Chapter 5

61 4 0
                                    


Levi's POV

SASABIHIN ko sa inyo ang isa sa mga bagay na naalala ko sa naging labanan sa langit.
Sa hindi malamang dahilan, nang ipatapon kami dito sa Infernos, maraming ala-ala ang tinananggal samen.

Pero tandang-tanda ko pa, yung napakalalim na boses na bumulong saken isang araw matapos likhain ni Ama yung mga unang nilalang na tinawag niyang mortal, o tao, sina Addam at Eeve.
Sa nakalipas na maraming taon, siniguro kong hindi malilimutan ng mga tao ang pangalan nila, maski ang pangalan namin, maski ako.
Hindi ko tanda kung ano ang saktong sinabi saken nung boses pero matapos ko siyang marinig, naliwanagan ako sa mga bagay-bagay.

Dahil hindi kami nagtagumpay sa labanan, kasama naming ibinagsak dito ang tinawag ni Ama na kadiliman, at dito Tartarus niya siya ikinulong. Ngunit kahit naikulong ni ama ang kadiliman, naririnig ko parin siya at ang boses niya parin ang siyang gumagabay sa'kin, sa'min  hanggang ngayon, maski sa mga mortal. Gaya ng sabi niya saken noon, kahit saan kami magpunta, may aninong nakasunod samen at patuloy kaming gagabayan sa mga hakbang namin.

Bukod sa madilim, napakalamig ng Tartarus, dito rin nakakulong ang mga taong nagtaksil  sa kapwa nila, ang pinaka-masasama, ang pinaka sa pinaka.

I grab one torch at the wall as I walked to the deepest part of Tartarus until I reached the only door made of cell bars.
Ramdam ko presensya niya dahil sa bigat  ng hangin sa buong lugar.

"Ama, nandito na po ako." Kausap ko sa kadilimang nasa harap ko, maski ang liwanag sa sulo na hawak ay wala man lang nagawa sa kadilimang taglay niya.

" Bantayan mong mabuti ang babaeng, dapat mong makuha sa kaniya ang kailangan mo."
Yung babae na naman.

"Opo ama, p-pero...paano kayo nakakasigurong hawak niya yun?"
Kahit na kinumpirma na ng maraming beses saken ang bagay na yun, may agam-agam parin ako.

" Wala ka bang tiwala sayong ama?" Biglang tumayo ang buhok sa braso ko sa pinaka mababa pang tono ng boses niya, na para bang hinahamon ako nito sa laban na hindi ko mapagtatagumpayan.

"H-Hindi po sa ganon ama... May tiwala ako sa inyo. Kukunin ko ang pakpak ko at maghihiganti tayo, pangako yun." Paniniguro ko kay ama.

"Wag mong kakalimutan ang napaka-importanteng bagay, ang babaeng yun ang dapat magbigay sayo ng pakpak mo, kusang-loob ayon sa dikta ng taas."
Ani ama.
Dikta ng taas. Isa sa mga batas ng langit, dikta ng kalooban at hindi ng kung sino man, dikta na kusang-niloob ng puso...ugaling-ugali ng ama namin sa langit.

"Masusunod ama." Agad kong sagot.

Aaminin ko na hindi ito gaya ng inaasahan kong misyon, ngunit sa lalong madaling panahon dapat makuha ko sa babaeng yun ang pakpak ko.

"Isang bagay pa, si Hemesis..."
Hemesis, matagal ko ding hindi narinig ang pangalang yun. Si Hemesis ang anghel na nagkatawang tao na tinawag na kristo ng mga mortal, paborito siya na ama at tinuturing din siyang kanang kamay. Hindi ako malapit sa kaniya dahil palagi siyang nakadikit kay ama, o kaya naman magiliw na pinapanood ang dalawang mortal.
Ang nakakainis lang, ngayon lang namin nalaman na binuhay pala siya uli ni Tanda sa panibagong katauhan matapos siyang patayin ng mga romano noon.  Nakapagaling ng ginawa niyang pagtatago.

"Ano po ang tungkol kay Hemesis ama?"

"Si Hemesis ay dapat na mapatay uli sa lalong madaling panahon. Hanapin niyo siya at isamang patayin ang mga anghel na tumutulong sa kaniya. Kapag napatay niyo sila, tiyak na mamumuhi siya at magpapaulan ng galit sa mundo, at kapag nangyare yun, patuloy na magagalit ang mga tao sa kaniya at kamumuhian siya..."

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon