Levi's POVBAKIT ba ang tagal ng dalawang yun?
Nakabayad na ako at naiinip nang naghihintay sa bukan nung tindahan pero hindi parin bumabalik si Sebastian at Eve.Habang mas tumatagal pa ang paghihintay ko ay mas lalo lang lumalala ang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib, may pakiramdam ako na may hindi tamang nangyayare.
Nang lumipas pa ang isang minuto na wala parin ang dalawa ay nagpadala na ako ng mensahe kay Gary para puntahan ako. Obviously, hindi ko gustong may dala-dalang mga plastic at bag habang naglalakad, at kung itatapon ko naman ang mga yun ay sigurado akong gagawa na naman ng paraan si Eve para mapilit ako sa bagay na 'to.
Agad na dumating si Gary sa disguise nito bilang matandang uugod-ugod na, hindi naman yun magiging hadlang sa bilis niya.
"Iuwi mo 'to at may hahanaping akong mga pasaway." Bilin ko dito bago ko pinakiramdaman ang buong lugar gamit ang hangin sa paligid.
Agad kong nakuha ang posisyon ni Sebastian at sinundan yun.Nakita ko siyang nakasandal sa may pader, sa paglingon-lingon niya sa likod at pagtingin-tingin sa orasan nito....may pakiramdam na ako na hindi maganda.
"Asan siya?" Agad kong tanong kay Sebastian, sa panlalaki ng mga mata niya ay kita ko na hindi niya inaasahan ang presensya ko.
"S-Sa cr, may d-diarrhea siya kanina pa." Ani Sebastian. Sinubukan kong basahin ang isip nito pero tahimik yun.
"Talaga? Kung ganon papasok na lang ako sa loob para katukin siya at inuubos niya ang oras ko." Nilagpasan ko si Sebastian para pasukin na sana ang restroom nang bigla namang humarang sa harap ko si Sebastian.
"Wala siya diyan, diba? Sabihin mo... nasa'n siya Sebastian?"
He drew a deep breath, I could see from the look on his eyes that he's thinking twice again."Alam mo kung anong pwedeng mangyare—"
"Nagpunta siya sa kaibigan niya." Bigla nitong sabi.
Hindi nga ako nag-kamali, ginamit niya lang ang oras na 'to para lituhin ako, at ang mas matindi pa doon ay pati si Sebastian tinraydor ako!Ang tanging paraan lang para marating namin agad ang kinaroroonan ni Eve ay gamit ang bilang isang itim na usok, kahit nag-aalala na hihigupin nun ang lakas ko ay hindi na ako nagaksaya pa ng panahon para mag-isip pa ng ibang paraan.
Sumabay sa'ken si Sebastian, nang marating nga namin ang sinasabing bahay ng kaibigan ni Eve ay agad kong naramdaman ang mabigat na presensya sa paligid.
Nagkatinginan kami ni Sebastian, walang ano-ano nitong tinawag ang kaniyang espada na siya ring ginawa ko nang walang kasiguraduhan kung makukuha ko pa ba ito mula sa Infernos.
Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko ang hawakan ng espada ko sa kanang kamay.Si Sebastian ang pumasok sa loob ng bahay para tignan kung nandun pa si Eve, makalipas ng ilang segundo ay lumabas ito na walang kasama.
"Maghiwalay tayo, mag-padala ka ng mensahe kapag nakita mo siya." Bilin ko pa dito bago ako nag-tungo sa kaliwang direksyon.
Hindi pa man ako nakaka-sampung hakbang nang bigla na lang gumalaw ang lupa, nagkaroon ng mga biyak sa harap ko kung saan nagsilabasan ang mga Mortuus, at isa lang ang pinahihiwatig ng presensya nila dito...nasa paligid lang si Azrai.
Sabay-sabay silang umatake na siyang agad kong nasangga ng espada. Ngunit ang mga napapatay ko at nagiging abo ay agad ding bumabalik sa mala-tao nilang anyo. Kaya napilitan akong sanggain ang bawat isa sa kanila habang tumatakbo.
Ayokong ubusin ang lakas ko sa Mortuus ngunit kahit anong pagpapakiramdam ang gawin ko ay hindi ko maramdaman ang presensya ni Eve!
"TULONG!!!"
Galing sa may kaliwa ko ang pamilyar na boses na yun. Agad kong tinungo ang direksyon kung saan ko narinig si Eve, ngunit mas marami pang Mortuus ang humarang sa daan ko.Laking pasalamat ko na lang nang dumating si Sebastian sa may gilid ko.
"Puntahan mo na siya, susunod ako." Aniya.
"Mag-ingat ka." Sabi ko pa sa kaniya.Nararamdaman ko nang nasa malapit lang si Eve dahil sa pabigat nang pabigat na amoy ng hangin. Dinala ako ng nalalantang mga damo at halaman sa paligid patungo nga sa kinaroroonan nito.
Nasa tunay niyang anyo ang kamatayan. Aatake na sana ako mula sa likuran nito nang mapansin ko na ang paulit-ulit nitong inaasinta gamit ang scythe niya ay walang iba kundi si Eve, ngunit para bang may harang sa pagitan nilang dalawa.
Yung charm...pinoprotektahan siya nun.
Nang muli nitong itaas ang scythe niya ay kinuha ko yun bilang pagkakataon para umatake, pero agad itong nakatunog at naiwasiwas sa direksyon ko yung espada. Mabuti na lang at agad akong nakaiwas, gumulong ako sa direksyon ni Eve para pumagitna sa kanilang dalawa.
"Hindi nga ako nagkamali na tinatago mo siya." Sabi pa nito sa'ken.
"Hindi ko siya tinatago, nilalayo ko lang siyang sayo." Ganti ko sa kaniya sabay ngisi.
Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang mas marami pang Mortuus sa magkabilaang gilid namin.
"Huwag kang lalayo kung gusto mo pang mabuhay." Bulong ko kay Eve sa likod ko, dinig na dinig ko ang mabilis nitong paghinga. Gusto ko sana siyang sermonan pero ang kailangan ko munang isipin ngayon ay kung pa'no makakabalik sa bahay nang ligtas.
Agad akong nag-handa nang magsipaglapitan na sa'men ang mga Mortuus habang nakatuon parin ang atensyon ko kay Kamatayan sa harap ko.
Hindi ko alam kung kanino siya nakatingin dahil purong abong kulay na lang ang nakikita ko sa itaas na bahagi ng mukha niya, na para bang unti-unti na siyang naagnas.Nang i-angat nito ang scythe ay agad akong pumwesto sanggain yun, ngunit bigla namang dumating si Sebastian. Walang sali-salita naming kinalaban ang bawat Mortuus habang nagsasalitan sa pagsangga at pag-iwas sa espada ni Azrai.
Pero hindi madaling makipaglaban habang iniiwas ang sarili at si Eve sa mga Mortuus, lalo pa't hinahatak siya ng kung sino man ang makahawak sa kaniya, buti na lang at nakakuha ito ng bato at nag-umpisa ding depensahan ang sarili niya.
Mabuti naman at hindi na siya kasing duwag ng dati.
"Lu, humanda kayo at paparating na si Aven." Dinig kong sabi ni Sebastian nang makapunta ito sa gilid ko.
Si Aven ang isa sa mga itim na falcon na inaalagaan ni Sebastian dito sa mundo ng mga mortal.
"Sabihin mo dalian niya." Bulong ko pabalik.
Si Aven ay alagang hayop ni Sebastian, at tanging siya lang ang sinusunod nito.Habang patagal nang patagal parami pa nang parami ang mga mortuus na nakikita ko, hindi yun nakakatulong dahil unti-unti na din akong nauubusan ng lakas sa paggamit sa espada ko.
"Lu! Sa likod mo!" Dinig ko pang sabi ni Sebastian ngunit nakaluhod na ako at mukhang wala nang balak tumayo ang mga binti ko.
Anong nangyayare? P-Parang hinihigop ang lakas ko.
Biglang kinuha ni Eve ang espada ko at winasiwas yun sa magkaka-ibang direksyon. Ni hindi man lang niya matamaan ng maayos ang mga Mortuus dahil sa bigat numg espada, pero kahit pilitin ko pang tulungan siya ay hindi ko rin magawa!
Pero hindi ako susuko!
Pinilit kong tumayo dahil hindi ko gusto na mag-isang lumalaban si Sebastian sa bwiset na yun! Alam at ramdam kong nakatingin siya sa'ken, sigurado akong tuwang-tuwa siya sa nakikita niyang nangyayare."Levi!" Sigaw ni Eve sa gilid ko. Nang lingunin ko siya ay nakatingin ito sa may gilid ko kung nasa-san ang ilan pang mga Mortuus! Nasaksak ni Eve ang isa, nang may mahagip na kumikinang ang mata ko sa aming harap...ang huli ko na lang nakita ay ang papalapit na Scythian sa mukha ko...at nawalan na ako ng malay.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...