Eve's POV
HALOS mangalay ang panga ko sa pagkamangha nang makita ang nasa likod ng pinto.
Para akong nasa loob ng isang palasyo sa sobrang taas ng mala-asul na kisame. Ngunit nababawasan ang ganda ng lugar dahil sa kokonting ilaw sa paligid. Halos katumbas ng apat na kwarto ni Levi ang lawak ng lugar na nababalutan ng purong tubig, may mga halaman at bulaklak at ang tanging paraan para makalibot ay ang mga malalaki at malalapad na bato na nakalutang sa tubig.Pero hindi lang ang kakaibang ganda ng lugar ang nakatawag ng atensyon ko, sa kisame sa harap ko ay para bang may kung anong nakatingin saken sa dilim, nang aninagin kung ano ang nandun ay unti-unti kong nakita ang animo'y ulo ng dragon na para bang idinikit mismo ng buhay sa kisame.
"A-Ano yun?" Tanong ko kay Sebastian nang masamahan niya ako sabay turo dun sa may ulo ng dragon.
"Ah, ang Leviathan." Ani Sebastian, nang lingunin ko siya ay basa ko ang pagkamangha sa mga mata niya.
"The mythical guardian of the water, but after the revolution it became the first beast to rule over the earthly seas, to defeat and punish the uncontrollable angels and mortals." Paliwanag pa sa'ken nito.
Wow. Hindi ko alam kung mamamangha ako o matatakot dahil alam niya ang mga bagay na yun.
Leviathan, parang narinig ko na yun dati."Ah," maikling tugon ko.
"You know? Some say nasa dagat parin daw siya, somewhere in the depths of the sea at muling lalabas kapag muli na siyang tinawag, pero...marami siyang kinuhang mga anghel.""Kinuha? Bakit?"
"Dahil namuhi sila sa mga tao, tinuruan nila silang gumawa ng armas at saktan ang bawat isa. Inutos ng kataas-taasan na kunin ng Leviathan ang bawat anghel na nagkasala at dalhin sa Infernos." Ani Sebastian.
Hindi ko alam kung tama ba na naririnig ko ang isang kakaibang page ng history mula kay Sebastian. Hindi ako mahilig magbasa ng mga tungkol sa angels and demons, types of angels and demons, history of the creation, blah blah blah, kaya medyo sumasakit ang ulo ko sa kinukwento ni Sebastian. Pero aaminin ko na na-iimagine ko lahat ng sinasabi niya sa isip ko.
"K-Kung ganon, ang L-Leviathan ang nagdala kay L-Lucifer sa...I-Infernos?" Tanong ko pa sa kaniya.
Nung bata ako, alam ko nanonood ako nu'n nung palabas tungkol sa rebolusyon sa langit kung saan nilamon ng nagliliyab na lupa si Lucifer, pero ang kinukwento ni Sebastian ay iba sa naalala ko noon."Hindi," animo'y tumatawa pa nitong sagot sa'ken.
"The first revolution happens in Ethearium, dun pa lang natalo na si Lucifer. Pagkatapos nun hiniwalay ni Ama— ng d-diyos ang mundo na ginawa niya para sa mga mortal at muli siyang gumawa ng kawangis niya. Pagkatapos ay pinababa niya ang mga anghel niya para bantayan sila."Huh? Ano daw? B-Bakit gagawa ang diyos ng bagong mga mortal? Akala ko ba nanggaling kaming lahat kay Addam at Eeve? At ano yung Ethearium?
"A-Ano...s-so sinasabi mo na s-second batch kaming m-mortal?" Kunot-noo kong turo sa sarili ko.
"Hmm, parang ganon." What?!
"Eh bakit? Bakit siya gumawa ng panibago? H-Hindi ba kami galing kay...Addam at Eeve?"
"Hindi, dahil silang dalawa...nawala sila matapos ang unang rebolusyon." Sagot pa sa'ken ni Sebastian.Woah! What?! So for short, namatay sila Addam at Eeve, hiniwalay ni God ang earth mula sa heaven? Tapos gumawa siya ng panibagong batch ng mga tao pero...naging masama sila dahil tinuruan sila ng masama ng mga anghel? Tapos bumaba ang sinasabi niyang Leviathan para parusahan ang mga anghel?!
"T-Totoo ba yang...m-mga sinabi mo?" Tumango si Sebastian saka muling nag-salita.
"Kaya nga hindi na kayo nakakakita ng bumababang anghel diba? Actually, natigil ang pagbaba nila matapos niyong ipako ang isa sa mga kapatid namin," aniya, nag-hintay ako ng kasunod niyang sasabihin pero tinitigan niya lang ako at para bang sa isip ko nakikipag-usap.
BINABASA MO ANG
He's Evil (Completed)
FantasyAfter the unsuccessful revolt in Heaven, Lucifer, and the fallen angles were thrown into Infernos and was strip off their wings as a payment for their sin. As the Darkness' last call, Lucifer must find and retrieve his wings hidden in the mortal wo...