Chapter 36

11 1 0
                                    

Levi's POV

SA tagal kong nabubuhay ay hindi pa ako nasampal nang ganon kalakas!
Ang kapal niya!
(ノಠ益ಠ)ノ

Gusto ko lang naman bigyan siya ng hangin pero anong ginawa ng babaeng yun? Sinampal na niya ako tinulak pa niya! Tuloy nalaglag na naman ako sa tubig, buti na lang at hindi ako napadpad na naman sa dagat na yun kung hindi talagang ako mismo ang lulunod sa mortal na yun!

Pagkabalik sa kwarto ay agad din akong naligo. Mabuti na din at hindi naglapat ang mga bibig namin ng mortal na yun kundi baka bangungutin pa ako araw-araw.

Halos hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagbabalik ni Sebastian. Kinonsidera ko na din ang pagbaba sa Infernos, hindi na rin naman masakit ang sugat ko at mukhang naghihilom na din. Pero ang kinatatakot ko lang ay baka mahirapan na akong umakyat sa mundo ng mga mortal kapag bumaba ako.

Gaya ni Azrai, ang sugat na mula sa scythe ay traydor din. Nung unang beses na masugatan ako nito ay nagawa ko pang umakyat sa mundo ng mga mortal pero halos maubusan ako ng hininga sa nangyare.

At hindi lang ang hindi pagbalik sa mundo ng mortal ang kinatatakot ko, hindi ko rin alam kung may sapat pa ba akong kapangyarihan na makababa pa. Lalo pa't kanina, habang nililigtas si Eve ay hindi gumana ang kapangyarihan ko at kinailangan ko pang sumisid din.

Hindi ko alam kung nararanasan din ba ito ng Principia, ni minsan din hindi ko pa natanong si Sebastian kung nanghihina na din ba ang kapangyarihan niya dahil...tingin ko imposible talaga yun.

Pero pa'no kung isa na naman 'to sa kagagawan ni tanda? Tsk! Talagang pinahihirapan niya ako.

Nagpaikot-ikot ako sa paglalakad sa buong kwarto ko. Nakakainis! Ngayon ko pa lang naramdaman ang kaba na ganito sa sistema.

"Lu," sa wakas, dumating na din si Sebastian.
"Kamusta? A-Anong balita?"
Nagpakawala si Sebastian ng malalim na buntong-hininga saka ako direktang tinitigan sa mata.

"Si Seth...hinirang siyang bagong leader ng Principia." Ani Sebastian. Matagal pa akong tumitig sa kaniya, nagbabakasakali na babawiin niya anomang kabaliwan na sinabi niya ngayon lang.
Pero wala, nakatayo siya sa harap ko na may seryosong pagmumukha.

"Imposible, Imposible yan. S-Sino...Sino ang nanghirang sa kaniya?!"
"A-Ang...Ang kadiliman," nag-aalangang sagot nito sa'ken.

Ang kadiliman? Hindi, hindi...HINDI!!!

"T-Totoo ba?...Totoo bang wala ka nang kapangyarihan?" Hindi ko inaasahan ang tanong na yun ni Sebastian.
"Sinabi ng kadiliman sa Principia na hindi mo na kayang mamuno dahil wala ka nang natitira pang kapangyarihan para gawin ang misyon mo, kaya naman... ipinasa niya ang misyon mo kay Seth."

Si Seth, ang walanghiyang yun!
Siya ay kabilang sa ikatlong ranggo ng mga anghel sa langit. Magaling siya kahit papano sa pakikipag-laban at tamang estratehiya, pero wala siya kumpara sa kung ano ako.

"Nanghihina lang ang kapangyarihan ko pero hindi yun nawawala! S-Sigurado akong dahil yun sa sugat na natamo ko, yun lang!...anong karapatan nilang tanggalin ako sa posisyon?"

Matapos ang napakahabang panahon, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong pagkabigo. Parang nawala na naman sa'ken lahat ng pinaghirapan ko, ang tagumpay na inaasam ko nang napakatagal na panahon ay naging napakataas na bundok na naman.

Hindi, hindi ako papayag na babalik ako sa pag-akyat sa bundok na yun. Abot-kamay ko na ang gusto ko, hindi ako papayag na mapunta yun sa iba.

"Kung ibinigay ng kadiliman ang misyon ko kay Seth, ibig-sabihin...siya na ang kukuha sa pakpak ko?" Kita ko na ngayon rin lang naisip ni Sebastian ang bagay na yun.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon