Levi's POV
PANO? Pano kami napunta na lang sa Infernos bigla?
Nang hawakan ako nang mortal na yun ay bigla na lang akong nakaramdam ng kuryente sa braso ko, at nang lingunin ko nga siya bigla na lang nasa Infernos na kami!
Imposibleng gawa iyon ng kapangyarihan ko, lalo pa't naitago ang presensya namin sa lugar na yun na maski ang pagtataksil ng Principia sa'ken ay narinig ko!
Ang walanghiyang mga demonyong yun!
Nakumbinsi nga akong hindi ko gawa ang nangyaring yun nang tanggalin ni Eve ang pagkakahawak niya sa'ken, at nabalik nga kami sa Caverna.
Nakatayo parin sa gilid ko si Sebastian at base sa mukha niya hindi niya pansin kung nawala man lang ba kami sa lugar na 'to o tanging kamalayan lang namin.
Nang bigla na lang mahulog sa tubig si Eve, dahilan para mabasa suot kong pants sa talsik ng tubig."Eve!" Syempre agad na nag-panic si Sebastian sa nangyare. Tatalon na sana siya sa tubig nang higitin ko ang braso niya.
Mas importante ang nangyayare sa Infernos ngayon kesa sa pagligtas niya sa mortal na yun."Ako na ang bahala sa kaniya, magtungo ka sa Infernos ngayon din." Mariin kong utos sa kaniya. Agad na nangunot ang noo niya sabay lingon kay Eve na nasa tubig parin.
"Ang principia, nagpupulong sila nang walang pasabi. Bumaba ka dun at tingnan mo kung ano na ang nangyayare."
Hindi ko mapigilan ang galit ko dahilan para maski ang balat ko ay umusok. Kung hindi lang dahil sa sugat ko sa braso ay bababa ako doon at gagawin silang pulbura sa bala!Nang marinig ni Sebastian ang ginagawa ng Principia ay agad na naging klaro sa kaniya ang lahat. Bago siya umalis ay ipinaalala niya muna sa'ken na nasa tubig parin si Eve, kung hindi niya yun ginawa baka makalimutan ko yun dahil kalmado na ang tubig ngayon.
Kainis. Kakaligo ko lang eh.
Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko para palutangin ang mortal, pero nakakapagtaka na hindi ko mahanap ang presensya niya. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang bumaba sa tubig.
Pagbaba ko ay ramdam ko na parang aligaga ang tubig, Ang mga kelp sa ibaba ay para bang nagkaroon ng buhay at pumulupot sa binti at bewang ko, pero agad silang napuputol dahil sa temperatura ng katawan ko.
Agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin si Eve dahil sa hindi malamang dahilan para bang nasa ilalim kami ng mismong dagat sa lawak ng natatanaw ko.
Kung tama ang obserbasyon ko, base sa amoy ng tubig nasa Mediterranean Sea kami. Pero pa'no? Bwiset! Ang daming hindi maipaliwanag na pangyayare ngayon.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang wala nang malay na si Eve sa di kalayuan . Agad akong lumangoy palapit sa kaniya ngunit isang pamilyar at malaking pigura ang bigla na lang sumulpot sa harap ko.
Imposible, imposibleng nagising na siya ngayon.
Tanda ko pa nung unang beses na nakalabas kamj sa Infernos, siya ang unang sugo na ipinadala sa lupa para lipunin ang mga anghel na gustong sumunod sa yapak ko. At dahil sa tagal nang pagkakakulong namin ay lumakas kami at napatay namin siya.Namatay ang katawan ng Leviathan ngunit ang espirito niya itinago ni ama sa kailaliman ng tubig Mediteranya upang muling magpalakas, ang espirito ng Leviathan ay kayng ibalik ang katawan niya at mabuhay ulit na mas malakas pa sa una.
Ang buntot nito ay unti-unting pumulupot kay Eve at mas inilayo pa siya sa'ken.
"Ibigay mo siya saken." Utos ko sa Leviathan.
"At bakit ko gagawin yun?" Gano'ng-ganon parin ang boses niya, malalim na para bang sa kadiliman ngunit hindi nun pinapatindig ang balahibo ko.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...