit saang lugar naandun sila." Aniya.Ang mga guardians ang tinutukoy niya, pero kung hindi rin ako nagkakamali ay kasama ni Azrai ang mga yun noong unang araw na lumapit ako kay Eve.
Tsk! Ang matanda, sa sobrang tiwala niya kay Addam hindi na niya namamalayan na nakikita ang karumihang ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...