Chapter 24

18 2 0
                                    

Eve's POV

NANAGINIP ako na hinahabol ako ni mama...hindi, hindi siya ang mama ko.

Ang babaeng humahabol sa'ken ay may maputlang balat, matalim at maiitim na mga mata at may napakahabang buhok.
Sa panaginip ko ay paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang dapat na akong mamatay.
Takbo lang ako ng takbo sa napakadilim na lugar, hanggang sa wala na akong maapakan pang lupa at nahulog ako!

Habol ang hininga at tagaktak ang pawis sa buong katawan ko nang magising ako. Agad na dumapo ang mga mata ko sa lugar kung nasa'n ako. Sa isang malambot na kama na ako nakahiga, nakaharap ito sa malaking bintana na may pulang kurtina, gaya ng pintura ng buong kwarto.

Nang subukan kong umupo ay kaagad kong napansin na hindi na ganoon kasakit ang buong katawan ko pero ramdam na ramdam ko parin ang uhaw sa buong sistema ko.

Tumayo ako para sana muling hanapin ang kusina nang mapansin ko na malaking itim na tshirt at pants ang suot ko imbes na mga pantulog ko. Doon ko rin lang napansin ang mga puting parang papel na nakadikit sa braso ko, sa may hita ko, sa likod ko, sa leeg, at sa may bandang tiyan ko. Kaya pala ang sarap ng pakiramdam ko.

Pero...sino naman kaya ang gumawa sa'ken nito? Hindi kaya...siya?!
⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

Madali akong nagtungo sa may pinto nang bigla na lang itong bumukas at iluwa ang isang pamilyar na mukha sa'ken.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung sisigaw? Tatakbo? Nung huling magkita kase kami ay sa isang convenience store pa...at kung hindi ako nagkakamali...minsan ko pang nakita na maging pula ang mga mata niya.
Akala ko noon guni-guni ko lang yun.

"Mabuti naman at gising ka na." Aniya sabay ngiti pa sa'ken. Mukha namang sinsero ito pero hindi ko man lang magawang pekeen ang ngiti ko dahil sa bilis ng kabog ng puso ko.

"Sakto, nakahanda na ang breakfast. Tara," tumalikod ito saka naglakad na para bang sigurado siyang susundan ko siya.

Susunod nga ba ako? Pero kumukulo na ang sikmura ko at nauuhaw pa ako. Pero pa'no kung may lason yun? Hindi kaya bitag 'to?

Nang pasimple akong dumungaw sa labas ng kwarto at nakitang naglalakad parin palayo yung lalake.

Bahala na.

Sinundan ko ang yapak niya sa mahabang corridor. Sa kaliwa ko ay mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana, hindi ko napigilan ang sarili na mamangha sa ganda ng hardin sa ibaba, talagang napakalawak pala nun.

Sa bandang gitna ng corridor ay pumasok sa double door na pinto yung lalake, hinawakan niya yung pinto hanggang sa makapasok ako.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang ganda ng view sa napakalaking bintana. Tanaw na tanaw ang napakalawak at asul na dagat doon. Napakaganda.

Sa harapan ko naman ay nakalatag ang napakarami at mukhang masasarap na pagkain sa mahabang lamesa.
Sa kaliwa ko ay ang malawak at napakalinis na kusina. Sa kanan ko naman ay isang indoor fountain na may statue pa ng babae na hawak-hawak ang isang vase kung saan lumalabas yung tubig, napalilibutan yun ng maraming bulaklak.
Bukod sa naglalakihang chandeliers sa ceiling ay may mga murals din sa doon.

"You can seat wherever you want. Enjoy the food." Sabi pa nung lalake, saglit kong nakalimutan na nasa may pintuan pa pala siya.

"Uhm..A-Ano..." Tawag ko sa atensyon nito.
"Don't worry, walang lason sa mga pagkain na yan. You're safe here."
Hindi naman yun ang sasabihin ko eh, pero kahit sinabi niyang walang lason yung pagkain, hindi parin ako dapat magpaka-kampante.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon